Epilogue

131 22 12
                                    

EPILOGUE 

FEBRUARY.

ABBY’S POV.

 

Isang buwan na ang nakalilipas ng nagmumuk-mok, tahimik, wala sa mood, at walang ganang kumain—si Cielo. Sobrang challenge samin nila Tita Mary at Tito ang kalagayan ni Cielo, buti nalang at gumaling na siya. Lagi na siyang naka-smile, gusto na niyang lagging may kausap at pumapasok narin siya yun nga lang medyo nahuli siya sa mga lessons nila pero humahabol parin siya dahil nga graduating siya at kailangan niyang pumasa.

“Good morning po Ma’am, can I excuse Abby Ricafort for a seconds?” nagulat ako kay Cielo. Bigla-bigla nalang sumusulpot.

“Abby Ricafort?” sabi ni Ma’am.

“Ma’am nandito po ako,” sagot ko.

“May naghahanap sa’yo,” at lumabas na nga ako para makausap si Cielo.

“Oh? Bakit? Bigla-bigla kana lang sumusulpot ah,” sabi ko sakanya.

“Ano, ehh.. HAPPY BIRHTDAY!!! And HAPPY VALENTINES!!” nakangiti niyang sabi. Oo, birthday ko ngayon kasabay ang Valentines Day. Natuwa naman ako sakanya kasi sa mga pinagdaanan niya nakakangiti na ulit siya, Thank God.

“Salamat! Kapatid slash Best friend, I love you!” sabi ko sakanya.

“Haaay. I love you MORE! and I miss you,” ang sweet niya. Ang sweet ng kapatid slash best friend ko. Namiss ko na din ‘to.

“I miss you more! Ikaw kasi eh! Sabi ko sa’yo eh, una palang! Pero tama na nga sabi mo for a seconds lang minutes na tayo dito haha,” sabi ko sakanya na nakangiti. Nangingilid na ang luha namin. Tears of joy. Ang sarap ng may kaibigang ganto, yung tipong para mo na siyang kapatid. Haaay, sobrang blessed talaga ko.

“Balik kana sa room mo,” sabi niya sa’kin.

“Bye!” nag-wave nalang siya sa’kin at tsaka ako pumasok sa room.

ASH’S POV

 

“Happy Valentines mga pare!” sabi ko sa Tropa ko.

“Teka parang kulang tayo?” sabi ni Oliver.

“Si Lance nahuli ng mga C.A.T!” Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Ishtar. Kawawang Lance, nasa Jail booth. Haha.

“Tara pyansahan natin!” sabi ko.

“Magkano ba?” tanong ni Oliver.

“100 pesos,” sagot ni Ishtar.

“P*ta.” Sabi ni Oliver.

“Ambagan nalang tayo guys,” suggest ni Ishtar.

“Okay, tig-20 pesos tayo.” Sabi ko sakanila.

“Deal,” at pinuntahan na nga namin si Lance.

Pagkapunta namin sa Jail booth ay bumili ako ng flowers sa may Flower Shop. Pinauna ko na sila, bumili ako ng bouquet of flowers para kay Crystalyne, and yes nagkabalikan na kami. Mahabang istorya ang nanyari. Naikuwento ko narin kay Cielo ang tungkol do’n at tanggap niya na no’n pa. Pero balak ko parin bigyan ng Flowers si Cielo kaya bumili ako ng 3 roses para sakanya. ‘I LOVE YOU’ as Best friends.

Bumalik na ako ng room. Ibinigay ko na kay Crytalyne yung bouquet.

“Thank you Ash,” sambit niya,

“I love you!” habol pa niya.

“I love you too,” sagot ko. Kilig na kilig naman si Gwynie.

CrushPNLNKEPPKKLove ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon