CHAPTER 2

71 4 3
                                        

"Caeeeeel!"

(A: Ka-el po pronunciation ng name niya.)

"Huh?! May s-sunog?! Sunog ba kamo?!" tarantang sambit ko pagkagising ko.

*boink*

"Boplaks hindi! Kakain na tayo tanga! Alas dose na kasi pinapagising ka lang sa'kin ni lola." pasigw na sabi ni ate sa'kin. Ganyan talaga 'yan, harsh magsalita. Kawawa naman ako, kagigising lang natanga pa. Lapastangan!

"Aray ko naman!" sabi ko habang hinihimas ang parte ng ulo ko na binatukan niya lang naman.

Na-alimpungatan ako dun ah. Sigawan ba naman ako sa tenga? Akala ko tuloy may sunog na. Bwisit! Kanina yung network tapos ngayon si ate naman?! Haist!

"Bumangon ka na dyan ah! Maglalaba ka pa." huling habilin--este-- huling sinabi ni ate bago niya isinara ang pinto.

Hays. Nakatulog pala ako?

Hala! Pati pagpapakilala ko nakatulugan ko haha! Pasensya na mga iho at iha.

Ako nga pala si Yen Caellum Trinidad. Mamaya na 'yung ibang info tungkol sa akin dahil mahirap nang masigawan pa ulit ng ate kong matinis ang boses. Nakakatulig. Baka masiraan pa ako ng bait ng wala sa oras.

=___=

Pagkababa ko, dumiretso na ako sa hapag kainan at nilantakan na ang napakasarap na adobo ni lola.

"Hindi ka man lang nagmumog kadiri ka." sabi ni ate.

"Heh! Walang pakielamanan!"

Syempre, sa utak ko lang 'yan. Never ko pang sinigawan 'yan si ate. Mas matanda parin naman siya sa'kin at hindi naman ako bastos no.

"Gutom na ako eh." sagot ko at hindi na siya pinansin. Pagkatapos kong kumain, naligo muna ako at naglaba na.

Kaming dalawa ni ate, may mga schedule kami para sa gawaing bahay. Every 2 years lang kasi umuuwi si mama eh. OFW kasi siya. Si papa naman? Nah. Wala na akong balita sa kanya. Simula baby palang ako, hindi ko na siya nakita.

So habang ako'y naglalaba, ako'y nakanta.

"♪♪Tsuyoku nareru riyuu wo shitta...♪♪" -ako na habang feel na feel pa 'yung pagkanta. Ang ganda talaga ng Kimetsu no Yaiba no?

(A/N: Gurenge po 'yan. OST ng Kimetsu no Yaiba by LiSA <3)

"♪♪Boku wo tsurete susumeee--♪♪--sabi ko nga tatahimik na ako eh." nahinto nalang ako sa pagkanta ng bigla akong sigawan ni Aling Tina na napakasungit naming kapitbahay. Medyo napalakas kasi 'yung boses ko dahil syempre birit yung bandang dulo eh kaya dapat i-birit ko din. Mabuti nalang at hindi ako pumiyok.

"Ano ba 'yang pinagkakanta mong bata ka? Anong klaseng lengguwahe 'yan? Pakihinaan naman at nagpapahinga ako!" sabi niya. "Mga kabataan talaga ngayon kung anu-anong pinapakinggan." dagdag niya. 

"Hehe, pasensya na po Aling Tina! Galing nga po pala sa opening song ng isang anime 'yun for your information po." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ah anime 'yung mga cartoons? 'Yung anak ko mahilig din manood ng mga ganyan eh." sabi niya.

CARTOONS?! Sinabi niyang CARTOONS?! Aling Tina magkaiba ang anime sa cartoons! Pigilan niyo ako! Sigurado kapag narinig din 'yan ng anak niya, papagalitan din siya. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay sinasabihang cartoons ang anime. Magkaiba 'yun no! Grrr gigil mo ako Aling Tina.

Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya at binatawan ko ng medyo malakas 'yung brush na hawak ko. Hindi niya nakita ang ginawa ko dahil pinagpapatansyahan niya ang mga daliri niyang kaka-manicure lang.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon