31

586K 22.6K 57.4K
                                    


"Kung nakulong sana siya, hindi ako habangbuhay matatakot na baka pagpunta ko sa isang lugar ay naroon siya at makikita ko siya." 


Sumandal ako sa balikat ni Luna habang nakaupo kami sa may balcony. Undas break na pero narito pa rin kami sa condo at hindi pa umuuwi sa pamilya namin. Umiinom pa kami ng beer. 


"Bakit kaya ganoon 'no? Kung sino pa 'yong makasalanan, sila pa 'yong malaya," sabi rin ni Luna. Pareho kaming nakatingin lang sa harapan habang hawak ang bote. "Ano nang nangyari sa justice system natin?" 


"Sana... balang-araw, may mga successful nang lawyers na kayang baguhin 'yong sistema. Alam mo, umaasa pa rin ako na balang-araw, mapunta siya sa totoo niyang lugar," pagod na sabi ko. "Pero... ang hirap umasa sa sistema natin." 


Dahil biktima ako noon. Kung sana ay nakulong na siya noon pa... Hindi ko na sana siya makikita ulit. 


"'Di ba ang dami na niyang biktima? Nakakatakot na nasa labas pa rin siya at may chance na may mga isusunod pa siya. Hindi na talaga magbabago ang ugali ng taong 'yon. Habangbuhay na siyang demonyo. Tangina, dapat talaga roon binubulok sa kulungan. Sana pala nag-abogado na lang ako, Ke," pagbibiro niya sa dulo. "Ipaglalaban kita hanggang kamatayan." 


"Kung mayroon lang sanang tao na kayang gawin 'yan..." Napabuntong-hininga ako. "Pero wala... Pera-pera na lang at kapangyarihan, ano?"


"Malay mo... Dumating ang araw na hindi na sila kayang isalba ng posisyon nila." Humarap siya sa akin. "Hay... Gago talaga ng mga Villaflor. Lahat sila mga siraulo. Ginawa nang family business ang politika." 


They wanted to preserve the power within their family that they built for years. They established lots of connections for that to happen. Kaya nilang gawin lahat. Pati kasalanan ay kaya nilang takasan. Kahit ano pa 'yan, kaya nilang pagtakpan. Parang kinakalimutan na lang ang mga kasalanan nila. Nawawala na parang bula. Parang isang panaginip. 


"Kumusta na kaya si Sam?" tanong ko nang maalala ang balita sa magulang niya. "Nag-aalala ako roon dahil hindi na masyadong nakikipag-usap. Hindi rin siya nag-celebrate ng birthday. Palagi pa namang grand ang birthday niya at maraming tao. Sayang. Masaya sana 'yon." 


"Hay... Sayang nga. Alam mo naman 'yon, hindi naman talaga nagsasabi masyado 'yon. Ikaw... Nag-promise ka sa 'kin na sasabihan mo ako kapag masama ang pakiramdam mo o kapag hindi ka okay, ah," paalala niya sa akin. "Kapag talaga sinaktan ka ni Sundae... Susuntukin ko 'yon!"


Tumawa ako sa sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, ako na unang mang-aaway roon. Akala niya hahayaan ko lang siya?!" Sumimangot ako. 


"Ang taray naman ng cousin ko. Baka cousin ko 'yan," pang-aasar ni Luna. 


Sana nga mayroon ako ng tapang na 'yon kapag dumating ang araw na kailangan kong gamitin 'yon. Pinanghahawakan ko 'yon dahil pinapahalagahan ko ang sarili ko. Ito na lang din ang mayroon ako. 


"What's your plan for your birthday?" tanong ko kay Shan habang kumakain kami.


Our Yesterday's Escape (University Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon