Kakatapos ko lang pagpantansyahan si Ash, bakit ko kaya naiisip ang mga bagay na yun? Siguro panahon naman para magsaya ko pero syempre dapat mapatunayan ko muna ang nararamdaman ko ayoko ding matulad kay Abby na sobra syang nasaktan ang oa kaya nun pero bakit hanggang umaga iniisip ko si Ash? Hayyyyy, buhay!
Nandito ko ngayon sa kinauupuan ko, sa room. Nakikinig lang ako ng music sa cellphone ko habang nakadukdok sa desk ko isa na 'to sa mga hobbies ko pag mag-isa ko at pag may iniisip. Wala padin kasi ang teacher namin, 2 hours pa naman din ang klase ngayon P.E kasi namin ngayon pero sana wag nang dumating yung Teacher namin.
"Uy," sabi ni Veronica. Veronica, 'Nica' for short. Siya ang madalas kong kasama tuwing magre-recess na. Dahil hindi ko nga kaklase ang best friend ko na si Abby siya nalang ang kinasama ko tutal seatmates naman kami kaya di narin masama.
"Po?" Tanong ko sakanya. Siguro kararating lang niya, kasi nung dumating ako sa labas ng room na'to wala pang tao at ako palang mag-isa ay este ako nga lang mag-isa naunahan ko pa yung President namin so, edi yun naghintay ako ng mga 15 min. Dahil nasa kanya ang mahiwagang susi ng room.
"Bakit ka nakadukdok dyan? May sakit kaba?" Sabay hipo sa leeg ko at noo kung mainit ako, napailing namansiya sign ng 'Wala naman'
"Wala ka naman hindi ka naman mainit?" Habol pa niya.
"Hindi nga, gusto ko lang gumanto." Sabi ko. At natahimik na siya. Naghintay kami ng 30 min. Dito sa room tinitignan, naghihintay kung may Teacher na darating pero walang dumating kaya nagkwentuhan na yung iba habang ako nakadukdok parin at nakigaya naman si Nica.
Nakita kong may dalawang taong paparating, Si Ishtar at Gleann ang dalawang kaklase namin. Nakapasok na ng room ang dalawa pagkababa ng bag ni Ishtar ay diretso sya sa likod ng room hinahanap ang best friend niyang si Aleli. Habang si Gleann nama'y nakita kong nakayuko na parang si Sadako napataas tuloy ang ulo ko, nakita ko ang dalawa niyang mata na namumugto umiyak siguro kagabi.
"Gleann," Tawag ko sakanya na kinuha naman ang pansin niya.
"Namumugto ang mga mata mo, bakit? Umiyak kaba?" Glean, minsan nakakasama ko siya magrecess pero madalas niyang kasama ay sila Ishtar.
"Ha? Eh.. wala lang 'to," Sabi niya.
"Nagwawala yan kahapon," sabat ni Ishtar. Nagwawala dahil? Saan? Kanino?
"At, kanino naman?" Tanong ko.
"Kanino pa ba edi kay.." sumesenyas si Gleann, para bang ayaw niyang ipasabi sa iba kung sino ang taong iniyakan niya.
"Ash.." Nabigla ako sa pagkasabi ni Ishtar. Dahil ang pagkasabi ni Ishtar ay saktong pagpasok ni Ash na ikinagulat din niya.
"Oh? Bakit? Wala kong kinalaman diyan." Sabat ni Ash. Wala naman talaga, pero nakakapagtaka bakit naman kaya iniyakan ni Gleann si Ash?
"Kwento mo nga sakin kung bakit?" Sabi ko kay Gleann. Gumagana nanaman ang curiosity ko, walang padaloy-daloy ay sinabi naman niya.
"Ano kasi, nagselos ako noong magkasama kayo ni Ash, lagi kasi kayong magkasama. Di ko ikakailang may Crush ako sakanya. Ang babaw diba?" Grabe ah. Heartthrob ba yun? Hayyst.
"Wala kang dapat ikaselos, hindi kami. Wala kaming relasyon. Magkasama man kami madalas eh wala lang yun wag mo ng isipin yun okay?" Pano pa ko magkakacrush kay Ash kung crush din siya ng Kaibigan ko. Hayyy. Bayaan na nga.
Minsan talaga sa buhay natin, may dapat tayong itago at may dapat tayong ilabas. Hindi mo kasi alam kung may masasaktan o wala kung lagi mo nalang inilalabas pero mas mabute rin yung itago nalang atleast walang masasaktan wala kang mababanggang tao ang masakit lang eh tinatago mo yung nararamdaman mo, gustong gusto mo ng ilabas pero ayaw mo kasi may isang taong masasaktan at ayaw mo namang manyari yun.
Mas mabuting hindi ko nalang sabihin sa iba, itatago ko nalang at tsaka hindi pa naman lumalawak yung nararamdaman ko hindi tulad ni Gleann na Crush daw niya pero alam ko na Mahal na niya yun hindi lang niyamasabi dahil nasasaktan siya pag may kasamang iba si Ash.
Okay, napagpasyahan ko nang walang makakaalam ng nararamdaman ko kundi ako lang, at wala ng iba. Ngayon ko lang 'to gagawin. Ayokong makabangga ng tao. Ayokong makasakit. At lalong ayoko ng kagalit.
Gleann's POV
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga yun kay Cielo, dahilan narin siguro ng pagkaselos ko sakanilang dalawa ni Ash. Alam ko ng mangyayari 'to matagal na dapat pero pinipigilan ko lang dahil ayoko ng kagalit. Bakit ba kasi ko nagkacrush dun ay mahal ko na nga pala kasi nagseselos na ko tas umiiyak na ko ganon ba talaga? Wala naman kaming relasyon ah?
Hindi ko pinangarap ang magkaron ng gantong nadarama, hopeless romantic ika nga. Pero diba sabi nila, Hindi nga kayo pero kung mahalin mo sya wagas yung tipong kaya mong mamatay para lang sakanya, kahit hindi naman kayo. Masakit kaya yun minsan, kahit ayaw mo okay lang sayo basta siya okay na okay sayo. Ililibre mo sya ng kung anu-ano basta para sayo eh masaya siya pero pano naman ang nadarama ko?
Walang araw na hindi ako umiiyak pag naiisip ko yung mga ganon, ayoko ng sabihin dahil baka maalala ko nanaman maiyak nanaman ako. Lagi nalang ako umiiyak sa loob ng kwarto ko, minsan nga umiinom ako ng alcoholic drink kahit bawal pa sakin para lang mawala yung sakit. Ang oa tingnan pero ganyan na ang epekto ng crush ngayon, may kasama lang iba magseselos na feeling shota lang eh.
"Emote pa more," sabi ni Aleli.
"Ewan ko sayo," sabi ko. Sabay dukdok sa desk.
Ash's POV
Nakaupo lang ako sa inuupuan ko, dahil 2 hours kaming walang teacher. Wala kaming ginagawa, wala kasing nag-sub saamin. Natatakot siguro sila. De joke, samin matatakot sila? Mababait kami maingay lang ang klase namin. Mas mabuti ng maingay kesa namang tahimik para namang namatayan.
Kinakausap ako ng mga tropa ko, ewan ko nga kung ano topic namin. Tinatamad akong makipagusap sakanila. Mukhang wala namang kwenta sana matapos na ang klase.
Author's Note:
This is on-EDITING mode so, sorry for the wrong grammars and typos. I'll be edit that one. Just wait. :""> You can comment below, criticize this and I accept your complains. No matter how it's mean.
BINABASA MO ANG
CrushPNLNKEPPKKLove ✔
Teen FictionSa pag-ibig, hindi lahat nakukuha, hindi lahat ibinibigay at lalong hindi dapat umaasa. Pero, paano naman kung gusto mong maranasan ang umibig? Kung maraming hindi at bawal? Madaming Rules ang pag-ibig at isa narito ay yung 'Never Expect & Never Ass...