Dati rati naiistress lang ako sa homework, quizzes at group activities kasi mga kagroup tamad pero ngayon dumarami pa yata.
Wala naman ako kaplano plano na masali sa drama club at lalong hindi ko naman ginusto na matambakan ako ng problema. Hectic sobra, lahat sumisigaw, ang iba nabebeastmode, yung iba naman kung saan saan na lang nakakatulog kasi sobrang late na minsan ng rehearsal.
You may ask kung bakit para sa isang maliit na high school play ay OA makareact ang mga ito, well it turns out na aattend ang isa sa mga leading beneficiaries ng school which is isang kilalang theater producer sa isang bansa. There was a rumor na nakausap daw nito ang principal at balak mag sponsor ng scholarship abroad para sa isa sa pinakamagaling na magpeperform sa play.
Hard to believe pero it seems lahat ng tao sa drama club ay gusto, hindi lang kasi mga actors ang pwedeng mapili but even the stage crews from stage setting designers, to costume producers at pati directors kaya pati si Cassidy naging real life amazona to make everything perfect without any flaw.
Deep inside of me, may konting part na nagaassume pero let's be honest, ano naman ang papel ng tagagawa ng props. It's not like bigla na lang mahihiwagahan ang mga tao sa simpleng puno na gawa sa karton.
"Tabitha, matagal pa ba yang pinipinturahan mo? Kanina ka pa dyan ah!" pasigaw na sabi ni Mat, isa sa mga stage designers.
Napapikit na lang ako at napabuntong hininga kasi pang anim na puno na itong pinipinturahan ko at mag nanine o'clock na ng gabi, kanina pa ako binobomba ni Papa ng tawag at pinapauwi pero ayaw ako payagan ni Mat at namblablack mail na irereport kay Ms. Reyes kapag di ko tinapos ang pinapagawa niya.
Gustong gusto ko na siyang buhusan ng pintura at ibaon sa lupa para siya na lang ang maging puno.
I can't ask for any backup, si Luigi kasi nakakulong sa isang room at pinipilit ni Cassidy na ipakabisado ang mga lines niya, as in kinandado siya si Cassidy at papalabasin lang pag nasaulo na niya. I'm really afraid of what Cassidy is capable of, buti na lang hindi ako under niya or else, ten times worse pa yata ang inabot ko.
"Patapos na ito, saglit na lang." buntong hininga ko kay Mat ng maramdaman ko ang naiinis na titig nito na nakabaon sa likod ko.
Narinig ko na lang na umalis ito pero pagalit at nagkandasigaw sigaw na naman sa iba.
"Do you need any help?" said by someone all too familiar.
I almost forgot na Rhamiel was also here pero napakaunfair kasi ang pinapagawa lang sa kanya ni Mat eh magobserve at tingnan kung nagawa ba kami ng ayos. Palibhasa deep inside may crush naman si Mat kay Rhamiel kaya pabida, sarap sipain.
"Baka mapagalitan pa ako ni Mat, mag sitting pretty ka na lang dyan." sabi ko dito habang gigil na gigil sa paglagay ng kulay sa isang kawawang karton.
"Sa Japan ba ang filming natin at cherry blossom na puno ang napili mong gawing background." natatawang tanong ni Rhamiel.
Sa sobrang pagod ko hindi ko na napansin na kulay pink na pala ang paint na nagamit ko sa dahon ng puno.
"Lagot, baka isabit ako ni Mat sa stage nito." bulong ko habang nagiisip ng way para magawan pa ng solusyon at maisalba ang kawawang puno.
Biglang tumabi sa kinauupuan ko si Ramiel at inagaw ang paint brush sa mga kamay ko.
Biglang nakaramdam na lang ako ng kakaiba ng magbanggaan ang kamay namin pero pinagsawalang bahala ko na lang. This is not the time to be thinking about weird feelings of the past.
Delirious lang ako kasi hindi pa ako nagdidinner, tiyan ko lang siguro yun na nagdedemand ng pagkain.
"Let me finish this, kumuha ka muna ng snacks sa vending machine kasi di ka pa yata kumakain." Sabi nito habang pinagpapatuloy ang pagtatama ng kulay sa pink kong puno.
BINABASA MO ANG
Mataba ako, and so?
Teen FictionHindi nasusukat ang worth ng isang tao sa timbang o laki niya.