Chapter 8

106 5 0
                                    

📁Case File 3:
Syringe

We were about to sleep, my husband and I, when we receive a phone call telling us that his mom was admitted to the city hospital. I don't wanna come since I was so tired from work but he forced me to.

At dahil nga mahal na mahal namin ang kaniyang mama, we hurried to the hospital kahit tulog pa din si Canon. Here it is, dahil nga ayaw kong bumuhat sa natutulog na bata, siya ang kumakarga nito habang tumatakbo kami papunta sa ward ni mama.

Mga babaeng nurse o mapasiyente man ay napatingin ata sa tumatakbong asawa ko. Who can't turn their heads to him?

He looks hot while carrying Canon in his arms in a hurry. Dang.

"Ma!" pasigaw na pagtawag ni Dome sa kaniyang inang nakahiga sa higaan ng sariling ward.

Because its a public ward, may mga kasama siya na tanging ang kurtina lamang ang nagseparate sa kanila.

I smiled when her gaze averted to me.

"Bakit mo pa dinala si Agatha at ang bata? Maaari namang isa lang sa inyo ang pumunta dito." natatawang tugon niya habang ginawaran siya ng halik ni Dome sa pisngi.

I approached her and gave her a warm hug. We both pulled ourselves away na may ngiti sa mukha.

"We were just concerned, Mama." mahinang sabi ko habang napasulyap kay Dome na nakatitig din sa kaniyang ina.

"Kamusta ang pakiramdam mo, ma?" tugon nito.

She shrugged, her eyes twinkled with starlights, "Maayos lang ang pakiramdam ko. Nahimatay lang ako kanina."

"Nahimatay lang?" pag-ulit ni Dome.

I giggled, "Silly. You had a cast on your arm. You didn't just faint."

Tumingin pa siya sa cast at napatawa, "Ay, basta matanda na, madali nang makalimot sa mga kamalasan ng buhay."

"Mag-ingat ka kasi sa susunod, mama. Tingnan mo, kaya nangyari yan sa iyo, eh." nakangusong tugon ni Dome habang maayos na pinahiga si Canon sa couch na nasa gilid ng kama. He looked around, wondering, "Nasaan pala si Papa?"

His mother shrugged, "Paano ko naman malalaman kung saang dulo ng empyerno na nakatayo ang iyong ama?" she even rolled her eyes.

Daring.

"Mama, bakit ba ang sama ng pakikitungo mo kay Papa?" nakasimangot na tugon ni Dome.

Mahina akong napatawa dahil sa kaniyang childish na reaction. Sumulyap siya sa kin saka pinandilatan ako ng kaniyang mga mata.

What's wrong with him acting like a child?

I scoffed at him and move towards Canon who was sleeping peacefully. Ang batang 'to. Hindi man lang nagising sa pagtakbo ng kaniyang ama kanina.

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan, Ylleot? Dapat ay yung ama mo at hindi ako. Sino bang nahospital sa aming dalawa ha?" buwelta nito.

"Calm down. Calm down. No one's mad here, mama." natatawang wika ng aking asawa sa kaniyang ina habang itinaas ang mga kamay na tila ba sumuko na siya.

"Aba, mukhang nahawa na ang anak ko sa kakaenglish mo, Agatha." natatawang sabi pa nito.

I giggled.

Hindi ko naman sinadyang mangyari yon.

Nagtawanan kaming dalawa dahil sa pagsimangot ni Dome. His mother loves teasing him kaya palagi siyang talo kapag nasa harapan niya ito.

Bigla na lamang akong napalingon sa labas nang makita ko ang pagpasok ng isang doctor. Sinundan ko ito nang tingin hanggang sa dumaan ito sa aming ward at pumunta sa kabila.

The She Detective (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon