28

758K 25.9K 71.7K
                                    


TW: abuse, suicide


KIERRA


"But before you answer, I want you to listen..." 


Nilagay ko ang daliri ko sa labi ni Shan para hindi siya makapagsalita. He pursed his lips and quietly nodded, waiting for what I was about to say. 


"I know that we have been spending a lot of time together, at kilala mo na ako sa kung ano ako ngayon. Pero gusto kong mas makilala mo pa ako sa kung ano ako dati... I want to tell you about me... from the start." 


He nodded again and held my hand so he could pull it away from his lips. He gave me a small assuring smile to tell me that he was going to listen to everything I was about to say. I took a deep breath and started. 


"Where should I start? Well... I was seven noong nalaman ko ang concept ng love and crushes." I laughed a bit. 


"Yiee, teacher, crush ni Hans si Kierra!" 


Napakurap ako habang hawak ang colored pencil, naguguluhan sa pinag-uusapan nila. Naka-pigtail ang buhok ko at malinis ang uniform ko. Art subject kaya naman masyado akong naging abala sa gawa ko. Ang pinakamaganda ang gawa, idi-display raw sa labas ng room. Gusto kong maraming makakita ng gawa ko! 


"Kanina pa po siya nanghihiram ng colored pencil kay Kierra, oh!" pagsusumbong ulit ng kaklase ko. Inosente akong napatingin sa teacher ko na tumatawa lang. 


"Hindi ko kaya siya crush!" tanggi kaagad ni Hans, iyong seatmate ko. 


"Teacher, ano po 'yong crush?" Tinaas ko ang kamay ko, hawak pa ang colored pencil. 


"Crush 'yong hinahangaan mo ang tao, Kierra," malambing na sagot ng teacher. Napaawang ang labi ko at napatingin kay Hans. Hinahangaan niya ako?! Unti-unti akong napangiti. May humahanga sa akin?! 


"Gusto mo ba ang drawing ko?" excited na tanong ko at pinakita sa kaniya ang paper. Hinahangaan niya ba ako dahil gusto niya ang gawa ko? 


"H-hindi! Ang pangit!" Tumayo siya at agad naglakad paalis. Nawala ang ngiti sa labi ko at tumingin sa kaklase ko. 


"Crush ka lang ni Hans kaya ka niya sinusungitan!" 


Iyon ang tumatak sa isipan ko. Kapag may crush sa akin 'yong tao, masama ang ugali nila sa akin at lagi nila akong inaasar. Naisip ko tuloy na ayaw kong magkaroon ng crush dahil ayaw kong maging masama sa iba. Sabi ni Mommy, bad daw 'yong nakikipag-away kaya ayaw kong magka-crush. 


"Ma'am, ako! I know the answer!" Tinaas ulit ni Luna ang kamay niya. First year highschool at bibong-bibo ulit si Luna. 


Having Luna as my cousin and classmate challenged me a lot. Being with her would just automatically make you want to bring out your best. Ayaw kong mapag-iwanan. My parents never compared me to Luna... pero kapag kasama mo siya, mararamdaman mo talagang may pressure that will push you to do better. 

Our Yesterday's Escape (University Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon