C A E L
Nagje-jetlag pa ako nang makabalik na kami sa Pilipinas at makauwi na kami sa bahay. Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa at nagbuntong-hininga in a good way, haha!
Grabe, napakasaya ng experience ko sa Canada. Sobrang thank you talaga kay ate! Madami din akong nabiling mga pasalubong. Syempre binilhan ko din si lola para pag-uwi niya, ibibigay ko sa kanya.
Sunday ng gabi kami nakabalik ni ate dito. Dumiretso din muna agad si ate sa kusina para ilagay lahat sa ref ang mga pagkaing nabili namin. Naisipan ko din na mag-open muna ng fb dahil baka may bagong posts si Zeno.
I was just really wondering the whole week kung nasaan sila nung last photo na pinost niya nung nasa Canada pa kami. Totoo nga ba talagang si Warren 'yung nakita ko? Naguguluhan na din ako dahil medyo naniniwala na din ako sa mga sinabi ni ate eh. Na baka magkaparehas lang sila ng cap. Sabagay, plain black lang naman 'yun at malamang merong kaparehas. Napaka-common lang naman talaga kasi nun.
"Cael." Tawag sakin ni ate.
"Ano 'yun te?" tanong ko at bumangon. Lumapit siya sakin at may pinakitang pastry sweets. May card na nakalagay doon at nakasulat ang letrang 'J'.
"Tama ba 'tong nasa isip ko? Para sa kanya ito?" naka-kunot noo niyang tanong sakin.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko din talaga alam sa sarili ko kung bakit naisipan ko pang bilhan siya ng pasalubong.
"Ano Cael?"
"Ano kasi ate--"
"Akala ko ba okay na?" tanong niya.
"Okay naman na talaga ate. P-Para naman kila Jade 'yan at sa mama nila. Si ate kamo." di mapakaling sagot ko. Nagdahilan nalang ako pero halos totoo din naman. Medyo madami 'yung nabili ko dahil para din naman 'yun kila tita, Jade at syempre kay Jay na din.
"Ako na magbibigay." diretso niyang sabi sabay punit nung card na nakadikit sa plastic. "Tsaka hangga't maaari, ayoko nang magkita pa kayo ni Jay." dugtong niya.
"Alam ko naman ate." sabi ko. "Tsaka hangga't maaari din, iniiwasan ko na din naman siyang makita sa school." dugtong ko. Umupo si ate sa tabi ko at niyakap ako. Nginitian niya ako pagkatapos at may inabot pa sa aking mga pagkain.
Napatango ako nang maalalang binilhan ko din pala ng pasalubong si Ate Wilma! 'Yung lagi naming pinagbibilhan ng polvoron noon ni Zeno. Syempre hindi ko siya nakalimutan.
"Palit lang ako ng tsinelas at ihatid ko lang muna 'to sa tindahan nila saglit." sabi ko kay ate.
"Okay. Pagbalik mo na tayo kumain." sabi ni ate at nagmadali na akong umalis.
*****
"Pabili pooo!" tawag ko sa tindahan nila.
"Ano 'yu—Cael! Nandito na pala kayo!" masayang salubong sakin ni Ate Wilma. Tinaas ko ang mga plastic na dala ko at ngumiti.
"Pasalubong po namin ni ate sa inyo, hehe." sabi ko.
"Naku, salamat!" sabi niya sabay amoy sa mga plastic. "Ang bango naman, amoy ibang bansa!" dugtong niya at natawa naman ako.
"Ate Wilma pabili nga po ng--" napatingin ako sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jay. Umiwas ako ng tingin at umusog ng konti para bigyan siya ng daan.
Napahinto din siya sa pagsalita nang makita niya ako. Bitbit niya ang bike niya at medyo pawisan siya. Baka kau-uwi lang nito galing training. Varsity na kasi siya ng basketball sa school namin.
"Ano 'yun Jay?" tanong ni Ate Wilma.
Napatingin ako sa kanya at napansin ko na parang wala siyang masabi. Na parang nakalimutan niya kung anong bibilhin niya.
"Uh--b-bibili po sana ako ng dalawang box ng polvoron. Pinapabili po kasi ni Jade." sabi niya.
