CHAPTER 13

20 3 0
                                        

C  A  E  L

"WHOA!"

Nagulat ako at nagising nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Heck, nasa bulsa ko pala 'to. 

Teka bakit 'to nasa bulsa ko?

Tiningnan ko kung ano 'yung nagtext at nakitang 'yung pesteng network nanaman. Humiga ako nalang ako ulit dahil sumasakit ang ulo ko. 

Ano bang nangyari kagabi? Nilagnat ba ako? Wala akong matandaan eh.

Napatingin ako sa wall clock at nagulantang ng sobra-sobra.

W-What the hell?!

"Ateeeeeeeee!!!" sigaw ko.

Takte nuebe na?! May pasok ako ah! Ibig sabihin hindi ako nakapasok?!

Natigilan ako.

Bakit ko nga ba tinatawag si ate eh nasa school 'yun?

"A-ano 'yun?! Bakit ka sumigaw?!" - ate na mukhang tumakbo ng mabilis papunta sa kwarto ko.

Bakit nandito 'to? Wala ba 'tong pasok?

"Ate bakit nandito ka? Diba may pasok ka?" - ako

"Hindi ako pumasok." sabi niya at tumabi siya sa akin sa kama.

"Bakit? Sumbong kita kay mama! Nagpapabaya ka na!" - ako

"Heh! Manahimik ka nga! Masakit pa ba ulo mo?" tanong niya.

"M-Medyo." sabi ko at napahawak ako sa sentido ko. "Nilagnat ba ako kagabi?" takang tanong ko sa kanya.

"Nag-inom ka tanga! Alam mo ba 'yun? Ikaw nga dapat ang isumbong ko kay mama eh!" - siya

"N-Nag inom?" - ako

o___O

*tango-tango* >> ate with matching salubong na kilay

Ang naalala ko lang ay umiyak ako ng husto kagabi dahil... dahil sa...

Hay.

Ayoko nalang ituloy dahil baka maiyak nanaman ako kasi hanggang ngayon, masakit parin. Fresh na fresh pa ang sugat sa puso ko kaya sobrang sakit.

Pero ang malinaw lang sakin ay sa sobrang sakit na naramdaman ko kagabi, hindi ko kinaya kaya lumabas ako ng bahay at bumili ako ng... bumili ako ng alak. Tapos nun, naglakad-lakad pa ata ako nun tapos? Di ko na maalala 'yung iba.

Huh? Ang gulo!

"Eh kung nasa labas ako, pano ako naka-uwi?" - ako

"Dinala ka ni Jay dito." - siya

Jay...

Si Jay ang nag-uwi sa akin?

"Naiganti na kita sa kanya Cael." sabi niya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin ate?" - ako

"Sinampal ko siya." - siya

Nanlaki ang mga mata ko.

"A-Ano?! Ate naman, bakit mo ginawa 'yun?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Paki-ulit nga Yen Caellum Trinidad? Bakit ko ginawa 'yun? Aba, tama lang sa kanya 'yun! At ikaw naman, diba binalaan na kita? Pero hindi ka naman nakinig kaya ayan ang napala mo. Bakit ba kasi ang tanga mo?! Hindi naman ako ganyan eh! Kanino ka ba nagmana ha?" - siya

"Eh mahal ko ate eh!" - ako

"Mahal mo? Tang-ina hindi ka nga mahal eh. Tigil-tigilan mo nga 'yan! Jusko Cael! Gusto mo bang mabuhay nalang ng ganyan?" sabi niya at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Ito na ang huling beses na sasabihin ko 'to sayo Cael. Ti-gi-lan mo na 'yan dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang-isip na ikaw naman ang sampalin ko ng sobrang lakas. Tandaan mo 'tong sinabi ko sayo." sabi ni ate at lumabas na siya.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon