Chapter Sixteen

13 0 1
                                    

Hello, it's 2020 LOL.

I was summoned from hibernation, hindi ko na po tanda yung story so I had to reread the whole thing.

I wrote this story in 2013, nakakatawa na ewan pero I did make a goal in 2020 to finish my stories.

Well, I hope somebody appreciates it.

Stay strong guys, lalo na ngayon. Stay safe and stay at home :)

~*~*~*

Wrap up! I went backstage to change from the costume, maghihilamos pa sana ako para mabawasan yung bigat ng mukha ko from the make up pero I was already being pulled out of the room.

I felt like I was in cloud nine.

I was being congratulated from left to right, mga mukha na alam kong tinatawanan ako dati pero eto, grabe makaplastic.

Or maybe they genuinely liked the performance and I just have this underlying trust issues.

Pero anyway, it might just be a one time thing.so might as well enjoy.

It's a different feeling when the attention is positive and not the usual negative teasing and embarrassment.

Fresh air.

"Tabitha!" a shout caught my attention from my left.

I couldnt' help but run and hug the person who called my name. "Pa! Papaaa!" excited kong sigaw habang mahigpit na niyayakap si Papa.

Ramdam ko din yung excitement niya habang yakap yakap ako.

"Ang galing galing mo anak! Di mo sinabi sakin na ikaw pala yung bibida, nakabili sana ako ng bulaklak." sabi niya, dama ko sa boses niya ang panghihinayang.

"Naku papa, di kasi nakakaattend yung bida, ako lang yung may alam ng lines kaya ako ang back up." pag eexplain ko sa kanya. "Muntik na ako maihi sa nerbiyos papa." dagdag ko na siyang nagbalik naman sa saya sa mukha niya.

Yung mga ganitong sandali yung hinding hindi ko ipagpapalit. Puno man ng negatibo and mapanakit na salita ang natatanggap ko sa ibang tao, yung pagmamahal naman na pinaramdam sakin ng Papa ko yung nagpapaalala sakin na meron parin talagang maganda sa mundo.

"Hi po!" masayang bati sa likuran ko.

Naghiwalay kami sa pagkakayakap ng Papa ko para mabigyan ng pansin yung bagong sulpot na kabuti. I already recognized the voice without even looking.

"Oh Luigi, congratulations, nakakatuwa kayo ni Tabitha." tugon ni Papa habang kinakamayan si Luigi.

I smiled to myself kasi excited din na kinamayan ni Luigi si Papa.

"Ang saya nga po eh, ang talented po ng anak niyo." he replied before he turned to me to give me a huge childish grin.

I had to briefly look away kasi sobra na, di na kaya yung atensyon na nakukuha ko sa mga tao na nakapaligid sakin. It's all positive and I'm not used to it.

Is this what they call fame? Charot.

Pero mukhang proud na proud din si Papa na marecognize yung hidden talent ng unica hija niya.

"Naku, manang mana talaga siya sa Mama niya eh, ang galling din kasi –" my eyes widened when I realize the destination of this conversation so I was quick to make an abort mission signal at pinigilan si Papa sa pagsasalita.

"Pa! Kain na lang tayo, gutom na ako!" I lied.

Kasi I was far from being hungry, I still have butterflies on my stomach and the urge to throw up was around the corner pero yun yung pinaka believable na excuse.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mataba ako, and so?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon