CHAPTER 19

39 5 1
                                    

C  A  E  L

*zoooot-zoooooooot*

Napabalikwas ako ng tayo nang bigla kong maramdaman ang phone ko na nagvibrate sa noo ko.

Nagtaka ako.

Teka, di ko na nilalagay 'to sa noo ko ah?

"Ay naalala ko nag-alarm pala ako. Kala ko yung pesteng network nanaman 'yun eh."

Kinuha ko iyon at pinatay ang snooze ng alarm.

Biglang may kumurbang ngiti sa labi ko. Ngayon na kasi ang araw ng pagpunta namin ni ate sa Canada. Tumayo na ako at niligpit na ang pinaghigaan ko. Bumaba na rin ako para kumain.

"Oh, aga mo naman? Excited?" nakangising tanong sakin ni ate. Gising na din siya and nagluluto siya ng kakainin at babaunin namin sa byahe papuntang airport.

"Di naman hehe. Eh kasi nagising ako bigla sa vibrate ng phone ko. Pinagtataka ko lang kung bakit nasa noo ko nanaman 'yun eh hindi ko naman na ginagawa 'yun." sabi ko.

"Ako naglagay nun." sagot ni ate. Talaga 'to si ate oh!

"Ate naman." natatawang sabi ko.

"Mahirap na no, baka di ka nanaman magising." sabi niya. "Oh eto, luto na. Kumain na tayo." dugtong niya at nagsimula na kaming kumain.



*****



"Okay na ba bunso? Wala ka na bang nakalimutan? Check mo ah baka naman pabalikin mo pa ang bus dito kapag may nakalimutan ka. Jusko nakakahiya 'yun." pagdadaldal ni ate sakin.

"Ano ka ba naman ate? Haha hindi naman, reding-redi na nga ako! Wala ng nakalimutan." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Oh siya, tara na?" tanong niya.

"Yes ate. Let's go! Ay-- nga pala ate, pwede naman maggala dun diba?" tanong ko.

"Oo Cael. May alotted time naman para makapaggala tayo. Three days lang naman ang seminar and the rest na two days ay 'yung chance na pwede tayong makapaggala sa Canada." sabi ni ate.

Yes. Ang saya-saya! Wohoo!

Sabi ni ate, hindi daw ako pwedeng maiwan sa hotel ng seminar time nila. Pwede naman daw akong sumama at obligadong sasama ako dahil hindi naman ako hahayaan ni ate na mag-stay man sa hotel o makapaggala ng mag-isa. Pero okay na din yun no! Hahaha.

Lumabas na kami ni ate at nilock ko na ang pinto. Magsasalita palang si ate pero inunahan ko na siya.

"Opo ate, tinali ko na ang bahay. Hindi na ito makakatakbo." sabi ko. Napa-iling nalang siya habang tumatawa.

"Baliw ka talaga." sabi ni ate at tuluyan na kaming umalis.




W  A  R  R  E  N

Na-alimpungatan at nagulat ako nang biglang may tumalon sa kama ko.

Peste? Natutulog yung tao oh!

Bumangon ako at napakamot nalang sa ulo ko.

"Ano ba?!" sigaw ko pero nakapikit ako. Grabe naman kasi oras ng tulog ko tapos biglang may mambubulabog?

Hapon na kasi ngayon at maggagabi na. Balak ko kasi na matulog ng tuluy-tuloy hanggang sa maggabi.

Bakit? Wala. Trip ko lang.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon