Z E N O
"Are you guys sure na wala kayong nakalimutan?" tanong ko sa kanila. On the way na kami ngayon sa airport and it's currently 4 AM in the morning.
Napalingon ako kay Warren na mahimbing natutulog sa passenger's seat.
"Nakalimutan kong mag-goodbye kiss sa mga babae ko dun sa Pampanga." sagot naman ni Keith at napatawa nalang ako.
"Sabihin mo lang kung gusto mong magpaiwan Keith." sabi ko sa kanya.
"Malungkot man pero kailangan kong tanggapin na ako'y mawawalay na sa kanila." sabi niya habang uma-aktong umiiyak pa.
"Here, tissue." alok sa kanya ni Tyler na hindi ko alam kung sinsabayan lang ba 'yung trip niya o hindi niya alam na nagloloko lang 'tong si Keith.
Inosente kasi 'yang si Tyler.
"Thanks bro, you da best. Keith loves you." sabi ni Keith at suminga pa nga. Hindi ko na napigilan at napatawa na ng malakas.
"Tyler, he's just joking. He's not actually crying. Do you understand what he said before?" tanong ko sa kanya.
"He is?" sabi niya at binatukan niya si Keith. Tinawanan lang naman siya nito. "What did he say?" inosenteng tanong niya.
Sabi ko na eh, haha!
"Keith said that he's madly in love with you. He can't leave your side and he wanted to kiss you." sabi ko.
"What the fuck, bro? You're gay?" natawa ako sa reaction ng mukha ni Tyler gulat na gulat eh. "Is that why you said you love me?" dugtong niya na medyo napalayo siya kay Keith.
HAHAHA!
"Gago ka Zeno! Ikaw 'yung bakla sa'tin dito eh!" - Keith na mukhang maghy-hysterical na.
Ang ingay namin sa loob ng sasakyan at medyo maalog na dahil sa likot nitong si Keith, hindi mapakali sa iisang pwesto.
"Shut the fuck up Keith! Kanina pa ako nagtitimpi sa'yo." imik nitong katabi ko.
Hala nagising si Warren.
"Lagot ka Keith, nagising na si master!" pananakot ko sa kanya. Si Tyler naman, ayun ganun parin ang mukha. Halos ayaw dumikit kay Keith, hahaha!
Nag-lean si Keith at bumulong kay Warren.
"I'm sorry master, tulog ka na ulit. Sweet dreams, sleep tight. Don't let the bed bugs bite." sabi niya. Sa ginagawa niyang 'to, lalo lang niyang pinipikon si Warren eh.
May sayad talaga 'tong si Keith. Papa-check up na nga namin, nakakatakot na ang paglala niya.
"Gago ka." tipid na sagot sa kanya ni Warren.
*****
Mabilis lang din kaming nakarating sa airport at nagpunta muna kami sa isang cafe para mag-almusal. Maaga pa naman kaming nakarating kaya madami pa kaming time. Tutal gising na din naman si Warren, hindi na kami mahihirapan na gisingin siya. Nakakatakot pa naman 'tong gisingin si Warren. Nagiging halimaw eh.
Hindi na din siya nakatulog simula nung magising siya sa ingay namin. Nagkalinawagan na din naman si Keith at Tyler na biro lang naman ng lahat. Puta, muntikan na maging FO si Keith at Tyler kanina dahil ayaw nang lumapit sa kanya ni Tyler. Mabuti nalang at naagapan kaagad, haha!
![](https://img.wattpad.com/cover/105359019-288-k738683.jpg)
BINABASA MO ANG
Faraway (ON-HOLD)
Ficção AdolescenteTiming is everything. DATE STARTED: September 2017 Cover Illustration is not mine. Credits to the rightful owner.