01

1.8M 56.8K 179K
                                    


KIERRA


"Magkano ba 'yon... Ugh, nasaan ang phone ko?"


Nang suminag ang araw sa mukha ko, nagising kaagad ako. Saka ko lang napagtanto kung nasaan ako at kung ano ang mga pinaggagagawa ko kagabi. Napapikit na lang ako at napasapo sa noo ko. Ni hindi nga ako uminom. Wala sa plano namin 'yon pero... Bakit?!


Suot ko pa rin ang suot ko kagabi. Ingat na ingat ako dahil baka magising 'yong lalaki. Shet, sobrang awkward kung makita niya akong paalis. I mean... It was just a one night stand, right?! I should leave immediately!


Kierra... Paano ba nangyari 'to? Kumakain lang naman kami ng bingsu. We started laughing and talking about other stuff... and then the truth or dare.


The truth or dare!


Tama, dahil doon 'yon. I was not the woman I was yesterday.


Nakita ko nang naka-charge ang phone ko sa gilid, katabi ng wallet ko. I checked if may nawala sa wallet ko at wala naman. Inakusahan ko pa talagang magnanakaw 'yong lalaki sa utak ko.


I was searching for the menu of the restaurant I dined in last night, so I could pay for the food. The guy charged it in his room! Kailangan kong bayaran 'yon! Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa lalaking 'yon. Lalo na't hindi ko naman siya kilala. Mas okay nga na hindi ko siya kilala para makalimutan ko kaagad at makalimutan niya rin ako kaagad.


I just left four one-thousand bills on the side table before going inside the bathroom to wash my face and prepare to leave. Ang gulo ng buhok ko! I didn't expect all of that to happen.


"Puta," bulong ko sa sarili ko nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. "Mali... Maling-mali..." I regretted it a lot but it was not a bad night.


I was... distracted. For the first time after months, I wasn't crying at night because of Miguel. Nakalimutan ko na ngang may iniisip pala ako kahapon. Ang bilis ng oras at hindi ko napansin 'yon. For the first time... I wasn't thinking about him.


I had my breath of fresh air last night... but today, I went back to reality. Hindi ko habangbuhay kayang takasan ang nakaraan.


I went to the kitchen first and looked back at him, sleeping. "Ah, shit," I whispered to myself before doing something I never thought I'd do. I just wanted to leave something aside from my payment for the food I ordered last night. Tutal, naging masaya naman siyang kausap kagabi. Sobra-sobra na 'tong ginawa ko kaya wala na akong utang na loob!


Pagkalabas ko ng hotel room na 'yon, pinangako ko na rin sa sarili kong kakalimutan ko lahat ng nangyari kagabi. It was just for one night. I was someone else. I wanted to be free for one night... but it was all pretentious... dahil bandang huli, babalik din ako sa tunay na ako... iyong tunay kong nararamdaman. Wala rin.


What gave it away? Bakit nangyari 'yon? Bakit hinayaan ko? 'Yong kagustuhan ko bang patunayan sa sarili ko na... kaya kong gawin lahat? Iyon ba 'yon?

Our Yesterday's Escape (University Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon