CIELO'S POV
CHRISTMAS PARTY.
Friday, dapat masaya ko ngayon kasi magki-Christmas break na ng 2 weeks pero hoping parin na magiging masaya itong araw na ito. Huwag mo pasasakitin ang ulo ko hah?! Kundi mababaliw ako tas pati ikaw rin masisiraan. Haha just kidding. Eto nanaman ako kinakausap ang sarili. Ngayon palang baliw na ko sa ginagawa ko.
Nakagayak na ko, actually 8 am pa kami ni Abby aalis papuntang school pero mukhang naramadaman ko ang EXCITEMENT!!
Hashtag OOTD
- Dress (above knee)
- Sneakers
- Backpack
Ang astig diba? Dress & Sneakers. That's my style, ayokong mag-pants mas lumiliit ako and I hated that! Hay, sa wakas! Matatapos narin ang High School Life ko, na sa tingin ko ay naenjoy ko naman talaga. Parang sa school lang na 'to (pinapasukan ko) naramdaman ko ang salitang enjoy na ever since sa mga former schools ko di ako ganon nag-enjoy di kasi ko pinapayagan nila Mama na maki-join sa mga gimik nila, how sad no? Pero okay na yun kasi di ko naman trip sumama sa mga yun!
Lumabas ako ng kwarto ko, pumunta ko sa kwarto ni Abby. Nakita ko siyang nagmumukmok sa tabi, ano naman ang ginagawa ng isang 'to? Bakit hindi pa siya nakabihis?
"Abby," sabi ko
"Huy! Abby," sa pangalawang pagkakaton, tinawag ko ulit siya.
"Hh-hah? Ah, eh wala daw kaming Christmas Party eh." malungkot niyang sabi.
"Ano? Bakit daw? Baka naman hindi kayo sa School magse-celebrate? Malay mo? Text mo sila Zyra," Sabi ko sakanya. Mukha siyang binagsakan ng martilyo mula sa langit at naalog yung mukha niyang laging nakangiti sa malungkot. Di ako makapaniwala na wala silang Christmas Party at pwede pala yun?
"Nagreply na ba?" tanong ko. Malapit na kasing mag-8 eh.
"Uhmm, hindi pa eh. Sige okay lang ako. Ingat ka nalang, best!" ngumiti na para bang napipilitan lang, pano ba naman kasi once a year lang naman itong Christmas Party tas wala sila.
"hmm.. Sure kaba?"
"Yes! Sure na sure,"
"Ah, okay! Bye, bye best!" sabay beso sakanya at nagwave narin.
Dali-dali akong bumaba, nagpahatid nalang din ako sa Papa ko dahil 5 minutes nalang ay mage-8 na pero di naman ako kinakabahan yung oras nga lang siguro naman hindi naman sila agad-agad magu-umpisa dahil alam kong konti palang sila sa room. Yung officers na sure akong 6 palang nandun na, sila kasi ang committee doon kaya naman kailangan talaga'y maaga sila.
Nandito na ako sa school, tumakbo na ako.
Nakita ko sila Ash, kasama ang mga tropa niya nag 'Hi' naman ako at dumiretso narin sa room. Nakita ko ang iba kong kaklase, may naka-pants & blouse pero ang karamihan ay naka-dress at naka-skirt. Nakita ko si Crystalyne ang cute ng suot niyang Longsleeves at Mini Skirt nakakain love siya. Uy, di ako lesbian. Haha. Si Gwynie naman, naka-dress rin haay ang ganda niya sa suot niya. Si Ash? Naka-pants & t-shirt. Di naman kasi pwedeng mag-dress or mini skirt ang lalaki dahil pagkakamalan sila Beki.
Nagstart na ang program, meron silang DJ na ininvite para mag-ayos sa Sound System. Ang MC naman naming ay ang President & Vice President. Nagpray muna kami, then games na ang sunod. The first game was supposed to be enjoyed, the game called Pass the Message. Ang ingay nila grabe, di ako sumali di ko talaga hilig ang maglaro.
"Guys, may inihanda na game si Mary," our President's said. Nakinig kaming lahat kay Mary, she gave the mechanics of the game mukhang madali haha. Pero ayoko parin hanggang sa lumapit sa'kin si Ash.
BINABASA MO ANG
CrushPNLNKEPPKKLove ✔
Fiksi RemajaSa pag-ibig, hindi lahat nakukuha, hindi lahat ibinibigay at lalong hindi dapat umaasa. Pero, paano naman kung gusto mong maranasan ang umibig? Kung maraming hindi at bawal? Madaming Rules ang pag-ibig at isa narito ay yung 'Never Expect & Never Ass...