CIELO'S POV
Kanina pa ko nandito sa kwarto, gumawa kasi ko ng mga assignment pero buti nalang madali at nagawa ko. Minsan kasi nahihirapan ako mag-isip yung ayaw ba magsink-in agad sa utak ko yung isang question kaya di ko kaagad nasasagot ko. Tapos na ko gumawa ng mga assignment nabobored ako, di ko alam kung ano gagawin ko, gugulong ba ko? Tutuwad ba ko? Magta-tumbling ba ko? Haaaay! Ewan, ayoko naman kasing lumabas umuulan kasi eh bwisit na ulan ayaw magpasaya ng bata.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Ash. Nakita ko siya kaninang tanghali nung nagpractice kami, di niya manlang ako pinansin kaiyak tuloy masakit 'yun ha!? Alam mo ba yun! Pero sana wag mong pahihirapan ang puso ko ha, maliit lang kasi eh ikaw nga lang laman eh ay! Pshh, CRUSH ko nga ba siya? O MAHAL ko na siya? Nalilito ako o baka naman infatuation lang 'to?
Naalala ko kasi, ni'tong mga nakaraang araw ayaw ko siyang may kasamang babae na iba girlfriend lang ang peg? Haha hindi seryoso nga ito. Pag nakikita ko siyang may kasamang babae, gumuguho ang mundo ko nakangiti ako tas biglang mapapalitan ng blangkong ekspresyon ng mukha. Naisip ko, 'sobra ba kong sensitive sa mga nakakasalamuha niyang babae?' Sinagot ko ang tanong ko, 'hindi naman siguro ko tama na magselos nalang bigla bigla kasi wala naman kaming relasyon, at higit sa lahat Kaibigan niya lang ako.' Masakit man pero kailangan.
Lahat ng bagay makukuha natin 'yan, dahil sa pagkanais nating makamit 'yun may mga pagsubok tayong kailangang pagdaanan. Katulad nalang sa PAG-IBIG, hindi mo 'yan agad-agad makukuha dahil may nakalaang oras para dyan, para sa lahat. 'Tama nga kaya ang nararamdaman ko para sakanya?' Isip-isip ko.
To: Ash
Hi, kumusta? :)
Tinext ko siya tutal may load naman ako. Nagbabakasakaling magreply siya kahit isang text lang, okay na makita ko lang name mo sa inbox ko. Sana nababasa mo ngayon 'to.
Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan ko, nakita kong magsi-six na pala ng gabi, ilang oras ba ko naghintay sa repky niya? Wala naman palang oras minuto lang. Siguro wala siyang load, bigo ako sa paghihintay na magreply siya.
Naisip ko ulit tuloy, 'lagi nalamang ba akong naghi-hintay?' Siguro ngayon ko lang talaga 'to naramdaman sa totoo lang hindi naman ako ganto dati eh, ngayon lang talaga.
*tok-tok* may biglang kumatok sa aking pintuan, siguro si Abby 'to. Ano kaya kailangan niya?
"Hi, best friend," sabi niya. Pinapasok ko siya sa loob ng aking kwarto, di ko na nga pala siya napapansin pati ang best friend nakakalimutan ko na. Crush lang 'yan Cielo. Sabihin ko na kaya sakanya? Siguro mas makakabuti 'yun para naman may karamay ako sa mga panahong kailangan ko ng tulong.
"Hello," masaya kong bati sakanya. Nag-usap na kaming dalawa, nagkumustahan kami tungkol sa aming buhay sa mga pinagdadaanan.
"May sasabihin ako," nakangiti kong sabi.
Tumango lang siya..
ABBY'S POV
Tinanguan ko lang siya bilang pagsenyas ng 'sige,' Matagal na kaming di nakakapag-usap kaya naman pinuntahan ko siya sa kanyang kwarto kung san naroroon ako, niyakap ko niya ko ng mahigpit pagkatapos ay tinuloy na niya ang sasabihin niya.
"Maa-aay ano.." naga-alangan niyang sabi.
"May ano?" sagot ko.
"Kuuuu-rash ako," nagulat ako sa sinabi niya, pero ikinatuwa ko naman. Wow! Sabi na eh, ikaw mawawalan ng crush? Babae karin.
"Sabi na eh," masaya kong sabi. Natutuwa ako sakanya dahil, for the first time! Nagkaroon din siya ng Crush matapang kasi yun yung tipong parang lalaki kung kumilos kaya minsan mapagkakamalan mo pang tomboy sa mga ikinikilos niya eh. Pero gosh! I'm so verry happy for her.
"Gusto kong makita kung sino ang mahiwagang lalaki na 'yun," Sabi ko sakanya. Para siyang nagulat sa reaksyon ko.
"Hindi ka galit?" Ako? Magagalit, tuwang-tuwa nga ako eh.
"Hindi ah, seryoso sino yung Crush mo?" Tanong ko sakanya.
"Ash name niya," masaya niyang sabi.
"Nice name," wika ko.
"Pogi ba 'yan?" Habol ko pa.
"Oo naman, magkaka-crush ba ko dun kung hindi pogi? Atsaka hindi ko naman dun lang binase syempre sa ugali rin, mabait siyang tao may pangarap sa buhay na gusto naman niyang kamtin," OMG crush ba talaga?
"Wow! Crush ba talaga 'yan? Sabihin mo lang kung MAHAL mo na siya ah," In-emphasized ko talaga yung MAHAL hehe, para dama niya.
"Teka, alam niya ba?" Nagulat siya sa tanong ko na 'yun. Mukha siyang nalungkot sa sinabi ko.
"Sad to say, hindi eh." Kawawa naman ang besty ko.
"That's okay, mas okay pa 'yan! Kesa malaman niya baka kasi magka-ilangan kayong dalawa," sabi ko. Tamanaman eh, ganon kasi madalas ang nanyayari pag nagconfess na yung isa sakanila, lalayo yung isa kawawa naman yung maiiwan. At ayaw ko 'yun mangyari sa best friend ko. Kaya ilihim nalang niya kahit masakit.
"Okay," 'yun lang ang nasabi niya. Grabe! Ha? Ang haba ng sinabi ko tapos 'yun lang? Hustisya please.
CIELO'S POV
Tama naman yung sinabi niya, kahit masakit itatago ko nalang. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin, wow! Para talagang magshota lang eh? Hehe. Yung nararamdaman ko, maraming nakararamdam sure ako kasi iba na talaga kaming mga kabataan. Haaaay! Pero ano naman kaya ang gagawin ko? Mas mabuti ngang itago ko nalang ang kaso masasaktan naman ako! Bahala na nga.
ITUTULOG KO NALANG ITO!
Pero bago 'yun, ano nga? Ano ba? Wala na kong ginawa kundi isipin 'yun. Actually madami pa kong gagawin, pero paano ko gagawa kung ikaw naman ikot ng ikot sa isip ko! Nakakahilo ka ha! Infairness.
Ang puso ko'y nalilito, nalilitoooo
kung sino sainyo ohh ohhh ohhh.
Ang isip ko'y gulong gulo, gulong gulooo
kung sino sainyo ohh ohh ohhh ~
Ano ba 'yan?! May tumawag pa, matutulog na sana ko eh. Nakakainis ha! Kinuha ko ang cellphone ko sa head board ko, nakita ko ang pangalan ng taong tumatawag..
GWYNIE <3
Yung totoo bakit may heart? Sinagot ko nalamang ito bago mawala yung ring.
"Hello?" Patanong kong sabi.
"Hi, Cielo!" Sabi niya.
"Yung totoo, bakit ka napatawag? Aber!" Tanong ko.
"Humihingi ng patawad ang inyong senyorita, wala lang trip ko lang," lakas talaga ne'to. Senyorita ka pang nalalaman ah.
"Matulog kana! Bye!!" Binabaan ko siya ng cellphone. Naiinis ako matutulog na nga ako eh tas biglang tumawag. Maalala ko lang, ano yung title ng song kanina? Ang ganda eh. Hinanap ko sa files ko yung title ng ringtone ko, sino naman kaya ang nagpalit? Hindi ko naman pinapalitan ang ringtone ko atsaka ang pagkakaalam ko eh, naka-silent lang ako.
PUTCHA! ALAM KO NA KUNG SINO.
Author's Note:
This is on-EDITING mode so, sorry for the wrong grammars and typos. I'll be edit that one. Just wait. :""> You can comment below, criticize this and I accept your complains. No matter how it's mean.
BINABASA MO ANG
CrushPNLNKEPPKKLove ✔
Fiksi RemajaSa pag-ibig, hindi lahat nakukuha, hindi lahat ibinibigay at lalong hindi dapat umaasa. Pero, paano naman kung gusto mong maranasan ang umibig? Kung maraming hindi at bawal? Madaming Rules ang pag-ibig at isa narito ay yung 'Never Expect & Never Ass...