J A Y L A N
Hindi ko maitago ang lungkot na nararamdaman ko nang makita ko ang reaction ni Cael tungkol sa pagpunta nila Zeno dito sa Pilipinas. Mayroong part din sakin na parang feeling ko, lubusan na silang naging close nila Zeno.
Oo, aaminin ko. Nakaramdam ako ng pagseselos.
"Warren."
Natahimik bigla si Cael nang sabihin ko kung sino 'yung sumuntok sakin.
"Kilala mo?" tanong ko. Hindi siya sumasagot at hindi niya din ako tinitingnan. "Wag kang mag-alala. Hindi naman sasama ng loob ko. Ako nga 'tong nakagawa ng masama sa'yo. Wala akong karapatang magalit sa'yo." dugtong ko.
"He was the one who helped me to get over you." sagot niya nang hindi nakatingin sa akin.
I see. That's why.
"I'm thankful for that puch to be honest." sabi ko at napatingin siya sakin. "Dahil dun, nagising ako." dugtong ko.
Tiningnan ko siya sa mata. Gustung-gusto kong maibalik ang pagkakaibigan namin. Hindi ko alam kung posible pa ba at kung paano. Siya lang ang nag-iisang bestfriend ko. Nabulag ako sa naging desisyon ko. Nagpadalos-dalos ako. Alam kong huli na pero kung may pag-asa pa, gagawin ko ang lahat para maibalik lang ang dati at maitama ko ang mga naging pagkakamali ko kay Cael.
"Jay."
Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Hindi ko alam pero parang naluluha ako.
"Are you hoping that we can still get back to our old ways?" tanong niya pero hindi parin siya nakatingin sakin.
"If there's a possibility, Cael. Yes of course." buong loob kong sabi na halos maiyak na ako. I badly wanted for us to go back to the way we used to be. Ipapangako kong babawi ako sa kanya kung pagbibigyan niya ako.
Humarap siya sakin, almost crying.
"I told myself na hindi na ulit ako iiyak nang dahil sayo. Inaamin ko, nahihirapan ako sa ginagawa mo ngayon. May part sakin na, oo sige. Kalimutan nalang natin ang lahat. Dahil ganun ka ka-importante sakin. Ganun ko pinapahalagahan ang pagkakaibigan natin. I can't let go even now. I'm okay but still, why do I feel this way?" sabi niya.
Naiiyak na din ako. Wala talaga akong naidudulot na maganda kay Cael. Sa twing involved ako, lagi siyang umiiyak.
"I was hurt, Jay. It still hurts, you know that?" sabi niya. "Pero this time, I wanted to choose myself. I wanted to choose to let you go. I'm sorry, Jay. I don't want you to hope anymore. I don't want us to be friends ulit kasi lagi mo lang ipapa-remind sakin ang sakit na naramdaman ko sayo. Na parang binalewala ko lang lahat ng 'yun kung hahayaan lang kita ulit sa buhay ko."
Sa bawat salitang sinasabi niya, isa-isa 'yung tumutusok sa puso ko. I hurt her this bad for her to say such things. For her to not allow me to become part of her life anymore.
"I-Is that what y-you want?" nauutal na ako dahil hindi ko na din ma-control ang pag-iyak ko.
"You know I don't want this Jay." sabi niya. Napatango ako. Yes, eto si Cael. Ganun kabuti ang puso niya. "It's for the better." dugtong niya.
Masakit. Sobrang sakit. Pero wala naman na talaga akong magagawa. Naiintindihan ko si Cael. If it's for the better, then I'll trust her.
It's hard but it's time to let her go.
Can I do that?
"Can I have one final request?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. Napatitig siya sakin at ngumiti kasabay ng pagtulo ng huling luha niya.

BINABASA MO ANG
Faraway (ON-HOLD)
Teen FictionTiming is everything. DATE STARTED: September 2017 Cover Illustration is not mine. Credits to the rightful owner.