Late update na hahaha pasensiya na po.
~*~
Judgement Day
..'Just stop your crying it's the sign of the timeees,..
Malakas yung pagtunog ng alarm ko sa cellphone ko at medyo naalimpungatan na ako pero ng makita ko sa labas na medyo madilim pa, mangiyak ngiyak ako na nagtaklob ng unan sa mukha habang patuloy lang si Harry Styles sa pagbirit ng kanta niya.
"Argg noooooo, Harry why you do this to me." Antok na sabi ko habang unti unting gumugulong sa kama.
Antok na antok pa talaga ako, sobrang ginabi na naman ng uwi actually halos maguumaga na nga yata kaso no choice, ngayon na yung araw na pinakahihintay ng lahat.
Ngayon na yung play namin ng Romeo and Juliet.
Hindi ko alam kung saan humuhugot ng lakas yung mga kasama ko, pakiramdam ko yung iba mga may lahing aswang, hindi nakakaramdam ng pagod or antok. Bigay kung bigay at wala silang palya. Samantalang ako pakiramdam ko nangayayat na ako, ang daming kulang sa tulog, minsan di pa ako nakakapagdinner. Siguro mga 5 kilos yung nawala sa akin.
Madaming nakapansin na medyo lumiit yung fats ko sa mukha pero hindi ibig sabihin nun titigilan nila ako sa mga pangaasar nila. Medyo mellow lang kasi so Francine busy sa play, di na nga yata umuuwi yun minsan, nagcacamping na yata sila sa school.
Kung di lang naapektuhan ang tulog ko at kain ko, baka pinagdasal ko pa na hanggang graduation na ang play kaso hindi ko na talaga kaya. Sumusuko na ako, okay na sa akin na mabully at pagtawanan kesa naman magutom at sigaw sigawan lagi kasi mali mali yung shading ng props.
Pinikit ko na lang ang mata ko at pinakinggan yung buong kanta ni Harry Styles na Sign of the Times para mabawasan yung pagod ko, yung pakiramdam na kakagaling mo lang sa tulog pero pagod ka pa din. Hustisya.
Natapos na yung kanta pero di pa rin ako bumabangon, iniisip ko kung worth it ba na pumasok ngayon? Tapos na naman yung mga kailangan ko gawin at ang kailangan na lang is ididisplay kapag change scene na which ako din ang gagawa kasi ayaw utusan ni Mat si Rhamiel magbuhat. Nasaan ang equality rights ko dito.
Naputol yung pagmamaktol ko ng biglang may narinig ako na katok sa pintuan at bumukas ito, sumilip si papa ng kaunti para siguro icheck kung gising na ako.
"Anak? Gising ka na ba?" Mahinang tanong ni papa sa kinatatayuan niya.
"Natutulog pa po." Bigla kong sagot.
Natawa ng konti si papa bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko at buksan ang ilaw.
Napasinghap ako ng maliwanagan ang mata ko na para bang binuhusan ng asido sa sakit.
"Ikaw talaga Tabitha, halika na bangon ka na. Nandito nga pala si Luigi sa sala. Iniintay ka." Natatawang sabi niya sa OA kong reaction sa ilaw.
Alam ni Papa na may pagkadrama queen kasi ang anak niya.
Pero yung sinabi niya talaga ang nagpabalikwas sa akin sa kama at tinitigan ko si papa ng nakakaloko.
"What!?"
Nagulat ng kaunti si Papa pero natawa na lang ulit siya, pinakita din niya sa akin yung hawak niya na papel at nalaman ko na isa siya entry ticket para sa play mamaya.
"Sabay na daw kayo pagpasok eh, binigyan din niya ako ng ticket para dun sa play niyo." Sagot niya.
Ramdam ko yung excitement sa boses ni papa, alam ko gusto niya manuod pero hindi namin afford yung ticket. Nakakaloko kasi yung price, 2,000 para sa simpleng school play. Dinaig pa talaga ang presyo ng mga theater acts ni Lea Salonga, ganun siguro kabigtime ang mga manunuod.
BINABASA MO ANG
Mataba ako, and so?
Teen FictionHindi nasusukat ang worth ng isang tao sa timbang o laki niya.