C A E L
Nagitla ako ng biglang tumawag si Warren. Kumakain kami ng dinner at the moment kaya nag-excuse muna ako kila lola.
"Friend ko lang po. Hehe." excuse ko kila ate at lumabas na muna.
Sinagot ko naman na kaagad.
Siya: Hello. We need to talk.
Nakaka-kaba naman siya. Ano kaya yung sasabihin niya?
Ako: A-ano po ba 'yun?
Siya: Zeno is getting married.
Ako: A-Ano?!
Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi ko alam ang kailangan kong maramdaman. Dapat ba akong malungkot o dapat na maging masaya para sa kanya?
Kaya pala hindi na tumatawag at nagtetext sakin si Zen. Magpapakasal na pala siya. Sayang naman. Akala ko pa naman...
Sabi ko nga hindi ako aasa eh! Muntikan nang mahulog ang loob ko kay Zeno. Buti nalang at hindi pa gaano kasi baka nag-iiyak nanaman ako ngayon.
Siya: You heard it right. At eto pa ang mas nakakaloko.
Ako: Ano 'yun?
Siya: Inihabilin ka niya sa akin.
Natameme ako dun.
Ako: H-Ha? Anong ibig niyang sabihin dun?
Siya: Hindi ko nga alam eh.
Bigla siyang tumahimik at nagbuntong-hininga.
Siya: Bukas kasi aalis na siya dito sa Canada. Lilipad sila ni Trish papuntang California at doon na titira. Hindi na namin makakasama si Zeno... kahit kailan.
Bigla siyang suminghot. Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang sinasabi niya. Para na nga siyang maiiyak eh.
Ako: It's okay to cry...
Sabi ko sa kanya.
Siya: W-What the heck are you saying? I-I'm not crying! Hell no.
Ako: Sus. Wag mo na po itago. Hindi naman nakakabawas ng pagkalalake ang pag-iyak tandaan mo yan.
Siya: .....
Ako: Ayos lang yan... Hayaan mong ako naman ang magcomfort sayo ngayong araw na 'to. Makabawi man lang sa ginawa mo sakin noon.
Siya: What's into you? Bakit ang bilis gumaan ng loob ko sayo?...
Natameme nanaman ako.
Fudge fudge fudge!
The feeling is mutual OMG. Ganyan din ang naramdaman ko sa kanya.
Ako: Ah hehe--
BINABASA MO ANG
Faraway (ON-HOLD)
Novela JuvenilTiming is everything. DATE STARTED: September 2017 Cover Illustration is not mine. Credits to the rightful owner.
