Chapter Fifteen

72 24 8
                                    

ASH'S POV

Eto na yung araw, yung araw na pinakahihintay ko, ang araw na magkakaroon ulit ako ng girlfriend. Maayos na ang pananamit ko at ready narin ako pumunta sa bahay nila Cielo, ngayon ko lang ulit naramdaman 'tong excitement na'to na dati ay kay Crystalyne ko pa nararamdaman.

Umalis na ko at pumunta kila Cielo para sunduin siya, na syang pinangako ko sakanya kahapon. Nag-ring ang bell nila, lumabas si Abby.

"Naks! Ayos ah," sabay tapik sakin.

"Nasan na siya?" Tanong ko sakanya.

"Atat? Teka. Nagpapaganda pa," sagot niya. Na ikinatuwa ko naman.

"Tara, pasok ka!" At pinapasok nga niya ako sa bahay nila. Ngayon lang ako nakapasok sa bahay nila, at mabuti naman para sakanila ang laki nito. Kumpleto ang gamit nila kahit silang dalawa lang ang nadito. "Hmmm... ayos pala," pabulong kong sabi, marami naman pala silang mapaglilibangan dito.

Nakita ko na si Cielo, teka sabi ni Abby nagpaganda daw? Pero wala namang make up? Napaka simple niya pero ang ganda parin niya ika nga, "Simplicity is Beauty." At tama naman ito dahil itong nasa harapan ko ay nakasisilaw ang ganda kahit sa simpleng paraan ng pagaayos lamang.

Hinawakan ko yung kamay sabay labas ng bahay nila,

"Teka san ba tayo kakaen?" Tanong niya.

"Libre mo 'to ah!" Habol pa niya.

"Oo naman, Ms. Beautiful!" Sabi ko sabay ngiti sakanya. Umalis na kami at pumunta kami ng McDo alam mo yun paboritong fastfood chain ko 'to eh wala kayong magagawa. Anong cheap ka dyan? Ang Romantic kaya nito. May dala kasi kong kandila so ayun nilagay ko sya sa table namin pagkatapos kong umorder syempre tas sinindihan ko yung kandila ayoko naman siyang mapaso siya, ang gara lang ng atmosphere namin mukhang food trip lang ang gagawin namin pero romantic naman. Isang cheap pa!!

"Oh? Ano 'to?" Medyo nagtaka pa siya kung bakit may kandila.

"Uy ano ba nakakahiya!?" Parang gusto narin niyang sabihin na 'Uy! Tanggalin mo na 'yang kandila McDo 'to nakakahiya sa ibang customer,' pero sa totoo lang nakakahiya talaga dahil madaming customer ngayon weekend kasi tapos may Birthday Party pa.

"Ang Romantic diba?" tanong ko sakanya. Yes! Naman Romantic 'tong ginagawa ko wag mo kong ipapahiya please.

"Oo pero, hays kumaen na nga tayo." So ayun! Kumain na nga kami ni Cielo. Ewan ko ba parang nakonsensya ko ng konti lang sa ginagawa ko. Kasi nilagyan ko pa siya ng panyo para di madumihan yung damit niya kasi mukhang mamahalin yung damit sayang naman.

*after a few minutes...*

Natapos na kaming kumain, eto na kinakabahan parin ako. Crush niya naman ako eh kaya sure akong sasagutin niya ako agad ng 'Oo'. 

"Uhmm.. Cielo," hinawakan ko yung mga kamay niya.

"Ah, bakit?" Tanong niya. Parang di parin niya alam ang mga nanyayari. Parang gusto ko na ngang itanong na, 'Alam mo ba kung ano yung nanyayari?' Pero baka naman magalit siya sakin.

"May naging boyfriend kana ba?" I said it clearly. Walang pagaalangan, walang hiyaan, totohanan lang.

"Wala, NBSB ata 'to," sabi na eh. Kaya pala di niya alam ang mga nanyayari at dahil dun binitiwan ko ang mga kamay niya, di ko na itutuloy 'to she have no idea what's happening now. Nakakaewan lang naghanda pa naman ako. Pero okay lang di pa siguro eto yung right time.

"Salamat nga pala sa libre. Sa susunod ulit," pagtawa niya. Oo naman may susunod pa kayo ng magiging boyfriend mo. Either me or other.

Umalis na kami sa Mcdo na parang walang nanyari. Kaya pala feeling ko may kulang. Di ko pala yun natanong kay Abby, hays ang tanga mo Ash.

CrushPNLNKEPPKKLove ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon