Cielo's POV
Hayys! Sa wakas! Nakapag-perform narin, worth it naman lahat ng pinag-hirapan namin bakit? Kasi kami may mataas na grade ako ba naman dancer eh, tinodo ko yung paga-act ko haha. Nagulat nga yung iba kong kaklase sa ginawa ko eh akala nila tahimik lang ako yun pala may tinataga din oh diba?
"Grabe! Ang galing ni Cielo!"
"Siya lang naman nag-dala nung performance nila eh."
"Astig! Nakakamangha!"
Oo, sikat na ko! De joke lang, sa totoo lang di ko alam mga pinaggagagawa ko basta nilabas ko ay este binigay ko pala lahat ng best ko, para naman sa grade eh..
Basta para sa grade, wala kong uurungan!
"Cielo!" sabi ni Ash.
"Oh?" nakangiti kong sabi.
"Ang galing mo kanina ah!" syempre ako pa ba?!
"Salamat!" sabi ko sakanya.
"Hey! Guys tara dito!" aya ni Ash sa mga ibang kagurpo namin.
"Oh bakit?" sabi ng isa kong kamyembro.
"Let's congratulate ourselves!" tuwang-tuwa niyang sabi.
Okay lang na mag-ingay kami kasi recess naman namin, ngayon ko lang ulet naramdaman yung saya sa classroom. Ngayon alam ko na, masaya dito! Di ako nagkamali ng pinasukan!
Ash's POV
Yes! Successful! Mission Accomplished! Magagaling ang mga ka-grupo ko, lalo na si Cielo. Ngayon ay nasa canteen ako para bumili ng makakain, tapos na kami magusap-usap ng mga ka-grupo ko sa English. Wala naman kaming celebration na gagawin basta ayun! Nag-thank you kami sa isa't isa lalo na kay Cielo kasi actually siya ang nagdala ng presentation namin kung wala siya wala kaming grade na mataas.
Nakita ko siya, si Crystalyne. May kasama siyang iba.
"Uy! Tara dito, eto bilin natin," narinig kong sabi niya.
"Osige, sabi mo eh," sagot nung kasama niyang lalaki.
Narinig ko silang nagu-usap kung ano ang bibilin nila. Medyo sumama ang mood ko, ewan ko ba bumabalik nanaman yung dati. Hindi ko na nga masyadong napapansinan si Crystalyne pero pilit parin syang pumapasok sa isipan ko, siguro di ko pa talaga sya kayang kalimutan. Oo nagkaroon kami ng relasyon, tumagal kami ng mahigit isang taon sobrang strong ng relationship namin hanggang sa—
"A-ash" sabi ni Crystalyne.
"Oh? Bakit? May gusto kaba? Sige sabihin mo lang,"
"A-ano k-kasi"
"Ha? Sabihin mo na, wag kanang mahiya. Makikinig ako," sabi ko. May nararamdaman akong kakaiba sakanya. Di ko alam kung ano, pero parang. . .hindi-hindi pepwede.
"Tara dun sa may bench!" nakangiti nyang sabi, hayy! Nakahinga rin kinabahan ako ng husto dun ah!
Hanggang sa hinila hila nya ako papunta doon sa may bench at umupo kami, tsaka nagusap-usap sa kung anu-ano. Hanggang sa napahinto kami sa isang tanong na ayaw kong tinatanong-tanong.
"Mahal mo ba ako, Ash?" Tanong nya.
"Ano ba namang tanong 'yan, Crystalyne? Syempre oo. Eh, binabalik ko sayo ang tanong mo," sabi ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot nya, may kung anong naiisip ako pero hindi ko yun pinairal sa halip ay—-
"Kung sakali bang makipag-hiwalay ako sayo, ano ang gagawin mo?" Pag-iiba nya sa tanong.
"Bakit ganyan ang tanong mo? Iiwan mo ba ko?" para akong binalutan ng tensiyon sa sinabi niya, kinakabahan ako. . .natatakot ako.
"Kung sakali lang nga diba?" sabi niya na may kaba parin sa mukha nya.
"Okay, hindi ko alam." iyon na lamang ang nasagot ko, hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ilalabas ko dahil may nararamdaman talaga kong hindi maganda ngayong araw. Ngayong araw din ang Anniversary namin kaya nandito kami sa park upang mag-saya pero sa halip ay—-
"Break na tayo," nagulat ako sa sinabi niya, alam kong nagbi-biro lamang sya.
"Grabe ka naman mag-joke, hehe" sabi ko.
"Hindi seryoso ako," sabi niya na nakayuko.
Nanahimik ako siguro mga minuto rin nanahimik ang buong paligid..
"Pero bakit?" naluluha kong sabi.
"Ayoko na, nahihirapan na kong itago 'tong relasyon na 'to!" sabi niya na nakayuko parin.Seryoso talaga sya sa kanyang sinasabi.
Wala na akong nagawa, kundi ay ang palayain nalamang sya dahil gusto ko syang maging masaya ayoko syang nakikitang malungkot dahil pati ako ay nalulungkot basta ang alam ko ay..
Masaya na sya ngayon, habang ako ay malungkot parin.
Hindi ko na ulit sila pinansin, sa halip ay umalis na ako at bumalik sa room kung saan ay nakita ko si Cielo na nakaupo sa kanyang upuan habang kumakain ng kanyang binili sa canteen.
Cielo's POV
Nagulat ako ng nakita kong nakatingin si Ash sa direksyon ko, mukhang lalapit ata siya. Oo nga di ako nagkakamali!
"Hi, Cielo," nakangiti nyang sabi.
"Hello," tanging nasagot ko.
"Masarap ba?" tanong nya
"Oo, kumaen kanaba?"
"Hindi pa?"
"Bakit?"
"Wala lang, nawalan ako ng gana eh,"
"Ahh, bakit naman?"
"May nakita kong asungot." sabi niya, asungot? Sino?
"Sino naman yun?"
"Ah, w-wala, wag mo ng pansinin ang sinabi ko," sabi niya. Nakakapagtaka ah!
"Osige."
Mabilis kong kinain ang kinakain ko dahil parating na ang teacher namin, kami ni Ash? Patuloy parin sa pagdal-dalan sa kung anu-ano maya maya'y nakita kong si Crystalyne ay nakatingin samin may iba sa tingin nya para bang nagse-selos sya? Hayy ewan ko ba.
Uwian na namin, umuwi narin ako kaagad dahil wala nanaman gagawin eh kaya diretso na ko kaagad sa bahay. Nagpahinga na muna ko pagod ako eh, pagkatapos ay kumain na ko at ginawa ang assignments para wala ng intindihin at tsaka nag-cellphone, wala akong number ng mga kaklase ko eh kay tinext ko nalang si Abby pero hindi sya nagrereply kaya natulog nalang ako pero hindi parin ako makatulog, sino kaya ang umiisip sakin? Patulugin mo naman ako!
Author's Note:
On-editing ~ hope you'll understand.
BINABASA MO ANG
CrushPNLNKEPPKKLove ✔
Teen FictionSa pag-ibig, hindi lahat nakukuha, hindi lahat ibinibigay at lalong hindi dapat umaasa. Pero, paano naman kung gusto mong maranasan ang umibig? Kung maraming hindi at bawal? Madaming Rules ang pag-ibig at isa narito ay yung 'Never Expect & Never Ass...