Chapter Three

368 22 3
                                    

Chapter Dedicated to htedualC <3 <3 <3, ang supportive kong pinsan na in denial pa. :D

Enjoy this chapter....

Chapter Three

∞♥∞♥∞♥∞

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko sa araw na iyon, naisip ko na dumiretso muna sa hide out ko.

Kailangan kong balikan kung naroon pa nga ang bag ko.

Hindi talaga pwedeng mawala yun kasi tiyak na mapapagalitan ako ng papa ko pati na rin ng mga teachers ko.

Siguro naman ako na hindi multo yung nakita ko, well... I hope so.

Hindi ko man namukhaan kung sino yun, sigurado naman akong tao yun kasi umagak pa yun ng matamaan siya ng bag ko sa mukha.

Sana nga lang iniwan niya yung bag ko dun at naisip niya na babalikan ko pa yun.

Kaya habang busy ang mga estudyante sa paglabas ng school, umikot naman ako sa likod at dahan dahang lumakad papunta sa haunted playground.

Hindi pa naman madilim pero hindi ibig sabihin, hindi nakakatakot kapag magisa ka. Baka kasi one moment, may biglang umutlaw na rapist pero bakit naman ako matatakot sa rapist, as if naman pagiinteresan ako.

Ano ba naman itong iniisip ko, puro kalokohan.

Kailangan ko na talagang makita yung bag ko para makauwi na ako at makakain kasi hindi pa talaga ako kumakain simula kaninang umaga. Nasira ng Rhamiel na yun ang appetite ko.

Ng makapasok na ako at ang tanging tunog na lang sa paligid ay ang ilang ibong naligaw sa puno, hindi siya creepy, mas relaxing pa nga eh pero I really really need to go home.

Nilapitan ko yung bench pero walang tao at wala din yung bag ko.

“Badtrip naman oh.”

Napakamot na lang ako sa ulo at umupo ako sa may bench, umubob na rin ako sa lamesa dahil bakit ba napaka malas ko today?

Wala naman akong nadaanang itim na pusa at laong hindi naman friday the 13th kaya why? Why? Why? Why? Siguro may balat nga lang talaga sa pwet ang lalaking yun.

“Eto ba hinahanap mo.”

Natigilan ako ng marinig ko na may nagsalita.

Gutom lang siguro kaya naghahallucinate na ako at nakakarinig na kung anu-ano.

Pero ng pagtunghay ko, may nakatayo ng tao sa harapan ko at napasigaw na lang ako sa gulat.

“Ahhh!”

Muntik pa akong mahulog sa bench dahil pinilit kong lumayo, buti na lang nahawakan agad ako ng kung sino man yun sa braso at hindi natuloy ang pagsemplang ko sa lupa.

Mataba ako, and so?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon