CHAPTER 6

49 4 0
                                        

C  A  E  L

"Cael! Kakain na!" rinig kong tawag ni ate sa'kin mula sa baba.

Gabi na pala, hindi ko man lang namalayan. Mga ilang oras din akong nakahiga dito sa kama at nakatitig lang sa picture naming dalawa ni Jay. Maya-maya, naisipan kong sumulyap ulit sa phone ko.

"Himala? Hindi ata nagte-text si Zen?..." sambit ko.

Hays, ikakain ko na nga lang 'to.

"Pababa na po ate!" sagot ko.





Z  E  N  O

*kablag!* >> tunog ng pagsara ng pinto

"Zeno, honey! Ikaw na pala 'yan. Sisirain mo ba ang pinto natin? Araw-araw mong ginagawa 'yan ah." sabi sa'kin ni mama at hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo sa sofa. Binuksan ko ang tv.

"How's you're day with Trish?" tanong ni mama at dahil doon, parang nakarinig uli ako ng ugong.

Mababaliw na ata ako! Marinig ko lang ang pangalan niya nasisiraan na ako ng bait!

"Like hell ma! It's a damn hell!" sigaw ko habang mangiyak-ngiyak na. Si mama naman tinatawanan lang ako. "Mama naman eh! Ayoko po sa babaeng 'yun. Please naman ma! Masisira kinabukasan ko sa kanya eh. Mama please!" pagmamaka-awa ko kay mama.

"T-teka masisira ang damit ko sayo." sabi niya at binitawan ko na yung laylayan ng damit niya.

Ma! Magpapakamatay ako!

"Mama... please..." sabi ko ulit sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Zeno anak, magugustuhan mo rin si Trish." sabi niya.

"Ano ma? Wag mong sabihing dahil nanaman sa 'utang na loob' na 'yan kaya mo ginagawa sa'kin 'to? Ma naman eh! Hindi na uso ang arranged marriage! Wag niyo naman po akong ipilit sa taong hindi ko naman gusto!" sigaw ko.

Maya-maya, nag-iba na ang expression ni mama. Ang expression niyang lagi kong kinakakatakutan.

"Don't yell at me Zen! Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa kanila, may makakain ka ba ngayon? Kung hindi dahil sa kanila, may matitirahan ka ba ngayon? Kung hindi dahil sa kanila, matitikman mo ba ang marangyang buhay? Hindi Zeno! Kasi kung hindi dahil sa kanila, kung saan-saan nalang sana tayo pagala-gala ngayon. Kaya bago ka magparatang ng kung anu-ano Zeno, lingunin mo muna ang mga taong tumulong sayo..." sabi sa'kin ni mama at hinawakan niya ang kamay ko. "Anak... ginagawa ko lang 'to para sa'yo. Ayoko namang masira ang buhay mo ng wala pa tayo sa sariling bansa natin. Paniguradong mahihirapan tayong bumangon. Wag mo sanang isipin na isina-sacrifice kita. Ginagawa ko lang 'to para sa kinabukasan mo kaya sana naman maintindihan mo..." dagdag niya.

Nakayuko lang ako. Gustung-gusto kong sumagot pero hindi ko magawa kasi magulang ko parin siya eh. Nanay ko parin siya.

Kasalanan ko bang magloko dito sa Canada si daddy? Kasalanan ko bang makulong siya dahil sa mga kawalangyaang ginawa niya? Ako ang lahat na nagsu-suffer dahil sa mga ginawa niya! Tapos ngayon, ako ang kailangang magbayad?

May gusto kasi sa'kin ang anak ng boss ni mama at syempre dahil sa pesteng 'utang na loob' na 'yan, kailangan kong maggive-in. Wala akong magawa. Ang boss kasi ni mama ang tumulong sa amin para maka-ahon uli sa paghihirap dito sa Canada. Oo malaki ang ipinagpapasalamat ko sa kanya pero tao parin naman ako. May mga karapatan din ako sa sarili kong buhay.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon