Chapter 10 na mga bes after ilang years hahaha, sorry na po, para po ito sa lahat ng matiyagang nagintay. Thank youu ~(*°*)~
~*~
"Best friend!?" Gulat na sabi ni Cassidy.
"Ex?!" Ang napiling itanong naman ni Luigi.
Napatingin na lang ako kay Luigi na parang ewan kasi sa haba ng sentence ko 2 letters lang ang naintindihan niya, may double meaning pa.
"Ex best friend Luigi, hindi ex boyfriend." Sambit ko sa kanya.
Ilang beses na naging conclusion ni Luigi ang ganum, ibang klase talaga magisip ang lalaking ito.
Hello, Rhamiel Serano mag ka ex na Tabitha Baylosis, anong parallel universe kaya mangyayari yun. Yes, Rhamiel was good looking and typically portrays a badboy pero hindi na ba natuto ang mga kababaihan, kailangan may warning sign na malaking stamp sa noo na nakalagay 'Danger, mabrobroken ka lang', kasya kaya yun sa noo ni Rhamiel?
"Hindi ko naman sinabing boyfriend, masyado kang mag assume." Pang aasar pa ni Luigi.
"Kung hindi lang injured paa ko nasipa na kita." Inis na sabi ko.
Medyo nakaramdam din ako ng sakit sa sinabi niya at lungkot, matagal ko ng naitatak sa isipan ko na imposible na magkaroon ng taong tanggap ang pagiging mataba ko. Kahit pa siguro gaanong kadaming inspirational message ang basahin ko, the reality of things would not change.
I am fat, people don't like the extra kilo, sa daming nagkalat na body goals, i doubt things will get better for me.
Natahimik na lang ako at di na napansin na tinititigan pala ng masama ni Cassidy ang step brother niya.
Naramdaman ko na lang na may kamay na humawak sa kamay ko na siyang ikinagulat ko.
Napatitig pa ako ng matagal ng mapansin ko ang mahigpit na hawak ni Luigi kamay ko.
"Wag ka ng magisip Tabitha, nakakaistress yun. Rhamiel is a very unlucky guy kasi nawalan siya ng best friend na gaya mo." Sabi niya bigla with matching ngiti na nakakatunaw ng pusong nababalot ng yelo.
Sana pati fats nakakatunaw din no, kasi puro cholesterol naman ang akin.
"Sakin ka na lang!" Masayang sabi nito.
Feel na feel ko mga bulate ko sa tiyan na nagpaparty party sa loob, di pa sila nageevolve sa pagiging paru paro kaya ganun. Yung puso ko medyo napapaindak na din kasi ikaw ba naman sabihan ng ganun.
"Ha?" Speechless ako kasi pati utak ko ata nagshort circuit.
"Best friend, ako na lang best friend mo!" Sagot ni Luigi.
Ramdam ko pamumula ng mukha ko kaya hinila ko na yung kamay ko at saktong nakita ko na yung bahay namin.
"Move on na ako dun Luigi ano ka ba."
Umiwas ako ng tingin sa kanya kasi naman, assumera ng taon ang naramdaman ko on that part. Bigla akong natawa sa inaasta ko, bata bata ko pa lumalandi na, batukan ko kaya sarili ko ng isa.
Ng tumigil na ang sasakyan, napatawa na lang ako. Parang sira lang talaga ako, siguro dahil tong pilay ko. Tiningnan ko na si Luigi at medyo nakafrowny face pa siya, god, these goodlooking boys kept acting like kids.
"May nasabi ba ako?" Tanong niya bigla.
"Wala, wag ka lang din assuming, kakakilala lang natin best friend agad, ieearn mo pa yung title." Sabi ko sa kanya habang natatawa.
"Sus, easy, saan mo gusto kumain libre kita?" Tanong nito.
May nagwawala na naman sa tiyan ko at for sure, di na kinikilig kung hindi nagugutom na sa sinabi niyang yun.
BINABASA MO ANG
Mataba ako, and so?
Teen FictionHindi nasusukat ang worth ng isang tao sa timbang o laki niya.