"May nangyari ba sa 'yo? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Bakit nag-iba ang suot mo?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Luna pagbalik ko sa reception. Patapos na iyon at nagra-wrap up na lang ang host. Nakasuot lang ako ng floral dress na fit pa rin sa theme ng kasal, kaysa naman doon sa suot ko kanina.
"Nabasa ako ng ulan kaya nagpalit ako," sabi ko sa kaniya. Iyon naman ang nangyari. Nag-iwan lang ako ng ibang detalye.
Nakatulala lang ako hanggang sa dulo ng program, iniisip 'yong ginawa ko. Ano bang pumasok sa utak ko at hinayaan kong mangyari 'yon? Did I just forget what he did to me? Ni hindi pa nga niya sinasagot ang mga tanong na namumuo sa isipan ko. What happened between him and Miguel? Connected ba 'yon sa kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin?
Napasabunot ako sa buhok ko, sising-sisi sa nangyari. I was trying to avoid him at all costs. For years, kahit magkakasama ang mga kaibigan namin ay sinusubukan kong huwag maging malapit sa kaniya.
Gusto ko pa rin ba siya?
Mahal... ko pa rin ba siya? Even after everything he did?
Iyon ang problema. Bakit minamahal ko pa rin siya kahit iniwan niya ako? Bakit minamahal ko pa rin siya kahit sinaktan niya ako? Kahit sinabi niyang ginamit niya ako?
Pero... bakit din kasi lapit siya nang lapit? I told myself that I will just let it be because he should be the one bothered by my existence... that I did nothing wrong. Wala naman talaga akong ginawang masama. I just loved him our whole relationship... pero bakit ramdam ko pa ring ako 'yong natalo sa aming dalawa?
I was getting so frustrated with what happened and with myself that I had the urge to cry. Pinigilan ko 'yon dahil celebration 'to ng kasal ni Elyse at Sevi. Hindi dapat ako umiiyak dito. Dapat magmukha akong masaya. Ayaw kong makasira ng mood ng iba.
Tapos na ang program pero nanatili pa ang ibang bisita para makipag-bonding sa isa't isa. Napatingin ako kay Shan na bumalik na sa reception, nagpalit na rin ng damit. Dumeretso siya sa table nina Helen at nakipagbiruan doon na parang walang nangyari.
Kumakanta na ulit si Via at Arkin sa harapan habang abala ang mga guests na nakikipaghalubilo sa isa't isa. Wala ako sa mood kaya nakaupo lang ako roon, mag-isa sa table. Umalis kasi sina Luna para puntahan ang mga partner nila at magpakilala sa ibang bisitang naroon.
Sinundan ko ng tingin si Shan at nakitang pinapakilala siya ni Elyse sa isang babae. They shook hands and smiled at each other. Naiwan na rin silang dalawang nag-uusap doon. Malayo ako kaya hindi ko alam kung ano ba ang pinag-uusapan nilang dalawa, pero lumalapit pa sila sa isa't isa kapag hindi magkarinigan.
Napailing na lang ako at uminom ulit ng champagne. Magsasalin na ulit sana ako nang maupo si Theo sa tabi ko at siya na ang nagsalin sa baso ko.
"Okay ka pa?" pangungumusta niya sa akin.
Ngumiti ako nang tipid sa kaniya at umiling. "Napapaisip lang."
"Tungkol saan?" Lumagok din siya ng champagne.
BINABASA MO ANG
Our Yesterday's Escape (University Series #6)
RomanceUNIVERSITY SERIES #6 Past experiences. Broken hearts. Present tragedy. Those are the things Kierra Ynares from UST Architecture and Shan Lopez from DLSU Psychology have in common. No matter how wretched their similarities are, they still found ways...