Chapter Four

171 43 37
                                    

Ash's POV

Sunday morning rain is falling

Steal some covers, share some skin ~

Narinig ko ang isang kanta galing sa radyo, siguro ay binuksan ni Mama ito dahil Linggo ngayon maaga naman akong nagising ngunit medyo bitin parin sa pagtulog dahil napuyat kami pareho ni Cielo pero masaya naman.

Bumangon ako kaagad at pumunta sa comfort room upang maghilamos at magising dahil hanggang ngayo'y hindi ko parin maimulat ng maayos ang mata ko, pagkatapos ay lumabas na ako at bumaba atsaka pumunta sa kusina, nakita ko ang mga kapatid ko na nanunuod ng TV, superbook pa ata 'yun.

"Ang aga mong nagising ah," bungad ni Papa saakin habang ako ay nagpopolbo.

"Eh, magsi-simba po ako ngayon," sagot ko.

"Tara, kaen na tayo mga anak!" Sabi ni Mama. Naamoy ko na agad yung ulam mukhang masarap 'to at paborito ko pa ata.. Ang Sinigang! Yes, matagal na kong di nakakahigop ng sabaw ne'to.

Nagsipuntahan na kami sa lamesa para kumaen ng umagahan, bakas parin saaking mukha ang pagkasaya nang dahil sa aming ulam, ang babaw no? Haha. Nagsimula na kong manalangin pagkatapos ay tsaka kami sabay sabay kumain. Ang iba kong kapatid ay naguunahan sa pagkuha ng kanin at ulam puro damusak na ng sabaw ang lamesa namin ngunit hindi parin sila tumitigil.

"Isa-isa lang mga anak," malumanay na sabi ni Mama.

"Hindi ba kayo titigil!" Sabat ni Papa, atsaka sila tumigil sa paguunahan. Hinintay pa talagang magalit si Papa ha.

Lumipas ang 30 minutes at natapos narin akong kumain habang ang iba kong kapatid ay di parin tapos sila mama at papa ay nagbibihis na para makagayak na sa pagsasamba, ako nama'y maliligo palang dahil katatapos ko lang kumain nagpahinga muna ko sandali, nanuod ako ng TV.

Hindi ko namalayan ang oras malapit ng mag-8 o'clock nako po! Male-late na ko sa pagsi-simbahan ko, nakakainis naman. Bakit ba kasi ko nagpahinga pa? Hayys! Tama na nga ang sisihan, nasa huli talaga ang pagsisisi. 'Di nagtagal ay nagmadali akong gumayak upang makahabol kila Mama at Papa. Sinabi ko na intayin nila ko upang sabay sabay na kaming pumunta sa simbahan.

Natapos narin ako! Bumaba na ako, pero bago iyon ay nagpabango ako ako, para naman may patutunguhan ang pagligo ko. Di nagtagal ay nakababa na ko tapos ay lumabas ng bahay at kinandado ito. Sinigurado ko ang seguridad ng bahay namin malay mo may magbalak ng masama odi handa kami. Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa simbahan.


Abby's POV

Umagang kay Ganda, pagkatingin ko sa salamin. Nakita ko nanaman ang maganda kong mukha? Wow! Haha, ano ba yan! Nagagaya na ko kila Zyra at Oli na panay ang sabi ng 'Ang Ganda ko!' Pero ayos lang mapatutunayan naman eh. Haha.

Lumabas na ko ng kwarto ko at agad kong pinuntahan ang kwarto ng best friend ko, nakita ko sya na nakahiga pa kaya naman pumunta ko sa hinihigaan niya atsaka sya inalo-alog para magising pero sa halip ay —

"A-ano b-baa ilang minuto pa, p-please.." sabi niya.

Binuksan ko ang bintana upang masinagan sya ng araw, para din 'tong bampira eh takot masinagan ng araw, at dahil sa ginawa ko ay natakot nga siya sa sinag ng araw na ikinatawa ko naman haha.

"Bumangon kana dyan, best!" Sabi ko na may tawa parin.

"Bakit ka tumatawa?" Siryosong sabi niya.

"Paano ba naman takot kang masinagan ng araw!" Natatawa ko paring sabi.

"Hindi naman sa takot, masyado lang kasi ang sikat ng araw kaya di ko na kinaya naikinatakip ng mga kamay ko sa mata ko!" Sagot niya.

"Okay. Okay. Basta bumangon kana! Tara na!" Hinila ko na sya, sa ayaw at sa ayaw niya ay babangon siya.

CrushPNLNKEPPKKLove ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon