"Yieeee tabi sila," sabi ni Crystalyne.
"Ayyyy." Yan nalang ang tangi kong nasabi.
Alam mo ba yung salitang nakakahiya? Pero dapat pa ba kong mahiya? Syempre naman kahit crush ko sya may limitations naman dapat yun. Tama o tama? Tama. Eh kumusta naman ang kalagayan ko ngayon? Eto nakaupo sa tabi ng crush ko, nakatingin sa nagrereport habang si Ash naman ay kinakausap ako pero di ako makatingin sakanya ng maayos. NAKAKAHIYA talaga.
Habang nakaupo ako, di ko maiwasang tumingin sakanya. Inayos ko ang upo ko, sumandal ako para di masyadong halatang nakatingin ako sakanya. Eto na talaga wala ng hiya-hiya! Kakausapin ko na sya, eto naaaaaa —-
"Hi Cielo," Sabi ni Ash.
"Ahh.. Hello," sabi ko. Ano ba 'yan dapat ako yung first move eh, pero okay na yun!
"May logic ako sa'yo," wika niya.
"Sige, ano yun?" tanong ko. Nagulat ako sa ginawa niya, hinawakan niya ang kamay ko. Magka-holding hands kami.
"Eto yung puting kambing," itinuro niya ang kamay ko.
"Eto yung itim na kambing," itinuro naman niya ang kamay niya.
"Eto yung dagat," itinuro naman niya yung gitna ng mga kamay naming.
"Paano makakapunta ang puti at itim sa dagat?" tanong niya.
"Uhm.. gagapang syempre!" sagot ko.
"Hindi,"
"Lalakad?"
"Hindi,"
"Lalangoy?"
"Hindi,"
"Eh paano?" Tanong ko. Grabe ah! Wala pang tumatama sa mga sagot ko.
"Wala, gusto ko lang hawakan ang mga kamay mo." OMG like OMG okay OMG. Wala kong masabi, gusto nyang hawakan ang mga kamay ko! Grabe, crush niya din kaya ako? Sana.
"Ay, gumaganon? Salamat ah." Sabi ko. Medyo suplado ko dun ah! Di bale na, para di mahalatang kinikilig ako. Haha yieeee. Enebee?
"Walang anuman," wika niya.
ASH'S POV
Yung ginawa kong yun? Ginawa ko talaga kasi crush naman talaga siya dati. Kumbaga ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Pero walang malisya yun. Wag nya sanang isipan ng iba yung ginawa kong yun.
"Uhmm, sige makinig na tayo sa dinidiscuss nila," sabi ko. Halata sa mga mata nyang kinilig sya dun. Oo alam kong crush niya ko. Pero wala na kong veelings para sakanya. Tapos na. Ang sama ko.
Sana sya nalang si Crystalyne, dati lagi akong nagiisip ng mga ganoong moves para mapasaya ko sya, sayang ang dami ko pang naipong moves na ganon para sakanya kaso wala eh. Ayaw na niya. Ayaw na niya sakin, naisip ko nga eh 'Panget ba ko?' pero bakit merong humahanga sakin? At si Cielo yun. Buti pa si Cielo crush niya ko, ano kaya ang iniisip niyang mangyayari ng naging crush niya ko? Magiging kami? Di naman malayo na maging kami, friends naman kami. Ligawan ko kaya? Tutal, crush niya naman ako. Mapapasagot ko yun kaagad.
Ano ligawan ko ba? Konsensya sumagot ka.
Ano naman ang manyayari kung magiging kami?
Magiging Masaya kaya kami? O malungkot?
Sigurado kong mamahalin ako nun, higit pa sa pagmamahal ni Crystayne. Pero handa na ba ko? Handa nab a akong magmahal ulit at masaktan ulit? Aasa ba ako?
BINABASA MO ANG
CrushPNLNKEPPKKLove ✔
Teen FictionSa pag-ibig, hindi lahat nakukuha, hindi lahat ibinibigay at lalong hindi dapat umaasa. Pero, paano naman kung gusto mong maranasan ang umibig? Kung maraming hindi at bawal? Madaming Rules ang pag-ibig at isa narito ay yung 'Never Expect & Never Ass...