CHAPTER 22

7 2 0
                                        

C  A  E  L

Naka-upo ako ngayon sa may bench habang hinihintay na iluwa na ng game store si Dylan. Kanina pa nga siya doon eh! Lusaw na nga sa kamay ko yung ice cream niya.

Haissstt!

Kasama ko nanaman siya ngayon. AS USUAL. Pangatlong araw na namin dito at yeeeeesssss!, last day na ng seminar nila ate. Makakapag-gala narin si ate sa wakas! At last day ko narin ng pagiging yaya ahohoho.

Okay naman na si Dylan, hindi na nga nagsusungit pero hindi naman nagsasalita! Oo! Simula nung sinabi ni ate Dian 'yun hindi na niya ako kinausap. Na-pipe na no Dylan?

Sa wakas, lumabas narin siya. May dala siyang cd na parang video game ganun. Barilan. Grabe ang brutal naman.

"Oh, tapos ka na?" - ako

*walks away* - Dylan

"Ay oo tapos na ako Cael." tanong ko sagot ko. Ayan ganyan nalang kami simula kahapon. "Wait Dylan!" sigaw ko kasi ang bilis niyang maglakad. Bigla na nga lang nawala eh. Saan naman kaya nagpunta 'yun?

Hays.

Tinapon ko nalang yung ice cream niya sa basurahan. Hindi niya naman na kakainin pa 'yun at mas lalong ayoko naman kainin pa 'yun. Nagpunta nalang ako sa cr para maghugas ng kamay at bumalik nalang ako kung nasan ako kanina.

Bahala siya dyan. Ano naman sasabihin ko kay ate Dian?

"Ate, nawawala po kapatid niyo?"

Hayayays!

"Oh." nagulat nalang ako nang bigla siyang lumitaw sa kaliwa ko. May dala-dala siyang isang plastic ng strawberry cheesecake. Wow ha. Magkano ba allowance ng batang ito? Yayamanin eh.

"Uh, thanks. Para san naman 'to Dylan?" tanong ko.

Wag mong sabihing hindi nanaman siya sasagot?

"Ay wala lang yan Cael, naawa lang kasi--" - ako

"I just want to say sorry."

Di ko na natuloy yung pagsagot ko sa sarili ko kasi bigla siyang nagsalita.

Finally diba? Finally!

"For what?" - ako

Dahil ba last day na namin magkasama? Wahahaha. Diba sabi ni ate Dian gusto niya daw ako kasama? Totoo kaya 'yun?

"Ayaw mo ba? Ikaw na nga 'tong binibigyan eh. Arte." nakanguso niyang sabi, tumalikod siya at nag-cross ng arms pa.

Bakit ang cute niya ngayon? Hahaha. Mga lalake talaga kamo ganyan.

"Thank you." nakangiti kong sabi at humarap na siya. Pero tumalikod ulit. Anyare dito?

Umalis na ulit siya pero nagdahan-dahan na siya sa paglalakad para makasabay ako.

Ano nakain nito? Basta! Ano pa ba naman poproblemahin ko eh may isang plastic na ako ng cheesecake?

Hehehe.




W  A  R  R  E  N

"Goodmorning mga kaibigan! Rise and shine!"

Nagising ako sa maluwalhating pagbati ni Zeno. Ang aga ha?

"Goodmorning kaibigan." sagot naman ni Tyler. Natatawa pa ako sa way ng pagsagot niya kasi may accent pa.

Magkakasama kami natulog sa iisang room pero tatlong bed. Si Zoe nakahiwalay siya.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon