41

636K 25.1K 109K
                                    


"Sam, I love you... and I am thankful to spend the rest of my life with you."


Hindi na namin maasar ang pag-iyak ni Sam dahil kasal na niya 'tong iniiyakan niya. Wala pa siguro sa kalahati ng vow ay umiiyak na siya sa sobrang saya at touched sa mga sinasabi ni Clyden. I witnessed another scene that could prove their genuine love for each other. 


Sobrang saya kong ma-witness na nakakaranas ng ganitong pagmamahal ang mga kaibigan ko, at narito ako para masaksihan 'yon. Parte ako ng kasiyahan nila. Parte kaming lahat ng kasiyahan ng isa't isa. 


When they sealed it with a kiss, I clapped my hands together with the others. Their wedding was beautiful and elegant, perfect words to describe them. Ang maid of honor ay si Yanna, at ang best man naman ni Clyden ay ang kaibigan niyang si Ridgen. Nandito rin 'yong kaibigan niyang si Eva, sumunod lang tapos uuwi lang din ulit dahil kailangan siya sa hospital. 


Pati sa reception ay napakaganda rin ng design. It was outside, on a big balcony with a view of the Eiffel Tower. 


While the others were still eating, pumunta ako sa dulo ng balcony, dala ang champagne glass ko. Sumandal ako sa may stone fence at kumuha ng litrato ng Eiffel Tower kasama ang glass. Iyon lang, pagkakuha ko ng litrato ay sumandal si Shan sa tabi ko at nasama pa siya sa picture. Tinago ko kaagad ang phone ko at umiwas ng tingin. 


"I'm sorry about last night," sabi niya habang nakatingin sa malayo. May hawak naman siyang whiskey glass. Mabagal niyang ginalaw ang baso para umikot din ang whiskey na nakasalin doon. 


"The kiss or the confession?" Napalunok ako, hindi alam kung alin doon ang sagot na gusto kong marinig. 


"Both..." Napayuko siya at tumingin sa baso niya. "It just feels so... wrong, given the situation." 


"Pagkakamali 'yon sa 'yo?" Natawa ako nang sarkastiko. I never felt sorry for that kiss. Embarrassed, yes, but I never saw it as a mistake. We wanted that... At least I knew that I did. Pati ba 'yong sinabi niyang mahal niya pa ako, pagkakamali lang ba 'yon?


Napailing siya at pekeng tumawa. "Loving you was probably the best thing I did."


"Then why are you sorry for it?" 


He looked at me and gave me a small smile. "Because you don't feel the same." 


Hindi ako nakapagsalita. He got me there. Hindi man lang ako nag-abalang itama siya sa akusa niya sa akin. 


"I am sorry for it because... after everything I did, I still continued loving you, at alam kong mahirap 'yon para sa 'yo. You know, Ke..." Pinamulsa niya ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakataas sa dibdib at may hawak na baso. Nakatingin lang siya sa harapan. "I am longing for you. I want to hold you so badly... I want to be with you again, but I know that I can't, and I know that it will just make everything hard for you and I. It pains me in the chest. I can feel it everytime you are near me, because I want to be close to you but I can't and it's frustrating me that it hurts so bad..." 

Our Yesterday's Escape (University Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon