Chapter One

758 34 6
                                    

Chapter One

∞♥∞♥∞♥∞

Tabachoy.

Mataba.

Tabachingching.

At ang all-time favorite,

Baboy.

Ilan lang ang mga salitang ito na palagi kong naririnig, kapag bumubili ako sa tindahan, kapag sumasakay ako sa jeep, kapag pumapasok ako sa eskwelahan at kapag nakatambay lang ako sa bahay at nanunuod ng anime.

Wala talaga akong lusot kahit saan pa man ako magtago, kahit nga siguro di ako nakikita ng tao, malimit pa rin akong mapagusapan.

Siguro yan din ang consequence na kailangang harapin ng isang taong medyo kinareer ang pagkain, pero hindi ko naman kasalanan yun diba? Di ko naman ginusto na pinanganak akong mabagal ang metabolism at hindi katulad nung mga taong mas marami pang kumain sa akin, pero ni isang kilo walang nadadagdag.

Pero sa araw araw ba namang ginawa ng diyos, mapa bata, matanda, babae o lalake, masyadong ipinamumukha na mataba ako, as if naman nagising ako isang umaga at nakalimutan ko yung fact na yun, na mataba nga ako.

And today was like any other day, I was on my way to school at this time di na ako nag jeep kasi inaabuso ng mga jeepney driver ang katabaan ko para hingan ako ng mas malaking pamasahe, unfair kaya yun, report ko sila sa LTFRB eh.

10 piso lang pamasahe ng estudyante, hindi bente.

At ayoko na ring makipagtalo sa mga pasosyal na tao na palagi na lang may side comment na kesho sikip daw o baka daw maflat yung gulong at malate pa sila. Eh kung tinutulak ko kaya sila sa labas, kung tunay na mayayaman nga at sosyal sila, di sila mag jijeep at akala mo naman kung sinong magaganda.

At siguro maganda na rin yung naaarawan ako at hindi yung puro radiation na lang ng computer namin ang narereceive ko.

Kasalanan ko ba kung alam ko ang password ng WiFi ng kapitbahay namin?

Pero seryoso, nakakapagod, feeling ko igang iga na ang lalamunan ko at kumakalam na yung tiyan ko. Hindi talaga ako made for exerting body energy or fat.

“Konti na lang Tabitha, kita mo na yung gate ng school oh.” Pag chi-cheer ko sa sarili ko habang patuloy na pinipilit ang mga paa ko na maglakad.

Grabe ang effort.

Medyo malapit na ako sa goal ko ng mapadaan ako sa tindahan, sa totoo lang nagtitiis naman talaga ako eh at pinipilit ko talaga na wag munang kumain at mamaya na lang sa break pero feeling ko sine-seduce ako nung mga pagkain na naka display sa bagong linis at kumikintab kintab effect pa na estante ng mga paninda.

Daig pa ang tukso.

Oh tukso, layuan mo ako.

I closed my eyes and counted one to ten before continuing my little journey.

Pero siguro that wasn’t my brightest idea kasi sino ba namang tao ang maglalakad sa lugar na punong puno ng mga nagmamadaling estudyante na malapit ng malate sa klase ng nakasara ang mga mata. That was screaming danger and stupidity at the same time.

At bago ko pa marealize ang katangahan ko, bumangga na yung katawan ko sa iba at ofcourse with my luck and my obviously, my size, siguradong semplang na agad yung taong yun.

And i was right.

Diretso sa lupa ang nakabangga ko at ang mga kasama niya, mala domino effect ang nangyari kasi nakapila sila habang chinecheck ni manong guard kung may ID nga sila, pati si manong guard bumagsak din.

Mataba ako, and so?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon