CHAPTER 17

20 3 1
                                    

W  A  R  R  E  N

Binuksan ko ang pinto at sumilip ng kaunti. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Nakita ko siya, ang babaeng 'yun na mahimbing na natutulog sa sofa. Nakabukas pa nga yung tv at nagkalat yung mga balat ng chips na pinagkainan niya sa lamesa.

Lumabas muna ako para magpahangin sandali. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na wala na akong mabu-bully simula bukas. Lulungkot nanaman ako. Si Zeno, ang best buddy ko iiwan na ako.

Takte, ang drama ko. Hindi na rin ako uminom ng gamot. Di naman na kailangan.

Naglakad-lakad lang ako. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. May part sakin na ayaw ko ng bumalik tutal wala naman na akong babalikan.

Mag-isa nanaman ako.

"Hay." buntong-hininga ko.

Kinuha ko ang cellphone ko. Idi-dial ko palang sana 'yung number ni Tyler pero naisip ko na wag nalang. Paniguradong nasa klase ang mga 'yun at baka maka-abala pa ako.

Patuloy parin akong naglalakad hanggang sa bigla nalang akong napahinto.

Nakarating na pala ako sa tahanan ko. Sa naging tahanan ko noong bata pa ako. Ang orphanage na pinanggalingan ko.

Umupo ako sa isang bench sa tabi ng building at tumingala. Ang ganda ng langit ngayon, sobrang blue ng kulay.

Naalala ko 'yung mga panahong nakatira ako dito sa orphanage. Masaya naman. Mababait ang mga nag-alaga at nagkaroon din ako ng mga kaibigan. Hindi ko rin maiwasang hindi isipin ang mga taong nag-ampon sa akin. Ang naging mom ko. Nami-miss ko na siya. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya. Si dad naman, hindi na talaga bumalik. Kamusta na kaya siya? Wala na akong balita kung nasaan na siya at kung buhay pa ba siya.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko. Hindi ko palalagpasin ang moment na 'to. Napakaganda talaga ng langit ngayon. Mapicturan nga.

*click*

"Ang ganda..." sambit ko.

Sana ganito nalang din kaganda ang buhay ko. Kung sana hindi lang ako nagkaroon ng napakabigat na problema. Nawalan na ng saysay ang buhay ko dahil doon.

Naalala ko bigla si Cael. Ano kayang itsura nun? Nacurious tuloy ako bigla.

Malamang siguro maganda siya. Hindi naman kasi nagkakagusto sa panget si Zeno. Maarte kaya 'yun.

Naisipan ko siyang hanapin sa facebook. May account naman ako dito kaya lang iba ang pangalan ko. 'Yung nickname ko na ako lang ang nakaka-alam. Kahit sila Zeno, hindi nila alam 'yun. Ang alam nila, hindi ako nagf-facebook. Ito 'yung nickname ko na binigay sakin ng mga madre dito sa orphanage na pinanggalingan ko.

Gusto niyong malaman kung ano 'yun? Syempre secret. Tsaka na kapag nasa-mood akong sabihin sa inyo. Baka i-stalk niyo ako eh. Mahirap na.


Hinahap ko ang pangalan niya. Buong pangalan niya ang tinype ko at may result agad na lumabas.

*click*

*scroll*

*scroll*

Grabe. Ni isa wala akong makitang mukha niya. Puro galaxy at puro panda ang pictures na nasa fb niya. Naka-private din siya kaya di ko makikita ang lahat including posts and other pictures na friends niya lang ang makakakita.

Siguro siya yung panda na 'to. Mukha siguro siyang panda.

"Ayos lang. Cute naman." bigla kong sabi. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ko.

Hays, nevermind. Nasabi kong cute kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha niya.

Hindi na ako nagtagal at naglog-out na. Hindi naman kasi ako sanay sa mga social media.

*yawn*

Nakaramdam na ako ng gutom. Umuwi na din ako para makapag-lunch na.






C  A  E  L

Katatapos ko lang gawin ang assignments ko sa minor subjects ko at nagulat ako nang makitang alas dose na ng hating gabi. Inuna ko muna kasi ang pagp-phone kanina bago gumawa ng homeworks. Hehe.

Humiga na muna ako saglit pero hindi talaga ako tinatamaan ng antok. Naisipan ko munang lumabas at bumili ng cup noodles sa 24/7 na mini mart malapit sa amin.

Nagutom kasi ako bigla. Wag din kayo mag-alala, safe naman ang lumabas ng hatinggabi dito sa barangay namin.

Dali-dali na akong lumabas ng bahay dahil sa sobrang pagc-crave ko. Pagkalabas ko sa store, naisipan ko munang tumambay sa may park. Oo, 'yung park kung saan kami nag-usap ni Jay. 'Yung park kung saan inamin niya sakin na sila na ni Gwen.

Paliko palang ako nang may makabangga ako.

"Sorry." agad na sabi niya.

Ang boses na 'yun.

"Jay...?" sambit ko. Agad akong umiwas ng tingin at naglakad palayo sa kanya. Pero hinawakan niya ako sa braso at pinigilan ako.

Please, wag kang tutulo ngayon. Wag mong ipakita na mahina ka sa harapan niya. Wag Cael... wag.

"Bakit? Anong ginagawa mo dito?" maayos na tanong ko sa kanya habang bahagyang tinatanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Kahit na sinaktan niya ako, hindi ko magawang magalit sa kanya. Wala eh. Importante kasi siya sakin at dun ako naiinis sa sarili ko.

"I'm sorry..." sabi niya na malungkot ang mukha. Hindi niya din sinagot ang tanong ko kung bakit din siya nandito.

"Ano ka ba, ayos lang 'yun no." sabi ko at tumalikod na uli. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"Cael..." bigkas niya at ayan na... tumulo na ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak. "I'm sorry... I'm really really sorry..." sabi niya at naramdaman ko na nabasa na ang damit ko banda sa may balikat.

U-Umiiyak din siya?

Hinarap ko siya. Ngumiti ako sa harap niya. Pinunasan ko ang mga luha niya.

"Ayos lang. Wag kang mag-alala, ayos na ayos ako." pagkasabi ko niyan, lalong bumuhos ang mga luha ko. Bumigay na ako na din ako.

Bumalik lahat sa akin. Nasasaktan nanaman ako. Sobrang sakit. Ang sakit sakit.

"No Cael. Kasalanan ko lahat ng 'to. Hindi kita inisip. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman mo. Selfish. Napaka-selfish ko. Dahil sakin kaya nasira ang pagkaka-ibigan natin." sabi niya.

Iniipit ko na ang boses ko para hindi ako humagulgol.

"W-wala na Jay. N-nangyari na ang dapat m-mangyari. Wala na tayong magagawa..." pagkasabi ko nun, mas lalo siyang umiyak at napasabunot na siya sa buhok niya. "S-siguro, hanggang dito nalang ang pagkakaibigan natin. M-mas mabuti siguro 'to para sa ating d-dalawa..." dugtong ko.

Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sakin. Ang mga mata niya, namumugto na. Ti-nap ko ang balikat niya at ngumiti sa kanya.

"Masaya ako dahil ikaw ang naging bestfriend ko. Hindi ako nagsisisi na minahal ko ang katulad mo." pinunasan ko ang mga luha ko at naglakad na papalayo sa kanya.

"Cael..." rinig kong tawag niya pero hindi ko na siya nilingon.

"Cael!..." tawag niya uli kaya mas lalo akong napaiyak.

Tama na Cael. Palayain mo na ang sarili mo.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon