Chapter Dedicated to @JozelDalmacio kasi natouch ako haha :D
Salamat ng marami sa pagbabasa nito ♥
Enjoy!
~*~
Chapter Seven
∞♥∞♥∞♥∞
Attending the first rehearsal day para sa preparation ng play wasn’t that bad.
Well, except dun sa part ng kailangan kong kaladkarin si Luigi dahil muntik na siyang tumakas after class hours.
And now we were both seated at the front of the stage, waiting for everybody to arrive. Naghihimutok pa rin sa tabi ko si Luigi.
“Wala naman sigurong mawawala kung aabsent ako sa first day, magdedeliver lang naman ng speech ang director ng play.” Reklamo nito.
“You’re playing the lead role, ibig sabihin walang saysay itong play kung hindi ka aayos.”
“Palagi na lang nakadepende ang mundo sa akin! Ang hirap talaga kapag ikaw si Luigi – aray!”
Napalingon ako kay Luigi, curious dahil hindi ko naman siya inaano pero nakita ko ang dahilan ng pag aray niya.
It was the president of this club, Cassidy, hawak hawak niya sa kanang kamay niya ang nakarolyong papel na obvious namang inihampas niya sa likod ng ulo ni Luigi dahil nakayuko ngayon ang said Luigi at hinihilot ang ulo niya.
Ouch.
“What the hell, who did that?!” galit na sabi nito bago hinarap ang nakapameywang na si Ms. President.
“Ako.”
Napatingin naman ako sa nakakunot na noong si Cassidy, feeling ko may lumalabas na usok sa ilong at tenga niya at kitang kita mo kung paano mamula ang mukha niya sa galit at ang paghigpit ng hawak niya sa script ng play na inihampas niya kay Luigi at mukhang nakaready na ulit siya.
I don’t know what to expect, maybe like in the books kung saan pag nag meet yung mga mata nila, may spark na something na magaganap. Well, that’s what I was imagining pero di ko naman naisip na tatalon mula sa upuan niya si Luigi at aagak na parang sira, halatang gulat na gulat siya sa nakita niya.
“Ahhhh! Ang babaeng Amazona!”
I was about to stop him because he was disrespecting her and I don’t want any more detention. One is enough and it’s already ruining my whole senior year. It was a nice thought at first where I was thinking I’d have a better nonexistent year, pero hindi na yata magiging normal pa lalo na ng biglang ihampas na naman ni Ms President and script sa braso ni Luigi.
“Aray ko!” sigaw naman nito. He glared at her and she glared at him back, well yay, glaring contest.
Siguro hindi ko na kailangan pang sumingit pa sa dalawa since wala naman talaga akong ideya sa kung ano na ba talaga ang nangyayari pero it’s best to just watch, ayoko ngang mahampas sa mukha, tama ng si Luigi na lang ang nasasaktan.
Kaya I just sat there and watched as they tried not to kill each other, parang yung mga nasa anime lang.
Cool, saan kaya may popcorn dito?
“I can’t believe sa lahat ng lugar na pwede kitang makita, dito pa sa place na alam kong hindi magtatagpo and landas natin! Kailan ka pa nahilig sa drama!” galit na sabi ni Cassidy habang pinanggigigilan ang rolyo ng papel sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Mataba ako, and so?
Teen FictionHindi nasusukat ang worth ng isang tao sa timbang o laki niya.