Chapter Twelve

97 13 7
                                    

The usual mga bes, uulan ng update bago mag new year hahaha, dedicate ko chapter sa pinakamasipag magcomment. Xx

~*~
Nagkaroon na ba kayo ng hilig o passion kung saan buong puso mong ginagawa at ayaw mong hindi ibibigay ang 100% mo sa ginagawa mong yun? Para sa akin ang bagay na iyon at ang pagsasabuhay ng mga karakter sa isang play. Mahilig ako mag act pero hindi ang klase na pang showbiz kung hindi pang theater. Hindi lang naman sa pagkain ako mahilig, noong bata pa ako hilig na ako magbasa ng libro na medyo makaluma na. Romeo and Juliet, Hamlet, Ibong Adarna at kung anu ano pa kasi kumbaga sila ang ancestors ng mga Harry Potter, Mortal Instruments at mga pasabog na storya ni Stephen King.

Kaya ganun na lang ang dedication ko sa pagtuturo kay Luigi ng tamang way ng pagarte.

"Balikan mo nga ulit yung scene, yung kanina parang hindi naman inlove si Romeo kung iact mo." Inis na sabi ko kay Luigi habang makailang ulit naming balik balikan ang part kung saan ihahayag dapat ni romeo ang feelings niya para kay Juliet.

"Anong magagawa ko sa di pa ako nakakaranas mainlove, malay ko kung paano iarte yon." Buntong hininga ni Luigi.

Nasa may gilid kami ng gymnasium at since study break naman, naisip kong gamitin yun para mapractice siya. Ilang araw na akong nakabalik sa school at parang normal lang din naman, wala namang kakaibang nangyari except sa usual na paguusap ng mga tao na akala mo'y hindi ko alam na tungkol sakin. Siguro hindi ko nga alam kung dahil pa rin ba sa mga bilbil ko o baka naman dahil sa bagong kaibigan ko.

Everybody really liked Luigi, bukod sa itsura niya na pang front cover ng mga magazine eh napakasayahin pang tao. Palagi na lang nakangiti na parang walang iniisip na kahit anong problema, nakakahawa pa minsan. Kaya ganoon na lang kung paano siya kaibiganin ng marami pero parang wala naman siyan pakialam sa lumalaking instant stardom niya. Parati na lang nakabuntot sa akin at nagpapalibre pagkatapos ng klase niya kaya ang ginawa ko, dinadalhan ko na lang lagi siya ng mga binabake ko, sinuswerte siya, balak pa niya ubusin allowance ko.

Di ko nga alam kung malulungkot ako o matutuwa kasi kinilo ko ang sarili ko kanina at mabawasan ako ng isang, isang kilo which is never nangyari in my whole overweight life. My train of thoughts was suddenly disrupted by a hand being waved at my face.

"Hello, may kausap pa ba ako?" Nakakunot ang noo na sinabi ni Luigi.

I suddenly remembered what he said already about not having any experience in love kaya kung umarte siya ay parang taong nagpipigil lang ng paglabas ng masamang hangin, it's that horrible.

"What do you mean na hindi ka pa naiinlove?" Nagtatakang tanong ko.

Siguro kung 30 kilos more si Luigi gaya ko, pipilahan parin siya ng mga babae, ngayon pa kaya na kahit hindi naman malaman ng muscles ang katawan eh ayos pa rin at bagay sa mukha niya.

"I mean I just never been inlove." Kibit balikat niyang sagot habang kinakalkal ang bag ko na hindi ko naman napansin na kinuha niya. Inagaw ko ito at inilayo which made him pout like the real 5 year old that he is.

"Yang mukha mo yang hindi ba nagkakajowa ever. Pinagloloko mo ata ako."

He just rolled his eyes at nahiga na sa bench.

"I'm not lying, talagang wala pa." Nakapikit na siya ng sagutin ako na parang may malalim na iniisip. Napaseryoso din naman ako bigla dahil kita naman na di siya nagjojoke but it seems impossible that he never even remotely found anyone attractive.

"Bakla ka ba?" Bigla kong natanong dahil that could be the only logical explanation. It's either lalaki din ang gusto niya, haay, lahat talaga ng gwapo, gwapo din ang hanap.

Mataba ako, and so?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon