Chapter Six

347 22 9
                                    

Marami pang Typo/grammar errors ito, hindi ko kasi ma edit agad kaya sorry :\

Chapter Six

∞♥∞♥∞♥∞

The next day of school was quite torturous.

Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi.

A small part of my brain kept telling me to just skip the whole day kasi feeling ko wala na akong mukhang ihaharap sa school, lalung lalo na sa drama club pero the other half naman ay gustong gustong pumasok para makita ang result ng naging audition kahapon.

Sinasabi ko naman sa sarili ko na wag ng umasa kasi baka madisappoint lang pero kailan ba ako nakinig sa sarili ko?

Feeling ko ma sariling utak ang katawan ko, yun bang hindi ko kontrol...

Ano ba yan, mababaliw pa yata ako.

I want to die, pero hindi pwede kasi may exam pa ako mamaya sa Social Studies, bukas na lang siguro...

At dahil nga doon sa one to twenty kong exam, napilitan na din akong pumasok.

At ngayon, nakatago ako sa may likod ng isang pick up truck na nakaparada sa may tapat ng school namin.

Naisip ko na papasok na lang ako pag malapit ng mag time para kokonti lang ang tao sa entrance.

Para siguro akong tanga na nakatunganga dito at yun din siguro ang tingin sa akin ng mga dumadaan sa likuran ko pero sa ngayon wala muna akong pakialam sa kanila.

“What are you doing?”

Initial reaction na ng tao na kapag ma boses na nagsalita out of no where kapag naka ninja mode ka ay magulat at yun na nga ang nagyari sa akin at dahil na rin sa malapit kong kaibigan si kamalasan, napauntog pa ung ulo ko sa may side view mirror ng pick up truck.

“Shit aray ko!”

Hinilot hilot ko ang ulo ko at naramdaman ko na gad ang nagsisimula pa lang na tumubong bukol. May panibagong kamay naman na sumali sa paghahanap ng bukol ko kaya napatunghay ako at tiningnan kung sino naman ang may kasalanan.

And I should have expected it to be Luigi, ang half-man-half-mushroom na kung saan saan na lang sumusulpot.

“Naku, ok ka lang ba Tabitha? Masakit ba?” tanong agad nito at mukhang worried nga naman.

Napabuntong hininga naman ako at tumayo na kung saan ako nagtatago. Nakakunot ang noong tinitigan si Luigi.

“Shemay ka naman Luigi, ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na wag kang susulpot kung saan saan.”

He smiled sheepsihly at napakamot na lang sa ulo.

“I was just passing by at may nakita akong babae na sumusilip sa school na parang pedophile stalker. Kung nakita ka siguro ng pulis baka isipin nila masamang tao ka at ikulong ka pa.” sagot agad nito.

I glared at him more bago ko siya inirapan at sumlilip na lang ulit kung marami pang tao sa may harapan ng school.

“Grabe, pedophile stalker agad? Hindi ba pwedeng estudyanteng takot pumasok muna at nakauniform kaya ako. Napaka-OA mo.” dagdag ko after kong makitang medyo marami pang nakapila.

I cursed under my breath when I realize that it would take a bit more longer hiding.

“Bakit ka ba nagtatago? Are you in trouble?” tanong ni Luigi.

“Hindi no.”

Hindi naman talaga ako in trouble diba? Isinasalba ko na lang ang natitira ko pang kahihiyan.

Mataba ako, and so?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon