CHAPTER 27

9 1 0
                                    

C  A  E  L

Nagbabasa ako ng libro nang bigla kong maramdaman ang vibrate ng phone ko. Hindi ko muna agad pinansin dahil napapaganda na ang pagbabasa ko. Ayoko kasing ma-interrupt dahil nasa climax na ako sa binabasa ko.

Sa totoo lang, kanina pa ako hindi mapakali kaya napagdesisyunan ko nalang na magbasa. Hindi ko alam pero para akong kinakabahan na ewan. Ngayon ko nalang din ulit naramdaman ang ganitong feeling.

Pasulyap-sulyap ako sa phone ko at hindi na ako makapag-concentrate sa binabasa ko.

"Bakit ba ako kinakabahan? Ugh."

Kinuha ko ang unan ko at pinanggigilan.


[You have 1 new message from *****...]


Nagtaka naman ako bigla nang buksan ko na ang phone ko at nakita 'yung nagtext. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil kilala ko ang number na 'to. Oo aaminin ko, binura ko na 'yung number sakin ni Warren kasi wala naman na kaming communication. Pero dahil sa matandain ako, alalang-alala ko na sa kanya 'to. Hundred percent.


[Message Content: Hi.]


Well, hi daw?

Hindi ko naman siya mabasa! May kailangan ba 'to sakin? May ipapa-alam nanaman ba siya?


[To: Number ni Warren]

[Message Content: Hello :)]

Message Sent.


Naglagay nalang din ako ng smiley emoji para naman magmukhang casual lang ang dating ko. Hindi mukhang kabado at hindi din naman mukhang excited.

Parang timang 'tong feelings ko.

*zooooot-zooooot* >> phone vibrating

"Ay putek! Bilis magreply? Wala ba 'tong ginagawa?"

Napaisip tuloy ako. Nandito pa kaya sila sa Pilipinas? Kung nakabalik na sila sa Canada, umaga na doon sa kanila ngayon.

Pa'no kung nandito pa sila?


[From: Number ni Warren]

[Message Content: It's been a while. How are you?]


Warren naku sinasabi ko sayo, marupok ako! Bakit ako kinilig sa how are you mo?!


[To: Number ni Warren]

[Message Content: I'm doing well. How about you?]

Message Sent.


Nap-pressure ang utak ko dito kay Warren pag kausap ko eh. Syempre sasabayan din natin siyang mag-english.


[From: Number ni Warren]

[Message Content: I'm good.]

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon