Chapter Four
∞♥∞♥∞♥∞
Hindi ako sigurado kung anong oras na ako nakatulog kagabi or kung nakatulog ba talaga ako, wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang magpagulong gulong sa kama ko para makahanap ng komportableng posiyon pero hindi ako naging successful kasi after closing my eyes for like five minutes, meron na agad kumakatok sa pinto ko.
Gusto kong umiyak kasi isa lang naman talaga ang ibig sabihin kung bakit may pumapasok sa kwarto ko and that is either may sunog or tanghali na at kailangan ko na ng human alarm clock para gisingin ako.
But it's no use, how would you wake someone who hasn't slept at all, not even a wink.
I so hate my life.
“Rise and shine Tabitha, baka ma late ka pa.”
Hindi ko alam kung part lang yun ng pagiging responsible adult o sadyang masyadong masaya lang talaga ang papa ko tuwing umaga.
May magic powers nga siguro ang kape, malas nga lang talaga at hindi ako umiinom nun.
I need all the coffee in the world to properly cheer me up today.
Kinuha ko ang unan ko at itinaklob sa mukha ko ng buksan ni papa ang blinds ng bintana ko at parang bampira akong umiwas dahil in all honesty, the light freaking hurts my eye.
Parang mini solar flare lang.
“Ayoko pumasok Pa.” reklamo ko sa unan ko.
Siguro hindi niya masyadong naintindihan yun kasi naman nakaharang parin yung unan sa mukha ko kaya hinila niya yung unan at tiningnan ako ng mariin.
“Anong sabi mo?”
Hindi naman siya mukhang galit pero seryoso pa rin yung mukha niya kaya gumulong na lang ulit ako sa kama.
“I said, I don't want to go to school.”
Narining ko siyang bumuntong hininga and I should feel guilty kasi ang laki laki kong tao, sakit parin ako sa ulo pero di naman ako masisi.
“Not this again Tabitha.”
“I'm serious Pa, pakitawagan na lang ang school at sabihin mo nacomatose ako at hindi muna makakapasok.” sabi ko after akong piliting tumayo ng papa ko.
“Gusto mo bang pagusapan natin kung ano mang problema yan anak?”
I love my dad pero never akong naging open sa kanya for various reasons and I'm not going to cry on him again, never so I just settled with a simple 'No'.
“Tabitha?”
Mukhang maha-highblood nanaman sa akin ang papa ko kaya umupo na lang ako sa kama at hinarap siya. Ayoko naman siyang atakihin sa puso ng dahil lang sa ayaw kong pumasok.
“Hindi ba pwedeng ngayon na lang tayo umalis papuntang States?” tanong ko.
“Hindi.” simple niyang sagot.
“Eh kung tumigil na lang kaya ako?” pangungulit ko
Ok, medyo madrama ang araw ko ngayon pero can you blame me? Hindi ako nakatulog dahil sa play na yan at ngayon kami magsisimula. Like hello, as if naman may makikinig sa akin kapag inutusan ko sila.
Alam ko na agad ang mangyayari kapag tumuntong ako sa club na yun, matatapos at matatapos ito ng walang ginagawa ang Rhamiel na yun at ako'y magiging alila lang.
No way.
“Gragraduate ka na Tabitha, wag na nating sayangin pa ang pagkakataon.”
I rolled my eyes and stared at him seriously.
BINABASA MO ANG
Mataba ako, and so?
Teen FictionHindi nasusukat ang worth ng isang tao sa timbang o laki niya.