37

560K 22.5K 76.9K
                                    


"Everything's ready! Pila na, bridesmaids!" 


Inayos ko ang suot kong dress at ang mga maliliit na bulaklak na nasa buhok kong naka-braid mula taas hanggang sa dulo. Mahaba pa naman ang buhok ko. Pare-parehas kami ng ayos para sa fairytale wedding na 'to. Sa magandang garden siya ginanap at puro bulaklak sa paligid. It looked enchanting. Ang ganda ng venue at ang ganda ng mga design. 


Kasal na naman! Ito na naman ako, uma-attend ng kasal, pero hindi ko dapat ma-miss 'to dahil kasal na 'to ni Sevi at Elyse! 


"I like the music," sabi ni Sam, excited nang maglakad. Pinapatugtog kasi ang theme song ng Beauty and the Beast. 


"Si Elyse 'yong beauty tapos si Baste 'yong beast." Nagpatawa si Yanna kaya hindi namin mapigilan humagalpak sa kakatawa habang nakapila kami. Napagalitan pa tuloy kami noong event organizer. "Beauty and the Baste." Mas lalo kaming nagtawanan sa panibagong joke na 'yon.


"'Na mo, Yanna," sabi ko at napatakip sa bibig ko para pigilan ang tawa ko. Hindi pa rin kami maka-move on sa joke na 'yon at hanggang sa paglalakad sa gitna ay pinipigilan ko ang tawa ko. 


"Ke, huwag kang tumawa," rinig kong sabi ni Via sa likuran ko. "Natatawa rin ako." 


Mabuti na lang ay lumiko na ako sa mga upuan at lumiko na rin siya. Roon kami nagkatinginan at sabay umiwas ng tingin para hindi matawa. Seryoso pa naman si Sevi na naghihintay roon sa dulo ng red carpet. Sorry, Sevi.


"Shush, ayan na siya," sabi ni Yanna sa amin. 


Lumingon kaming lahat kay Elyse na dahan-dahang naglalakad sa red carpet. Halos mahulog ang panga ko sa sobrang ganda niyang tingnan! Ang ganda rin talaga ng gown niya. Off-shoulder iyon at para talaga siyang Disney princess. May mga design na bulaklak at butterflies iyong gown.


Nakahawak siya sa braso ni Shan habang naglalakad silang dalawa hanggang sa marating ang dulo at kay Sevi na humawak si Elyse. Natahimik na kami noong nagsimula na ang ceremony. 


"Ibigay n'yo na kay Sam 'yong tissue para hindi na siya mahirapan mamaya," sabi ko kaagad. Tumawa naman sila at inabot ang tissue. 


"Hey, I have my own," pagtatanggol ni Sam sa sarili niya. Mayroon nga siyang dala at pinakita pa sa amin. 


"Guys, grabe, ikakasal na talaga siya." Luna leaned forward para makasingit sa usapan namin. Nasa may likurang upuan kasi namin siya dahil hindi siya kabilang sa bridesmaids. "Hindi na natin siya pwedeng asarin na wala siyang jowa." 


"Ikaw lang naman ang nang-aasar, Luna," sabi naman ni Via. 


Nakakaiyak na nakakatawa 'yong vows nila sa isa't isa. Todo iyak na naman sina Luna at Sam. Dahil sa hitsura ni Luna ay hindi tuloy tumulo ang luha ko at natawa na lang. Halos maubos na nila ang tissue kakaiyak. 


Nagpalakpakan kami pagkatapos ng kiss the bride. Ang reception ay sa parehong lugar pero sa ibang garden kaya hindi na kami nahirapan pang pumunta roon. Mas namangha ako sa reception dahil ang ganda. May mga floating lanterns pa roon at ang daming fairy lights sa mga puno. 

Our Yesterday's Escape (University Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon