CHAPTER 5

54 4 0
                                        

Z  E  N  O

"Haha you lose again, bro? The heck! You're so weak."

"Yeah, you cheated! That's why."

"What? No I did not!"

"Yes you did!"

"Kumain nalang tayo mga brooooo!"

"Heh! Kumain ka nalang diyan! Nag-aaway pa kami eh!"

"Yeah, zip it!"

"Teka lang mga bro, tingnan niyo si Zeno oh. Kanina pa siya ganyan eh. Huy Zeno..."

.
.
.

"Zeno!" sabay-sabay na sigaw nila sa'kin.

Ano ba?! Puro ugong lang tuloy naririnig ko ngayon dahil sa kanila!

"Ano?!" iritableng sigaw ko habang nakatakip pa rin ang mga palad ko sa tenga ko.

"Eh kanina mo pa kasi tinititigan 'yang cellphone mo tapos ngumingiti-ngiti ka pa. Napapa'no ka? Na-engkanto ka ba?" sabi ni Keith. Baliw talaga. Walang matinong lumalabas sa bibig putek.

"What's na-engkanto? Oh but yeah, he's right Zeno. We're playing here and you seem to have another business going on there." sabi ni Tyler na kaibigan naming taga-dito talaga sa Canada. As in dito siya ipinanganak at citizen siya dito. Pure Canadian din siya. Nakakaintindi siya ng tagalog pero hindi pa siya fluent sa pagsasalita.

"Tinawag ko na 'yan kanina eh pero may kausap pa siya sa phone nun." sabi ni Warren na nakaupo malapit sa may bintana. Dito nga pala kami naglalaro sa bahay nila.

"Don't tell me si Trish ang kausap mo kanina? Holy crap! Sinagot mo na siya?!" sabi ni Keith na umactive nanaman ang pagka-OA.

"Hindi no! Mamamatay muna ako bago ako mapasakanya." sabi ko sa kanila.

Sino ba si Trish? Siya lang naman ang babae na walang habas akong nililigawan! Hinaharass nga ako nun eh! Sino namang taong gustong makasama ang ganung uri ng babae? Wala diba? Gustung-gusto niya akong maging kanya kaya gagawin niya daw ang lahat para makuha niya ako.

"So if it's not Trish, then who?" tanong ni Tyler.

"An old friend of mine." sagot ko sabay tingin uli sa phone ko.

"'Yan tayo eh! Sino ba 'yan Zeno? Ipakilala mo naman sakin oh! I'm sure maganda 'yan!" sabi ni Keith.

"Heh! Manahimik ka nga! Baka i-chix mo lang din eh! Ayoko nga!" sagot ko sa kanya. Mahirap nang makilala nila si Cael baka mas madagdagan pa mga karibal ko. Tama nang si Jay nalang ang karibal ko. Nahihirapan na nga ako dun eh!

"Teka, sigurado ba kayong babae 'yan? Baka naman lalaki 'yan! Ano ba 'yan Zeno? Hindi pa ba kami sapat say--"

*wooooosssh!*

Binato ko si Warren ng unan pero nasalo niya.

"Hahahahaha!" tawa niya.

Eto kamong si Warren parang si Cael. Pagkamalan ba naman akong bakla?! Ako bakla? Sa gwapo kong 'to? No way!

Haist! Napupuno na talaga ako ah!

"HINDI NGA AKO BAKLA!" sigaw ko.

"Talaga?" pang-aasar pa ni Warren.

Aba at!

+_________+ >> binigyan ko siya ng isang matalim na death glare. Mamatay ka na sana!

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon