43

781K 29.5K 110K
                                    


"Ke... Hindi ka pa rin ba kakain? Sige na, oh..." 


Hindi ko pinansin si Luna. Nakapikit lang ako at nakatalukbong ng kumot habang nakahiga sa kama. I was facing the other side. 


Ang bigat. Wala akong ganang gumalaw. Hindi ako nagugutom. Wala akong nararamdaman kung hindi sakit. Napakasakit. Buong gabi, buong araw akong umiiyak. Kahit pakiramdam ko wala na akong luhang mailalabas, maalala ko lang ulit na... na wala na siya... Wala na. 


Tumulo na naman ang luha ko. Nanatili akong nakapikit habang mahinang humihikbi. Wala akong kinakausap na kahit sino. Sinubukan na nilang lahat pero ni isa sa kanila ay hindi ko nilingon. I just wanted to be in this bed forever. I wanted to be gone. 


I passed out after crying so much in the morgue. When I woke up, I was already home in my condo. Isang araw na akong narito, nakakulong, at hindi kumakain. Wala na akong pakialam sa trabaho. Wala na akong pakialam sa kahit ano. 


"Si Kuya Roel, butler nina Elyse... Siya 'yong nag-aasikaso ng funeral services, dahil ayaw ni Elyse. Hanggang ngayon, ganiyan din ang kalagayan niya. Ayaw niyang lumabas, ayaw niyang kumain. Baka dalhin na siya sa hospital dahil... buntis siya..." pagkekwento ni Luna nang maupo sa tabi ng kama.


Mas lalo akong naiyak nang marinig ang mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung gusto ko bang marinig 'yon dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Iniisip kong narito pa rin siya... nasa kabilang unit lang. Hinihintay niya ako. 


"Kalix... is busy... 'Yong huling kausap ni Shan ay si Governor Villaflor. May nakita rin silang messages sa phone niya at iba pang ebidensya. Sasalang siya sa korte... We're making sure of that," pampalubag-loob niya sa akin.


Nang marinig ko ang pangalan ni Kalix, naalala ko ang flash drive na binigay sa akin ni Shan. Inalis ko ang kumot at naglakad papunta sa may living room. Kinuha ko ang flash drive sa paso at tumingin kay Luna.


"Ano 'yan, Ke?" She looked hopeful that I was finally moving.


"Pakibigay kay Kalix. Ayaw ko nang makita kung ano ang nasa loob niyan. Shan..." I almost cried when I mentioned his name. "...worked hard for that. Sa tingin ko, mga ebidensya pa 'to laban kay Villaflor."


Inabot ko sa kaniya ang flash drive at humiga ulit. Tinalikuran ko siya at umiyak. Ang dami kong emosyon na nararamdaman. 


I wanted to get mad at him. I knew this was going to happen... We knew... that it was going to happen. Sana pala isinantabi ko na lang lahat ng iniisip ko at pinigilan siya. Sana naging sakim na lang din ako... Kung ganoon, baka hanggang ngayon, narito pa rin siya sa tabi ko. 


"Let Shan finish what he was fighting for..." sambit ko, tinutukoy ang flash drive. "Make sure it will not go to waste. Never."


Tumayo si Luna at iniwan ako. Pagkaalis niya ay umiyak na ulit ako. Habang palalim nang palalim ang gabi, palakas nang palakas ang iyak ko. I scrolled through my phone and looked at our pictures together. Mas lalo lang akong umiyak. I screamed in agony while hugging a pillow. The pain just would not go away. Basang-basa na ang unan ko. Pawis na pawis na rin ako but I just cried all the pain out. 

Our Yesterday's Escape (University Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon