"Isa sa mga kilalang tauhan ng Rizal Governor na si Matthew Villaflor, natagpuang patay sa tama ng baril sa Quezon City..."
Halos madura ko ang kinakain ko nang marinig ko iyon sa radyo habang nagda-drive pauwi. Nag-overtime ako sa office dahil sa dami ng kailangan kong tapusin. Ayan, Paris pa! Pagbalik ko ay isang damakmak na trabaho ang bumungad sa akin. Pabalik-balik pa ako sa mga site para mag-check ng progress nila roon.
Iyong take-out kong burger ang lunch at dinner ko dahil hindi na ako nakakain kanina. Gutom na ako kaya kinakain ko na habang nagda-drive pauwi.
"May pinatay na naman sila..." bulong ko at napabuntong-hininga. Ano na naman ang dahilan ngayon? Bakit ba nila ginagawa 'yon? Ang sasahol nila.
Pagkababa ko ng sasakyan ay nakasalubong ko si Shan sa may parking lot, may buhat-buhat na dalawang boxes na puno ng papeles. Nakasuot pa siya ng working attire niya at may dala ring leather briefcase na nakasabit sa balikat.
"Hello!" bungad ko nang lumitaw sa gilid niya. Bigla siyang napaatras at nahulog ang mga dalang box. Napaawang ang labi ko at agad siyang tinulungang pulutin 'yon. "Sorry!"
"No, I'm sorry. I was just so distracted," he said while picking up the papers.
"Ano b'ang iniisip mo?" tanong ko, sinusubukang basahin ang emosyon sa mga mata niya pero iniwas niya ang tingin sa akin.
"I'm..." Napabuntong-hininga siya at nilagay ang mga papel sa box. "I'm just so frustrated with work and everything going on."
"Tungkol ba 'to sa balita?"
He pursed his lips and slowly nodded. "It's so hard to fight in a place where you're surrounded by the allies of your enemies."
"Are you giving up?"
Napatitig siya saglit sa akin bago ngumiti at umiling. Tumayo kaagad siya at binuhat ulit ang dalawang boxes. "I will never give up," sabi niya sa akin at sabay na kaming naglakad papuntang elevator.
"Send me the CCTV footage along Katipunan Ave," sabi ni Shan sa kausap niya habang nakaipit ang phone sa balikat at tainga. Naglalakad na kami papunta sa unit namin. "Did you run the plate number already?"
"Laters," sabi ko sa kaniya bago pumasok sa unit ko. Mukhang abala siya sa trabaho niya kaya hindi ko na siya ginulo.
Pagkatapos kong mag-shower, nagbukas na lang ako ng chips at umupo sa tapat ng TV para manood ng romantic movie. Halos lahat ng bago ay napanood ko na kaya roon na ako sa luma. Korean movie na lang ang pinanood ko dahil wala na akong makitang iba.
Pero sa kalagitnaan ng panonood ko ay biglang may kumatok kaya pinause ko muna ang movie at pumunta sa pinto, dala-dala pa ang bag of chips ko. Hindi na ako nagulat nang makita si Shan na kaliligo lang dahil medyo basa pa ang buhok at laglag 'yon sa noo niya. He pushed it back using his hand before smiling at me. My heart just skipped a beat.
BINABASA MO ANG
Our Yesterday's Escape (University Series #6)
RomanceUNIVERSITY SERIES #6 Past experiences. Broken hearts. Present tragedy. Those are the things Kierra Ynares from UST Architecture and Shan Lopez from DLSU Psychology have in common. No matter how wretched their similarities are, they still found ways...