CIELO'S POV
"Ano ikaw nalang ha?" Sabi ni Gwynie
"Ha? Eh diba niya talaga kaya?" Tanong ko.
"Hindi eh. Alam mo namang mahiyain yan!" Pabulong na sabi sakin ni Gwynie.
"Sige na nga!" Sabi ko.
Nandito ko ngayon sa meeting place namin kung saan ay magpapractice kami para sa first role playing ngayong Third Grading. Sobrang daming nangyari ni'tong mga nakaraang months, weeks, days, hours, minutes and seconds meron pa ba kayong idadagdag? Syempre wala na nasabi ko na eh. So ayun! Madami akong narealized halos nga nga lang eh wala kong masabi sa mga sinasabi nila tungkol sakin, alam mo yun? Yung feeling na parang humihingi ka ng advice sa mga kaibigan mo, tapos matatamaan ka sa mga sinasabi nila at matatahimik ka sa isang tabi? Ang galing nila grabe.
"Here comes the groom!" Sabi ni Crystalyne.
"Uyyy, blushing!" Sabi ni Gwynie.
"Aya?! Wag kayo maingay." Sabi ko sakanila.
"Wala namang ganyanan guys," Nagmamakaawa kong sabi sakanila. Kasi naman pagkatapos kong sabihin sakanila yung pinagkakatago-tago kong secret (pati nga yung best friend ko di alam na mayroon akong crush eh) ipagkakalat nila, secret nga diba? Pero actually secret nga dapat pala ako lang nakaka-alam pero wala eh di nako nakatakas sakanila makulit kasi.
"Peace!" nag-sign naman ng peace si Crystalyne. Natauhan din ang loko.
"Okay sige, titigil na kami. haha" Natatawa pang sabi ni Gwynie. Sila ang mga New Found Friends ko sa eskwelahan na pinapasukan ko, thankful naman ako dahil nagkaroon na ako ng mga friends 'mahiyain nga kasi ano ba?' isip-isip ko.
We've started our practice after waiting for Ash in a couple of hours. Tchh! English nanaman ang nasa isip ko, nasanay eh! Paano ba naman pag tuwing English time kailangan English Speaking kawawa naman ako laging may dalang tissue para punasan ang ilong kong dumudugo sa kaka-ingles ng mga hasa kong kaklase.
Pero sabi nga nila, 'This is the time to realize, what the world is!" grabe talaga. Pati tuloy ako napapa-ingles na, Pilipino ako guys kaya wag n'yo na akong pahirapang mag-ingles, achoo-choo.
'KYAAAAAAAAAAAAH!' napasigaw tuloy ako ng malakas. Kaya naman nakuha ko ang atensyon nila.
"Oh, bakit Cielo?" tanong saakin ni Gwynie.
"Wala, wala may naalala lang ako," sagot ko naman.
"Sure ha?" tanong niya ulit.
"Sureness," Sagot ko ulit. 'Sureness' san' ko ba nakuha 'yan? Botcha.
Achoo-choo..
Dahil diyan ay naalala ko ang Choo Choo, yung pagkain ha! Hindi yung pangtaboy sa mga epal hehe. Ang babaw diba? Pero mahalaga saakin yun! Di mo ba alam?
Nakakapagod din palang kausapin ang sarili no? Yung feeling na wala namang sumasagot sa mga tanong mo, kasi kausap mo sarili mo. Para na nga akong baliw dito, habang sila may ginagawa ako panay kausap naman sa sarili ko. Signs of being boredom.
"From the start guys," wika ni Gwynie. Siya kasi ang Leader kaya siya ang masusunod.
Gutom na gutom na ako, sure ako hindi lang ako madami kami hindi pa kasi kami nagta-tanghalian simula nung kaninang umaga ayaw kasing magsi-ayos ni'tong mga kagrupo ko eh.
Harap dito,
Harap doon..
Eto naman ako ngayon todo hataw para makakain na, syempre yung tiyan ko nagwa-wala na! Haaaay. 'Gwynie, pahinga muna please?' yan ang nasa isip namin ngayon. Nakita ko si Crystalyne tawa lang ng tawa tapos si Annika naman ang dali-dali ng steps niya! Samantala yung akin ang hirap na madali, achoo-choo eto nanaman si Choo Choo mamaya magkakasama rin tayo maghinatay ka lang konting konti nalang ha?
"1,2,3,4,5,6,7,8,8,7,6,5,4,3,2 and 1yey! You did it!" Masiglang sabi ni Gwynie saakin. Sawakas! Natapos narin, magkakasama narin kami ni Choo Choo, namiss kita alam mo ba 'yun?
"Okay, Ash ikaw naman," sabi ni Gwynie.
'Kawawa naman si Ash, haha.' Natatawa kong sabi, dapat siguro punasan ko ang mukha niya? Pero nakakahiya. Torpe attacked. Para saaming mga babae, masakit magmahal ng isang torpe bakit? Kahit gustong-gusto mo na siyang hawakan torpe naman odi wala, Break agad!
Naglalakad ako ngayon papunta sa isang tindahan, pagkatapos ay umuwi narin ako nagpaalam na ako kila Gwynie. Mag-isa lang ako. Napaka loner ko talaga.
ASH'S POV
"Gandahan mo naman ang mga galaw mo!" Sigaw ni Gwynie. Kanina pa niya ako sinisigawan, naiinis na siguro saakin.
"Pagod na ko," sabi ko. Grabe, nakauwi na't lahat di parin tapos yung para sakin.
"Ayusin mo kasi," Sabi niya.
"Ina-ayos ko naman ah?" sabi ko.
"Gandahan mo!"
"Ano ba gusto mo? Sexy dance? Macho dance?"
"Siglahan mo,"
"Okay," Ibinigay ko na ang dapat ibigay nang matapos na 'tong kahirapan ko! Gusto ko ng umuwi may gagawin pa ako sa bahay.
Yung dapat na hindi ko ibibigay ngayon ay naibigay ko na. Bahala na. Sabi niya eh.
"Kaya mo naman pala eh," sabi niya.
"Ako pa!" sabi ko na may paninindigan.
"Umuwi kana!" sabi niya.
"Pano ka?" tanong ko.
"Kaya ko," sagot niya.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa aking tinutuluyan este sa aming bahay. Habang naglalakad ako, dama ko ang sikat ng araw ang sakit sa paa wala pa naman akong payong dala malas! Malayo-layo pa ang lalakarin ko, di na ako nag-tricycle makapagtipid naman minsan.
Bigla kong naramdaman ang bawat pagpatak ng tubig sa aking balikat, 'umaambon?' tanong ko saaking sarili. Napaka-init ng panahon tapos umaambon? Pinaglololoko ata ako ng panahon eh. Malas talaga ko.
Author's Note:
This is on-EDITING mode so, sorry for the wrong grammars and typos. I'll be edit that one. Just wait. :""> You can comment below, criticize this and I accept your complains. No matter how it's mean.
BINABASA MO ANG
CrushPNLNKEPPKKLove ✔
Teen FictionSa pag-ibig, hindi lahat nakukuha, hindi lahat ibinibigay at lalong hindi dapat umaasa. Pero, paano naman kung gusto mong maranasan ang umibig? Kung maraming hindi at bawal? Madaming Rules ang pag-ibig at isa narito ay yung 'Never Expect & Never Ass...