CHAPTER 15

30 3 0
                                        

C  A  E  L

*teacher discussing*

"As you can see..." - ma'am

Walang pumapasok sa utak ko. Nag-aalala na ako kasi di na ako pinapansin ni Zeno.

Baka nagalit na siya sakin dahil sa sobrang pang-aasar ko sa kanya. Ilang araw na rin siyang hindi nagtetext sakin para kulitin ako.

Hays.

Oo na oo na. Hinihintay kong magtext sakin si Zeno. Nasanay na rin kasi ako. Natutuwa ako kapag nangungulit siya.

Maya-maya, natapos na rin ang klase kaya dumiretso muna ako sa canteen para mag-meryenda bago umuwi. Pagkarating ko dito, wala gaanong tao. Bihira lang kasi magmeryenda mga tao dito.

"Ate isa nga pong spaghetti." - ako

Pagka-ikot ko, may nabangga ako.

"Sorry po!" agad kong sabi. Pagkatingin ko, si Gwen ang nabangga ko. Kasama niya si Jay.

Ang sama ng tingin sakin ni Gwen na akala mo gusto niya na akong patayin sa mga tingin niya.

"Argh! Bitch." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko sa kanya yan.

Aba at walang hiya pala talaga 'tong babaeng 'to ah! Nag-sorry na nga ako at nasabihan pa akong bitch? Hindi ko naman sinasadya ah!

Mali. Mali ang pagkakakilala ko sa kanya. Akala ko iba siya sa lahat. Katulad din pala siya ng iba dyan. Alam niyo na 'yung mga babaeng ganun.

Si Jay naman, nakayuko lang.

Oh ano na Jay? Wala lang ba talaga sayo lahat ng pinagsamahan natin ni kahit ipagtanggol mo man lang ako sa babaeng yan hindi mo magawa?

Peste.

"Sino? Ikaw?" nakangising sabi ko kay Gwen sabay alis. Narinig ko na nagwawala siya doon. Pinagtitinginan na nga siya ng mga estudyante.

Hindi ako magpapatalo sa kanya no. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

Tsk. Nakakahiya siya.

Hindi nalang ako sa canteen kumain dahil baka hindi pa ako tantanan ng babaeng yun.

Nagkamali ka ng babaeng pinili Jay.

Nagkamali ka.




W  A  R  R  E  N

"W-What the hell? B-Bro?!" bulalas naming tatlo. Pati ako nagulat eh.

Anong nangyari Zeno? Akala ko ba pipigilan mo 'to?

Inakbayan ko si Zeno at hinila siya sa isang tabi.

"W-Where are you taking him?!" - Trish

"Shut up." iritadong sagot ko sa kanya.

Takte ang ingay ng bunganga eh!

"Zeno ano na? Bakit parang wala ka atang ginagawa? Akala ko ba kakausapin mo mama mo?" tanong ko sa kanya.

"Ginawa ko na ang lahat Warren. Ginawa ko na ang lahat pero wala. Wala na akong magagawa. Pagod na rin ako Warren eh." sabi niya.

"Ano bang sinasabi mo? Bro si Trish, diba ayaw mo sa kanya? At ayaw rin namin siya para sayo! Oo minsan pinagtutulakan ko siya sayo pero part lang 'yun ng pang-aasar ko. Pero bro, yung totoo, I hate her. I really hate her." sabi ko sa kanya.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon