C A E L
Nagulat ako sa mga salitang binanggit niya sa dulo ng panghuling message niya sa'kin.
Totoo ba talaga 'to? Siya ba talaga 'to? Tae Cael tanungin mo kaya siya mismo? Hindi mo naman malalaman kung puro sarili mo lang ang tatanungin mo.
[To: Abnormal Number]
[Message Content: Zen panget? Unggoy na Kapre? Ikaw ba 'yan??]
Message sent
Tanong ko sa kanya at mabilis pa sa cheetah siya nagreply. In fairness ah.
[From: Abnormal Number]
[Message Content: Grabe, kung maka-unggoy na kapre ka naman! Ganun ba ako kapanget huh? Oo, ako 'to. Si Zeno.]
Sabi niya.
Grabe siya nga! Si Zeno Fort lang pala 'to, akala ko kung sinong kidnapper na eh! Nadulas pa tuloy ako sa hagdan ng dahil sa kanya. Kinabahan ako ng sobra-sobra dun ah. Kung malapit lang siya dito sa amin baka nakalbo ko na siguro siya.
>_____<
Siya si Zeno Fort, ang isa pa naming close friend ni Jay nung mga bata pa kami. Naalala niyo ba 'yung nabanggit ko na hinigit ni Jay para lang kumuha ng picture naming dalawa nung natutulog ako? Oo, siya 'yun haha!
Mga isang linggo lang namin siya nakasama nun ni Jay kasi nag-migrate din agad sila sa Canada. Kaya pala ganun ang number eh. Bwisit, nanakot pa nga! Kaya rin pala rich kid eh, si Zeno pala talaga.
Typing...
[To: Zeno Panget Unggoy Kapre]
Oo, pinalitan ko na agad 'yung pangalan niya sa contacts ko haha!
[Message Content: Abnormal ka, ikaw lang pala 'yan! Alam mo bang natakot ako huh? Inakala ko pang cannibal o kidnapper ka bwisit! Kung nandito ka siguro baka nabugbog na kita.]
Message sent
*zoooot-zoooot* >> phone vibrating
[From: Zeno Panget Unggoy Kapre]
[Message Content: Haha! Cannibal? Kidnapper? XD Wala ka pa ring pinagbago eh no? Matatas ka pa rin magsalita haha! At brutal ka pa rin! Pero sa'kin ka lang naman ganyan eh kasi kay Jay naman hindi. Siguro... si Jay parin ang laman ng puso mo hanggang ngayon no?...]
Sabi niya.
Hay nako, 'yan nanaman siya sa ganyan. Naalala ko nung mga bata pa kami, sa twing nababanggit ko si Jay kapag nag-uusap kami lagi niyang sinasabi "Tama na! Nagseselos ako!" Alam konamang hindi totoo 'yun at trip lang ako nun.
[To: Zeno Panget Unggoy Kapre]
[Message Content: Oo naman no! Siya lang at wala ng iba. Ano, sasabihin mo nanaman na 'Tama na! Nagseselos ako!'? Wag ako ang pagtripan mo panget.]
BINABASA MO ANG
Faraway (ON-HOLD)
Teen FictionTiming is everything. DATE STARTED: September 2017 Cover Illustration is not mine. Credits to the rightful owner.
