J A Y L A N
"M-mahal kita Jay..."
Biglang nahimatay si Cael matapos ang pag-amin niya sa akin. Nataranta ako at agad na lumapit sa kanya at sinalo siya.
Nasaktan ko si Cael. Nasaktan ko ang babaeng bestfriend ko.
Hindi na ako masyadong nagulat sa ginawa niyang confession sa'kin kasi noon palang naman, halata ko na , na may gusto siya sa akin. Kaya nga pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kanya simula nung nagkagusto na ako kay Gwen. Kung napapansin niyo, hindi na kami madalas magkasama. Ayoko naman kasi siyang paasahin pero ang makulit na Cael, pilit pa rin ang paglapit ng sarili niya sa'kin.
At ngayon... nasaktan ko siya.
Oo, naiinis rin ako sa sarili ko. Alam ko namang masasaktan siya sa sasabihin ko pero itinuloy ko parin dahil kailangan. Ayokong masaktan pa siya ng husto.
Nasaktan ko na siya nung una palang at aminado ako doon. Hindi ko ipina-alam sa kanya ang panliligaw ko kay Gwen. Oo bestfriend ko siya at karapatan niya ring malaman 'yun pero mas pinili ko nalang na wag ipa-alam sa kanya. Ayoko kasing masaktan siya.
"Masaktan ba kamo Jaylan? Eh ano bang ginawa mo? Nasaktan mo na siya ano ka ba."
Peste, naiinis ako sa sarili ko. Pero parang mas dumoble pa ata ang sakit na pinaramdam ko sa kanya dahil sa desisyong ginawa ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit at pinunasan ang mga luha niya.
"I'm sorry..." bulong ko sa tenga niya. Ibinakay ko siya at dinala na siya pauwi.
Alam kong hindi matatapalan ng isang sorry lang ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Sana Cael... sana mapatawad mo ako. Masakit man pero kailangang tanggapin na hindi mo na ako papansinin pa. Tsk. Ang gago ko naman para sabihing wala sanang magbabago. Masakit at nakakapanghinayang man pero kailangan tanggapin na ngayon na magtatapos ang pagkakaibigan namin.
C A E L
(Time: 2:00 AM)
"Ugh... ang sakit ng ulo ko..."
Umupo ako at kinapa-kapa ang inuupuan ko. Teka, nandito na ako sa kama ko?
"Kami na ni Gwen, Cael..."
Kinuha ko ang unan ko at niyapos iyon ng mahigpit nang maalala ko ang mga sinabi ni Jay kanina.
Umiiyak nanaman ako.
"H-hindi ko kaya Jay... B-bakit ako pa ang ginanto mo?... B-bakit?..."
"H-hindi naman kita magawang sisihin kasi kasalanan ko rin naman 'to..."
"Bakit pa kasi ikaw ang minahal ko?..."
"Bakit Jay..."
Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa.
Tumayo ako at kinuha ang phone ko sa table. Napansin kong may maliit na papel sa tabi nito kaya agad ko itong kinuha at binasa.
I'm sorry Cael... Sana mapatawad mo ako...
Nilukot ko ito. Pinunit-punit ko at tinapon.
Bumaba ako at lumabas ako ng bahay. Wala akong pake kahit na mahuli ako ng barangay. Wala naman ng curfew kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/105359019-288-k738683.jpg)
BINABASA MO ANG
Faraway (ON-HOLD)
Dla nastolatkówTiming is everything. DATE STARTED: September 2017 Cover Illustration is not mine. Credits to the rightful owner.