Chapter Nine

318 20 13
                                    

Chapter Nine

∞♥∞♥∞♥∞

Chapter dedicated to @ImlazyEl ;) Yow hahaha

 ∞♥∞♥∞♥∞

If there’s one thing in this world that I hate, it’s confrontations.

Never kong ginusto ang maipit sa isang usapan na di naman talaga dapat pinaguusapan. Dapat ibinabaon na lang at hinahayaang mabulok sa hukay panghabang buhay dahil mayroon talagang mga bagay na kinakalimutan at di na dapat binabalik balikan.

Ang lalim naman talaga ng pinanghuhugutan ko, di ko na siya ma reach. Well, ni daliri ko nga sa paa di ko na masyadong mareach ito pa ba namang hugot line ko?

Pero in all seriousness, hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema nitong lalaking ito, siguro nakakain ng panis na pandesal kaya feeling close na naman.

Rhamiel kept sending all this damn signals na para bang bagyo na nagdadalwang isip kung susugod ba at maninira o hahayaan na lang ang mga tao na ienjoy ang araw nila.

Nakakainis at nakakacurious din naman.

Sino ba naman ang hindi makikiliti ang kuryosidad, Rhamiel has been one of my closest childhood friend. Noong panahong cute pa ang pagiging mataba ko at hindi pa uso and salitang bullying kasi medyo sablay sa english ang mga classmate ko nun, pambabara lang ang alam nilang word.

Pero back sa current problem ko ngayon, parang scene lang sa twilight ang nangyayari dahil kaming apat, ako, si Luigi, Cassidy at Rhamiel ay nauwi sa isang staring contest. Ok sana kasi kahit gaano kabigat ang galit na nararamdaman ko kay Rhamiel, may mukha pa rin itong maipagmamalaki at hindi nakakasakit ng mata ang pagtitig sa kanya.

“Bakit kailangan alone? Hindi ba pwedeng sabihin mo na habang nandito kami?” singit naman agad ni Luigi na salubong ang kilay at medyo iba ang tingin kay Rhamiel.

Ano ba ito, napapaligiran ako masyado at nakakasuffocate ang tensyon na nakapaligid ngayon.  Nakakunot na din ang noo ni Rhamiel at mukhang ready na siyang manapak dahil nakaporma na ang kamay niya. Napaka war freak talaga.

“Kailangan ko na kasing umuwi, sabi din ni nurse Mario kaya siguro next time na lang?” sabat ko para malihis ang usapan at di mauwi sa sakitan and dalawang ito.

If it was a different time, siguro nasigawan at napatikim ng lagapak na sampal sa mukha itong si Rhamiel sa sobrang kapal ng mukha niya pero dahil sa katiting na malasakit na ipinakita niya kanina, baka sa ngayon kalimutan ko muna na isa siyang walang kwentang tao, ngayon lang naman.

But if there’s one thing I know about this guy, is that he never quits.

“I just need a moment, hindi naman magdamag eh.”

Parang batang hindi nabigyan ng kendi ang expression ngayon ni Rhamiel at bakit ganun, kung ibang tao baka nagmukha na silang katawa tawa, lalo na siguro kung ako yun pero sa kanya parang nagmultiply pa ang level ng pagkagandang lalaki niya.

Nakakainis, hindi ako dapat nakakaramdam ng awa sa kanya kasi hindi naman siya naawa sa akin noon. Ano ang nagyari at nagbago bigla siya, bipolar kaya itong lalaking ito?

“Hapon na din, baka nagaalala na si papa. Bye.” Kahit papilay pilay na ang lakad ko, sinubukan ko pa ring dumistansya kay Rhamiel.

Napabuntong hininga na lang ako ng mapansing hindi na siya sumunod pa sa amin pero pansin ko agad ang tingin na ibinigay sa akin ng magkapatid.

Ng makalabas kami ng school, may tumigil na magarang kotse sa harapan namin at akala ko natrapik o naplatan lang kaya huminto pero bumukas ang pinto sa drivers seat nito at lumabas ang isang lalaki, binuksan agad nito pintuan sa may likuran ng sasakyan.

Mataba ako, and so?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon