W A R R E N
"Guys tara na!" sabi ni Keith at pinakita niya sa amin ang hawak niyang mga plane tickets.
Nauna silang dalawa maglakad at nakasunod lang ako sa likod nila. Hindi pa man kami nakakalayo, nakita namin ang mama nina Keith at Tyler. Nilapitan namin sila.
"Hello po tita." nakangiting bati ko sa mom nila at nginitian din naman nila ako. Nakita ko naman na halos ayaw ng bitawan si Keith ng mama niya. Hahaha.
"Ma naman." sabi niya habang hinahalik-halikan siya sa pisngi.
"Hindi ko kaya Keith na mawala ka." - Keith's mom
Oops. Alam ko na kung kanino nagmana ang loko.
"Wag ka ngang OA ma. Isang linggo lang naman kami mawawala." sagot sa kanya ni Keith. Ngumuso lang sa kanya ang mama niya.
"Nagsalita ang hindi OA." bulong ko kay Keith at tiningnan niya lang ako ng masama.
Hahaha.
"What are you doing here, mom?" -Tyler talking to his mom and ayun, nag-usap na sila.
Matagal ba 'to? Mauna na kaya ako? Ayokong mainggit lang dito hays.
"Guys una na ako. Sunod nalang kayo ha." bulong ko sa kanilang dalawa.
"Tek--" di ko na pinatapos sa pagsasalita si Keith at naglakad na ako palayo sa kanila.
Nakapamulsa ako habang naglalakad. Napansin ko nalang na basa na yung pilikmata ko. Di ko na kasi mapigilang hindi maging emosyonal.
Hays.
I miss my family. If only I could be lucky...
C A E L
Kararating lang namin ngayon sa hotel. Gabi narin kami nakarating dito kasi seven PM kami nakatapak dito sa Canada at thirty minutes byahe papunta dito sa hotel.
*yawns*
Grabe antok na antok pa ako. Pano ba naman kasi magdamag kong pinagmasdan ang mga nakakabighaning ulap. Eh sa hindi ako makatulog eh!
"Hay...grabe kapagod!" sabi ni ate kasabay ng pagbagsak niya sa kama.
Pagka-upo ko sa sofa, naalala ko nanaman 'yung lalaki na nakita ko kanina. Umaandar nanaman pagkamalandi ko hihi.
Joke lang. Di ako malandi no.
"Cael!" nabalik lang ako sa wisyo ng sigawan ako ni ate. "Anong tinitingnan mo sa kisame? Kanina ka pa nakatingala dyan ah! Sabi ko ayusin mo na mga gamit mo eh. Parang di mo ako naririnig." sabi niya.
Ahehe. Na-imagine ko bigla sarili ko. Muntanga lang.
"Wala ate. May iniisip lang ako." natatawang sagot ko sa kanya. Naalala ko nanaman kasi 'yung itsura ko hahaha.
"At ano naman 'yun aber? Care to tell?" sabi niya pa.
"Wala ate! Chismosa ka kamo hahaha." sagot ko at binato niya ako ng unan. Tinawanan ko lang siya. Mukhang pikon eh.
"Pagkatapos ko dito, didiretso na tayo sa baba para mag dinner. Susunduin daw tayo ni Kian para sabay-sabay na tayo kumain." sabi niya.
"Ayuyuyu ate may paganon pang nalalaman ih. Bakit bubuhatin ka ba niya at kailangan ka pang sunduin?" pang-aasar ko sa kanya. Binato niya nanaman ako ng unan pero nailagan ko naman bwahaha.
BINABASA MO ANG
Faraway (ON-HOLD)
Teen FictionTiming is everything. DATE STARTED: September 2017 Cover Illustration is not mine. Credits to the rightful owner.
