Cielo's POV
Sabado ngayon at wala kong maisip kung ano ang gagawin, nakakabored tuloy san kaya makapunta? Tulog pa siguro si Abby, puyat ata kagabi eh ewan ko ba kung bakit? Siguro may panibago nanaman syang iiyakan I mean Crush, ganon kasi sya pag nagpupuyat katext nya yung crush niya o kaya katawagan nya yung crush nya kilalang-kilala ko na sya mula sa pagkababae nya hanggang sa mga hobbies nya yung mga ganon ba? Best friend ata kami hehe..
"Good morning," narinig kong sabi niya. Sino pa ba edi si Abby.
"Good vibes here," sabi ko.
"Hehe, tara kain na tayo." Nandito nga pala sya sa pintuan ng kwarto ko, inaaya na kong kumain ni'tong best friend ko. Sige kakain na kami pero bago yun tinanong ko muna sya kung bakit sya nagpuyat kagabi.
"May bago kang crush no?" Nagulat ata sya sa sinabi ko hindi malaman kung anong ekspresyon ang makikita ko sakanya.
"Crush? W-wala ah," sagot nya.
"Eh bakit ka nagpuyat?" Tanong ko pa sakanya.
"Hellooooo! Magkausap kami ni Zyra!" Sagot niya na kinahiya ko naman. Masyado na kong protective sakanya kasi ayoko ng maulit yung nanyari sakanya nun'.
"Ah okay, tara na!" Sabi ko at tsaka bumaba at kumain.
Pagkatapos namin kumain ay nagusap kami tungkol sa 1 week na school days namin, una syang nagkwento syempre nagkwento sya sa mga bago niyang friends at hindi ko maiiwasang magselos ako Best friend nya eh syempre natural lang na magselos ako pero syempre hindi ko yon' pinahalata, sunod namang nagkwento akosinabi ko yung kami ang nakakuha ng mataas na grade sa performance, nagkausap kami ni Ash pero bigla nalang syang nag-ayieee nabubuwang na ata 'to binibigyan ng malisya ang di dapat!
"Itigil mo 'yan!" Nasigawan ko sya ng pabiro lang naman.
"Nakoooo! Gusto mo naman eh!" Whaaaaaaat!
"Hindi no! Tigilan mo yan Abby!" Sabi ko sakanya.
"Okay, okay fine!" Sabi niya. Salamat naman at tumigil na siya.
Oo, pogi si Ash di ko ikakaila yun dahil totoo naman at isa pa matalino rin sya, posible ring magkagusto ako sakanya pero not now! Marami akong gustong gawin ayokong mahulog sa patibong dahil mahirap umahon lalo na kung malalim baka dyan magkaalaman kung may tutulong ba saakin na makaahon o wala? Tinigil muna namin ang paguusap namin dahil mukhang may lakad sya with Zyra and Oli niyayaya nya ko pero tinanggihan ko sya this time kasi gusto kong magpahinga tutal week ends naman tsaka 2 days lang ang pahinga namin mabute ng magbasa kesa mag-gala, malapit nadin kasi ang 1st Periodical Test kaya nagre-recap ako ng mga previous lesson to stock my knowledge kasi alam mo naman ang recitation laging nandyan kaya maga-advance lesson nadin pala ko naalala kong may Graded Recitation kami on Tuesday sa TLE nako po! Madami-dami rin yun kaya magme-memorize din ako.
Napaka dami ko palang gagawin kaya hindi pala ko makakahilata sa higaan kasi magme-memorize ako enebenemen!
Tapos na kong magmemorize pumasok naman sa utak ko yung mga minemorize ko ako pa ba? Haha lakas talaga ng confidence ko.
Maya-maya pa'y nagutom ako ang tiyan ko nga naman bumaba tuloy ako ng hindi oras tinatamad din kasi ko eh feeling princess kasi ko alam mo na pero syempre nauutusan naman ako hindi ako yung taong sobrang tamad, tamad lang walang sobra! Haha.
Nakita ko si Abby, aba! Tuwang-tuwa at may kasama sya woah! Si Zyra at Oli pagkakataon nga naman tas may dala pa kong foods na kakakuha ko lang sa ref, nakita kong nakatingin si Abby sa mga kinuha ko nararamdaman ko na sya..
Papalapit na sya.
"Penge ako, best!" Sabi niya. Sabi na eh!
"Ha? Eh, ano kasi—" kinuha nya nalang bigla ang pagkaing kinuha ko atsaka sila umakyat sa taas at iniwan akong mag-isa sa baba. Haaaayyys! wala naman akong magagawa kasi pinaghatian naming bilin yung mga foods sa ref dahil wala sila mama at papa, wala tuloy akong kakainin. Umakyat na ulit ako, at pumasok sa kwarto ko.
'HAHAHAHAHA' Malakas na pagtawa ang narinig ko galing kay Abby, siguro tuwang tuwa sila sa mga topics nila. Ano naman kaya 'yun? Hindi manlang ako inaya nakakaselos na talaga, pero hahayaan ko nalang sila sa halip ay magre-review nalang ako, nakailang pabalik-balik na ko sa page na'to wala paring pumapasok sa utak ko!! Ano ba?! Mamaya kana maginarte kelangan ko mag-advance please.. Siguro dahil 'to kay Abby na kausap yung dalawa nyang kaibigan.
ALAM MO BA MAY BOYFRIEND AKONG HOT!?
PAKILALA MO NAMAN AKO!!
OSIGE BUKAS..
SIGE!
ANG INGAY NYOOOOOOOOOO!!!! Sabi ko sa isip ko, hindi talaga ko makapagreview ano ba naman! Pambihirang buhay magpa-review kayo! Pero syempre di nila ko maririnig, makapag-cellphone na nga lang.
1 message received
From: Unknown Number
Hey! Kumusta? Can we talk?
Sino naman 'tong hinayupak na 'to? Wala naman akong pinagbibigyan ng number ko ah! Maliban nalang kay Abby, pero hindi rin hindi naman sila magkakilala eh.
"Sino 'to?" Sagot ko sa nagtext.
Ang bagal magreply ha! Pa-VIP ang peg, famous ata 're.
14 minutes later -
"Si Ash 'to," sa wakas nagreply! Pero teka, si Ash daw sya? Yung classmate ko. Eh pano nya nalaman ang number ko?
"San' mo nahagilap ang number ko?" Tanong ko sakanya.
Sandaling katahimikan.
*buzzzz* *buzzzzz*
Na sinira ng isang message tone dahil may nagtext,
"Sa Facebook, naka-public ang number mo eh," reply niya. Maalala ko lang, nakapublic nga ba? Ma-check nga.
I'll just open my facebook account on my own laptop, I'll check my phone number and I saw na nakapublic nga sya. Kaya in-only me ko na sya baka madami pang magtext sakin mahirap na.
"Ah, sige. May kailangan ka?" Tanong ko.
Di nagtagal at nagreply naman sya, "Wala naman gusto ko lang ng makakausap," reply niya.
So, ayun! Nagtanungan kami about sa Likes, dislikes, hobbies at kung anu-ano pa! Hanggang sa abutin na kami ng madaling araw pero gising parin ang mga diwa namin, pero syempre inantok din kami,
"Tulog na tayo?" Tanong niya, 'tulog na tayo?' Eh hindi naman kami magkatabi. Ahh! Okay gotcha!
"Okay, thank you sa time! :)" reply ko.
"Your welcome, bye! Good night!" Last drop. At don' natapos ang conversation namin at ang ingay sa kwarto ni Abby ay bigla nalang naglaho simula nung nagkatext kami ni Ash, at nung nagbye sya parang may kung anong spark? Spark? Erase, erase hindi pwede Cielo! Masasaktan ka lang.
Ash's POV
Nagbye na ko kay Cielo, ang sarap nyang kausap feeling ko crush ko na sya. Haha, ang bilis diba? Sa totoo lang di pa ko matutulog dahil pano ko makakatulog kung nasa isip ko parin yung convo namin.
"Your welcome, bye! Good night! Love yo—" Sabay erase ko ng 'Love you' masyado pang maaga, hehe.
Pero di nagtagal ay nakatulog narin ako, di narin kinaya ng mata ko kaya tinulog ko nalang. Linggo nga pala bukas magsisimba pa ko! Kaya pinatay ko na ang ilaw at tsaka humiga sa kama ko at tsaka natulog. Masyadong maganda ang araw na'to para sakin kaya thankful naman ako.
Author's Note:
This is on-EDITING mode so, sorry for the wrong grammars and typos. I'll be edit that one. Just wait. :""> You can comment below, criticize this and I accept your complains. No matter how it's mean.
BINABASA MO ANG
CrushPNLNKEPPKKLove ✔
Roman pour AdolescentsSa pag-ibig, hindi lahat nakukuha, hindi lahat ibinibigay at lalong hindi dapat umaasa. Pero, paano naman kung gusto mong maranasan ang umibig? Kung maraming hindi at bawal? Madaming Rules ang pag-ibig at isa narito ay yung 'Never Expect & Never Ass...