Remind me why I had agreed to do this.
Pakiramdam ko kilo kilo na ang nawawala sa katawan ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Dinaig ko pa ang nagzumba ng buong araw.
Aircon yung buong hall pero bakit parang nakabilad ako sa araw sa sobrang pawis ko. Nakakadiri na kasi ang init init nung suot ko, ang kapal ng tela at kating kati na ako talaga. Sikip din ito dahil sadya namang hindi nila inakala na ako yung papalit kay Francine pero nagawan naman ng paraan at nakapagready agad sila but it's still too damn tight.
Malapit na ako lumabas at magpakita sa mga tao. Sumilip na ako kanina habang nakababa pa ang kurtina at doon ko naramdaman ang pagkatal ng tuhod ko.
Ang daming tao.
Bakit ang daming tao eh ginto yung price nung ticket, wala na ba talaga sila mapaglagyan ng mga pera nila kaya pati school play pinapatos na din nila? Nakaupo din sa unahan yung mga school directors at board of trustees na siyang nakikita ko palagi na nakadisplay ang mukha sa office ng principal namin. May bakante din na upuan sa may tabi nung pinaka may ari ng school at siguro dun uupo yung special guest na sinasabi nila.
May mga estudyante din na nanunuod at di ko inexpect na ganun sila kadami. Hindi naman dapat mahilig ang mga kabataan ngayon sa theater diba?
Napatalon ako sa kinatatayuan ko ng may biglang kumalbit sa likod ko. Tumalikod ako para harapin ito at si Luigi lang pala. Bakas sa mukha niya yung pagaalala pero parang di ko siya nakikitang kinakabahan
"Hoy, okay ka lang ba? Ang puti puti ng mukha mo, para kang nakainom ng suka." Wika nito habang nakakunot ang noo.
"Hindi ko yata ito kaya, I quit, uwi na ako." Sagot ko sa kanya at akmang tatakbo na pero pinigilan niya ako ng halbutin niya yung braso ko at pinaharap niya ako. Napasinghap na lang ng marealize ko kung gaano kalapit yung mukha niya sa mukha ko.
"Lalabas na ako at next na yung scene ko, wag ka magfocus sa mga tao, sakin ka lang tumingin at magfocus at magiging okay din ang lahat. Trust me." Seryoso niyang sabi habang direktang nakatitig sa mga mata ko.
Eto na naman yung mga drummers sa dibdib ko, nagcoconcert na naman sila. Bakit bigla bigla nangyayari to at ngayon ko lang napansin na light brown pala mga mata ni Luigi.
"Luigi! Ikaw na ang next!"
Ngumiti ng malaki sakin si Luigi bago siya lumakad para pumunta sa spot niya at ako naman ay naiwan na nakatanga at kung kanina mukha akong bangkay sa putla, ngayon naman ay nangangamatis na sa sobrang pula.
'Snap out of it Tabitha' bulong ko sa sarili ko kasi ibang level na ng kaabnormalan ito.
I just need to get over this play and my life will be back to normal...as normal as it can get.
Kita ko mula sa kinatatayuan ko yung part ng stage so I just stood there and watch Luigi play his part. Hindi naman pala nasayang yung mga practice namin kasi mukhang natural na lang na lumalabas yung mga lines kay Luigi at mukhang nageejoy pa siya.
Ngiting ngiti ako at focus na focus sa panonood ng biglang humarap sa gawi ko si Luigi at kumindat. Ramdam ko yung paglagabog ng dibdib ko kaya dali dali akong nagpunta sa make up room para kunwari magretouch. Assuming na may ereretouch pero kailangan ko lang makawala na tingin ni Luigi na makalaglag panty.
Ang harot.
Akala ko immune na ako sa good looks ng lalaking yon pero parang nadelay lang ng epekto. Kaya pala kanda away ang mga babae para makuha atensyon niya at mapangiti.
Pero kaibigan ko siya, so erase, erase, erase itong mga delusional thoughts na sumasagi sa isip ko.
May time para lumandi, hindi ito yung time kasi may auditorium na puno ng tao ang nageexpect na maging worth it yung binayad nila na two thousand pesos.
BINABASA MO ANG
Mataba ako, and so?
Teen FictionHindi nasusukat ang worth ng isang tao sa timbang o laki niya.