"Bakit ko naman gagawin 'yon? May ebidensya ba sila? Dinudumihan lang nila ang pangalan ko. Hindi ko nga kilala iyong suspect."
Napakagat ako sa mansanas na kinakain ko habang nakahiga sa sofa, kagagaling lang sa trabaho at muntik pang mabunggo ang sasakyan ni Prosecutor Lopez. Siya pala ang may handle ng case ni Amethyst ngayon dahil sa shooting incident. Lumipas na rin ang panahon pero tumatakbo pa rin ang kaso. Mabagal ang progreso nila.
"I bet ikaw ang nag-utos doon," inis na sabi ko habang pinapanood ang interview sa governor ng Rizal. Si Governor Villaflor.
Nahuli na nila ang bumaril kay Amethyst, pero wala silang ebidensya laban sa governor... Kahit ganoon, pinipilit nina Kalix na kasabwat siya roon. Ang sabi ni Luna ay dine-deny daw lahat noong suspect na si Mackoy ang ugnayan nilang dalawa ni Villaflor kaya walang masampang kaso sa kaniya. Ang main suspect lang talaga ay si Mackoy. Malaya pa rin si Villaflor hanggang ngayon.
"Malamang ay ide-deny. Papatayin n'yo 'yon para hindi kayo ilaglag lahat," bulong ko na naman.
Alam na alam ko na ang mga mangyayari diyan. Hindi madaling kalaban ang mga Villaflor. Halos lahat silang pamilya ay nasa politika na. Marami silang hawak na lugar. Malakas ang kapit nila kaya confident sila palaging gumawa ng kasalanan. Mabagal pa ang progreso ng kaso.
"Para sa mga sinusubukan pa ring sirain ang pangalan ko, ako ang magsasampa ng kaso sa inyo," sabi ng governor. "Abangan n'yo lang. Huwag n'yo akong dinadamay riyan sa nangyari at wala naman akong alam diyan. Nililinaw ko lang dahil tinanim n'yo sa publiko ang idea na 'yan kahit hindi naman totoo. Puro kayo lies!"
Napasapo ako sa noo ko. Pagulo na nang pagulo ang nangyayari sa gobyerno. Balita ko kay Luna ay sobrang stressed tuloy nina Kalix dahil sa nangyayari. Ngayon, gumugusto pa ang governor na sampahan daw sila ng kaso! Minasahe ko ang sentido ko pagkapatay ko ng TV. Ayaw ko na nga 'yon marinig.
Kinabukasan, as usual, ay pumasok ako sa trabaho bilang Assistant Manager ng Architecture department sa Valeria Group. May maaga akong meeting para sa panibagong pinapagawang commercial building sa Taguig.
"Hello, I'm Architect Ynares. We talked over the phone," pakilala ko roon sa client nang pumasok siya sa meeting room. Mag-asawa silang mayaman na gustong magpagawa ng commercial building for extra income. Marami pa silang ibang properties.
I presented some past designs para mas makuha ko kung anong klaseng concept ang gusto nila. Medyo tumagal ang meeting dahil hindi pa rin sila concrete sa gustong gawin kaya pinatawag ko muna ang isang team para pumalit sa akin dahil may susunod pa akong meeting with another client.
"Grabe, Mommy, pagod na ako. Mag-quit na kaya ako tapos ako na lang mag-handle ng Valeria High?" pagbibiro ko kay Mommy nang mag-lunch kami sa labas. Busy ang parents ko dahil trip nila ngayong mag-travel-travel sa kung saan-saan. Nakakainggit naman sila ni Daddy! Sana ako rin ay maraming oras para mag-travel nang ganoon.
"Kaya pa naman namin ni Daddy mo. Kapag nawala na kami, automatic namang sa 'yo mapupunta 'yon," sabi niya naman sa akin.
BINABASA MO ANG
Our Yesterday's Escape (University Series #6)
RomanceUNIVERSITY SERIES #6 Past experiences. Broken hearts. Present tragedy. Those are the things Kierra Ynares from UST Architecture and Shan Lopez from DLSU Psychology have in common. No matter how wretched their similarities are, they still found ways...
