CIELO'S POV
"Weh? Di nga? Ikaw pa," sabi ni Ishtar. Anong ako pa? Alam na niya ba? Hindi ko ikaka-ila na chismosa siya. Maganda na sana siya eh chismosa lang (ang sama mo Cielo! Don't judge her!) Opo na po. Hindi na. Titigil na ho.
"Oo nga! Wala," sabi ko ulit. Pero yung pag-iling niya kanina parang may ibig sabihin eh.
"Sure ka? Hindi ko naman pagkakalat eh," sabi niya. Napapaisip tuloy ako, mukha namang mapagkakatiwalaan si Ishtar eh. Maganda na maputi pa idagdag mo na yung sexy! Haha ang manyak ko eewnakakadiri ang sarili ko. Teka, malawakang pagi-isip ito, sasabihin ko ba? O hindi?
"Uhmm.. maglinis nalang tayo, mamaya na natin pagusapan 'yan!" Nakangiti kong sabi, ano ba 'yan? Nakaka-kaba. Hindi ko malaman kung bakit? Pero sasabihin ko ba?
Matatapos na kaming maglinis, natapos na din ang pagfo-floorwax namin naga-ayos nalang ng mga upuan at nagwa-walis ng mga natira nilang kalat. Naglinis lang kami homeroom naman kasi eh, yung iba kumakain at yung nakaearphones lang. At ang mga cleaners, syempre nagli-linis.
Matatapos na ang time namin para maglinis, buti nalang natapos na kami sa paga-ayos ng mga upuan. Marami kasi kami kaya marami din ang upuan. Magsa-Science na, nakalimutan kaya ni Ishtar yung sinabi ko sakanya? Sana nakalimutan na niya. Dahil wala naman akong balak na sabihin sakanya.
"Uy, ano na?" Sabi ni Ishtar. Nagulat ako sakanya akala ko nakalimutan na niya, hindi pala.
"Ha? Ano? Ililipat ko lang yung bag ko," sabi ko. Bakit para kong natatakot sakanya, wala kang dapat ikatako't ikaba Cielo!
"Okay, tabi tayo ha!" Sabi niya na nakangiti. Kinuha ko na ang bag ko atsaka tumabi sakanya.
"Wag mo sasabihin kahit kanino?" Sabi ko.
"Oo naman, ako pa! Pinky Promise!" Sabi niya. Atsaka nagpinky promise sign kami. With matching smile haha. Binulong ko na sakanya kung sino.. Pagkatapos ay tumingin siya saakin atsaka kay Gleanne.
"Okay na?" Tanong ko.
"Kailangan mo 'tong sabihin sakanya," sabay turo kay Gleanne.
"Ha? Pero bakit? Baka magalit siya?"
"Hindi, hindi mabait basta kaibigan niya,"
"Sure ka?" Tanong ko.
"Sure na, sure." Sagot niya. Ginawa ko ang dapat gawin, huminga ako ng malalim hindi ito madali para saakinatsakanya dahil pareho kami ng hinahangaan ayokong magalit siya saakin, ayoko ng may kaaway! Hindi ko kakayanin pag nagalit siya saakin.
"Hi, Gleanne!" Nakangiti kong sabi.
Kinakabahan ako..
"May sasabihin ako,"
Eto na..
"Ano 'yun?" Tanong niya.
Kaya ko 'to..
"Pareh-ho t-tay-yo,"
"Ano?" Tanong niya.
"Crush ko din si Ash!" Binulong ko sakanya. Na ikinagulat niya. What's Big deal with me and Ash? Crush ko lang naman siya ah?
"Wow! Pareho tayo!!" Nakangiti niyang sabi. Walang lungkot sa mga mata niya. Natutuwa nga siya.
"Hindi ka galit?" Tanong ko.
"Hindi ah,"
"Sure ka?"
"Oo naman,"
Mula nung nalaman niyang crush ko si Ash, lagi na kaming magkasama walang araw na hindi ko siya nakakasama minsan si Veronica sumasama samin, si Abby naman hindi ko siya pinalad na maging kaklase kasi hindi nag-aral ng mabuti hindi tuloy nailipat sa section namin. Marami din akong natuklasan kay Ash, hindi pala siya magaling magbasketball pero trying hard parin naman siya tapos yung paborito niyang kulay Green daw tas paborito niyang ulam Adobo or Sinigang. Marami pa hindi lang 'yan.
Tapos si Gleanne gumive up na kay Ash tapos ako naman ang sumusunod sa yapak niya, sabi niya nasaktan na siya kay Ash kaya siguro tama na daw 'yun ayaw na niyang madagdagan pa. Mas lalo lang kasing masakit. Pero ako? Di pa naman gumigive up, sa una lang 'yan eh syempre siguro sinusubok niya lang ako, echos! Haha. Grabe ah. Hindi pa naman niya alam, pero merong mga bali-balita na meron daw natitipuhan si Ash sa 3rd section alam mo? Syempre hindi mo pa alam, ang sarap sabunutan nung babae pero buti nalang hindi sila close eewwwww hindi sila bagay. Alam kong marami akong karibal pero please akin na siya he's my hubby wag nyo ng agawin pa okay? He's mine. HAHAHA.
ADIK NA NGA AKO SAKANYA.
Parang dati lang, ayoko ng mga crush-crush.
Ngayon, daig ko pa ang may shota.
Ang saya-saya ng araw mo, walang araw na hindi kumpleto pag nakikita mo siya.
Isang ngiti lang niya mapapayuko ka at biglang *bang* babatukan yung katabi o kaya naman sasabunutan.
Minsan nga natanong ko yung sarili ko, "Ako pa ba si Cielo? Ang matapang na si Cielo? Walang inuurungang laban? Ang masayahing tao?" Ako pa naman 'to may nadagdag lang.
Ash, sana mapansin mo naman ako.
To: Ash
Hi, kumusta kana? :)
Sagutin mo naman ako haaaays! Yung feeling na araw araw mo siyang itinetext tapos hindi siya nagrereply. Ang saklap, nagpapaload pa naman ako para sakanya. Masakit ah!
From: Ash
Uy
OMGosh!! Nagreply siya, ang drama mo agad Cielo. May load naman pala, nakasilent lang siguro yung cellphone.
Ano ba irereply ko? Help me, help me!
To: Ash
Po?
Ayan! Ayan! Lang yung naireply ko. Kasi naman eh. Wala kong maisip, tsaka omg wala talaga speechless na ko.
From: Ash
Kumusta ka naman? Usap tayo?
Kyaaaaaaaaa!!!! Usap daw kami? Oh! Pano ba?
To: Ash
Sure :)
Napatext ka?
Medyo matagal yung reply. Pero ayos lang, atleast magkatext kami. Yieeeee.
From: Ash
Napansin ko kasi yung mga text mo, eh gusto kong bumawi lagi kang may load ah?
Napansin niya pala? Pero di niya nirereplyan. Haay! Babawi daw siya, siguro crush mo din ako no?
To: Ash
Ahh. Ganon ba? Haha.
Tawa nalang ako, para hindi masyadong halata yung kilig haha.
From: Ash
Oo eh. Topic?
Topic daw, ano? Ano? Maganda? Ako, ako maganda? Natataranta tuloy ako. Letchugas.
To: Ash
Wala kong maisip eh?
Sino crush mo?
Send! OMG! SAGUTIN MO AH? SANA AKOOOOO.
Sampung mga daliri, ang lima ay wala
Hinanap ko, hinanap ko. . .
May kahawak palang iba ~
Ang bagal niya magreply, ano ginagawa mo? May katext kabang iba? Huhuhu. Magreply kana please.
-3minutes later-
From: Ash
Wala eh, ikaw ba?
Nagreply din sa wakas! Yung mata ko, napikit-pikit na antok na ko. Haaay!
To: Ash
Ikaw :)
Author's Note:
This is on-EDITING mode so, sorry for the wrong grammars and typos. I'll be edit that one. Just wait. :""> You can comment below, criticize this and I accept your complains. No matter how it's mean.
BINABASA MO ANG
CrushPNLNKEPPKKLove ✔
Teen FictionSa pag-ibig, hindi lahat nakukuha, hindi lahat ibinibigay at lalong hindi dapat umaasa. Pero, paano naman kung gusto mong maranasan ang umibig? Kung maraming hindi at bawal? Madaming Rules ang pag-ibig at isa narito ay yung 'Never Expect & Never Ass...