"Ah sige iho, sandal lang kukunin ko sa loob." sabi niya at muling nagpasalamat si Ate Wilma sakin. Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Jay. Sakto naming balik ni Ate Wilma dala-dala 'yung dalawang box ng polvoron.
"Thank you po." sabi sa kanya ni Jay at tumingin siya sakin. "Halika na, hatid na kita sa inyo." sabi niya at nagpa-alam na din ako kay Ate Wilma. Hindi ako umangal mismo sa harap nila dahil baka magtaka si Ate Wilma. Nauna nalang akong maglakad at nakasunod lang siya sakin. Hindi kami nag-uusap dahil hindi din naman siya kumikibo.
May nadaanan kaming waiting shed at nagulat ako nang bigla siyang umupo doon.
"Grabe training, nakakapagod." singhal niya kasabay nang pag-inom niya ng tubig. Nagtataka lang naman akong nakatingin sa kanya. Hindi ko din alam ang gagawin ko. Gusto ko nang umalis pero bakit ayaw humakbang ng mga paa ko.
Nanatili lang akong nakatayo hanggang ayain niya akong umupo. Nagdadalawang-isip pa ako pero sumunod na din naman ako. Napapagitnaan naming ang mga box ng polvoron at nagulat ako nang buksan niya 'yung isang box.
Hindi ko alam. Ano ba 'to?! Nata-tanga nanaman ba ako?!
"Bakit mo binubuksan 'yan? Diba kay Jade 'yan?" nakita kong napangiti siya. Isang genuine na smile.
"I'm happy that you're talking to me again." sabi niya sabay abot sakin ng isang polvoron.
"Don't get me wrong, Jay." seryosong sabi ko sa kanya. "Hindi ibig sabihin nito--"
"I know." Nakayuko niyang sabi. "I'm just happy to hear your voice talking to me again." sabi niya.
Ano ba 'tong ginagawa niya? Tsaka bakit ako nakakaramdam ng awa sa kanya? Sobrang naging importante lang kasi nitong taong 'to sakin eh. Pero okay na ako. Ayoko nang makaramdam ng ganitong klaseng pakiramdam ulit. Ayoko na.
Inabot ko ang polvoron at tumingin sa kalsada.
"This bring back memories." sambit niya. "Wala paring pagbabago sa lasa ng polvoron ni Ate Wilma. Masarap parin." sabi niya nang mapansin niyang hindi naman ako nagsasalita.
"Nagkita nga pala kami ni Zeno." halos mabuga ko na ang pagkain ko nang sabihin niya iyon.
"Kailan?!" gulat kong tanong. Ngumiti siya pero parang lumungkot ang mga mata niya.
"Nung nakaraang araw lang. Ngayong week lang din." sabi niya.
"Nagpunta dito si Zeno?!" gulat na tanong ko ulit.
"Oo." sagot niya. "Kasama niya pa nga mga kaibigan niya." dugtong niya. Nanlaki lalo ang mga mata ko na para akong nakaramdam ng kaba at panghihinayang.
"Kailan pa?" tanong ko.
"I don't know." sagot niya. Nagtaka naman ako kung bakit hinihimas niya 'yung kaliwang pisngi niya. Sa itsura niya, parang may inaalala siya na masakit na pangyayari.
"Masakit ngipin mo?" inosente ko naming tanong at napatawa siya ng konti.
"Hindi." sagot niya.
"Ano pala?" takang tanong ko.
"Naalala ko lang kasi nung sinuntok ako nang malakas nung isa niyang kaibigan. I was so surprised that time." sabi niya.
"HA?!!!"
Talaga naming naiwang nakanganga lang ang bibig ko. Isa lang naman ang naisip ko na pwedeng gumawa nun sa kanya.
Si Warren.
"Si Zeno dapat talaga ang susuntok sakin pero napigilan siya ng mga kaibigan niya. Tapos bigla namang sumulpot 'yung isa at ayun." sabi niya.
"S-Sino 'yung sumuntok?"
Naghihintay ako ng sagot niya dahil huminto siya at natulala. Hindi ko din naman in-expect na itatanong ko 'yun.
"Warren."
Oh my God.

BINABASA MO ANG
Faraway (ON-HOLD)
Novela JuvenilTiming is everything. DATE STARTED: September 2017 Cover Illustration is not mine. Credits to the rightful owner.