Chapter 26

85 6 0
                                    

📁Case File 7:
Its Not Just The Husbands


“Nagdaan ang ilang taon naging maganda lang ang pagsasamahan nila not until lately. Nagbago bigla ang babae. Naku, napakaselosa. Lahat na lang ay pinagdudahang kabit ng asawa niya pati nga ako. Naku, di ako pumapatol sa bata.”

I glanced at Dome.

“At ayon nga, nitong nakaraang mga buwan, mas lalong lumalaki ang away nila. Grabe kung mambugbog si Joey sa asawa niya. Sinusuway nga namin minsan kasi nakakahiya sila. Di ba? At si Taron naman, naku, ngiti lang ng ngiti kahit apakaabusada ng asawa niya. Kung ako niyan, hiniwalayan ko yan!”

“Sabi po ng iba na may third party daw na involved? Totoong may kabit si Taron?” tanong ko. Si Dome kaya?

“Hija, si Taron ang pinakamabait na lalaking nakilala ko. Itinuring ko na nga yung anak, eh. Kaya sa bait n’on at mahal na mahal pa niya asawa niya, paano niya kayang magtaksil?”

“Well, men are men.”

“Men are men. But not all men can afford faithfulness. Kaya masasabi ko na hindi talaga siya ang nagpatay, eh. I mean, sa gabing yon, nasa itaas lang naman si Taron ng bahay niya at bumaba na lang noong may narinig na tunog. Paano ko nalaman?  Nalaman ko dahil sumilip ako.”

Ngumiti ako, “Thank you, Lola. “ I kissed her in the cheek.

“Naku, maliit na bagay lang yon para naman mabigyan ng hustisya si Taron.”

“Bakit?”

“Bakit si Taron ang dapat bigyan ng hustisya? Tuso ang asawa niya, hija. Alam kong di mo kilala pero tuso yon. Gusto niyan maging biktima sa lahat ng kasalanan niya.”

I bit my tongue, “How did you know?”

“Ten years is too long to not know someone deeply.” Wika ng matandang babae.

I proceeded back to the house. Lahat ng bagay na nandoon, ang mga nasirang bagay ay sinuri ko. Napasapo ako sa aking noo nang pumasok sa aking isipan kung ano talaga ang nangyari. Hindi ko mapigilang hindi matawa. This was fun, really. Mas lalo pa akong natawa when realizations seems so hit me so bad.

“This wasn’t Uxoricide.” I stated.

Nagulat si Dome sa pagtawa ko pero sanay na siya na ganito ako. Hinila ko ang thread na nakagapos sa likod ng fan.

“This was a…”

Patakbo habang habol namin ang hininga na nagtungo sa sasakyan namin. Dome took the driver’s seat. Binigay niya din sa akin ang kaniyang phone, tumawag daw kasi si Canon.
“Hello, Dad.” Si canon.

“Baby, papauwi na kami ni dad mo. Pero magstop muna kami sa korte saglit.” Sabi ko.

“Okay, mama. Don’t worry about me. Kuya Harvey is a good guy, mama. He woke me up and feed me with good foods!”

Sumulyap ako kay Dome na nakatingin lang sa kalsada. He glanaced at me too and smiled. Its already 10 . Mukhag papatapos na din kasi ang trial sa korte. Kailangan naming makapunta para hindi maparatangan ng maling krimen ang suspect.

“Okay, be good ka diyan.” Bilin ko sa aniya bago pinatay ang tawag.

Dome knows it all. Sinabi ko sa kaniya lahat ng dapat niyang  malaman para naman may tulong ako kung sakaling ma hotseat ako.

I slammed the large victorian doors open, making a loud bang when I hit the wall. Napalingon lahat ng tao sa gawi ko. Agad kong itinaas ang kamay with all the coonfidence I have. I was never wrong.

The She Detective (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon